Wednesday, December 28, 2005

Hula-hula

Ever since na-discover ni Deden recently na enjoy pala mag-play ng cards (tinuruan ko kasi nung game na pairs tapos tinuruan ng dad nya ng ibang games), halos araw-araw nangungulit na maglaro daw kami.

Kagabi, after several games of “find the correct card”, yung naka-face down ang mga cards tapos isa-shuffle nya at papahanap kay daddy nya yung tama, naririnig ko syang magsabi ng “Ang daya mo Daddy!” pag nahuhulaan ni Noy yung tamang cards. Tawa lang ng tawa ang ama. Maya-maya ang comment na ni liit “Kasi you are the greatest card gamer that ever was eh!” hahaha o di ba, in-English pa!

Ang ultimate na napahalakhak pati ako, nung pinahulaan nya kay Nonoy kung alin daw sa dalawang kamay nya ang basa. Sabi ni hubby, “Eh pareho naming tuyo yan ah!” Sagot ni Deden, “Hindi, may isa akong dinilaan dyan.” Nyaaah! Gulong kami kakatawang mag-asawa.

Thursday, December 22, 2005

Ang lamiggggg!!!

Lapit na ng Pasko, at sobrang ginaw na dito sa amin. Ulan pa ng ulan. Hirap tuloy gumising sa umaga hehehe. Patok talaga etong nabili kong cheap na room thermometer last month, kitang-kita ang pag-drop ng temperature pag gabi. Nakakatawa pa etong asawa ko, may I bring it pa sya dun sa labas para tingnan kung may difference daw ba ang temp sa loob at labas ng bahay. Ngar, nung isang gabi 18 degrees sa labas while 20 degrees dito sa loob. Feeling ko nasa Baguio na kami!

I hope everybody’s enjoying the holidays. Hectic man sa sikip ng traffic at problema paghahanap ng gifts (hindi pa kumpleto ang list ko waaah! wala time lumabas ng bahay), let’s pause for a while to think of the true reason why we’re celebrating Christmas.

May your holidays be filled with love and laughter and may the New Year bring us all tons of hope for a brighter future.

Monday, December 12, 2005

No yaya for a month

Umalis na kagabi si yaya. Hinatid ni hubby sa airport. Pagka-alis nila ng bahay, inexplain na namin ng nanay ko sa mga bata na kelangan tumulong na sila sa mga gawaing bahay at wala ng turuan kung sino ang gagawa habang wala si yaya.

Natawa naman ako sa biglang reaction ni Leland, “Mommy, sinong magpa-plantsa ng uniforms namin!” Tunog panic-stricken baga. Pag-isipan daw ba akong hindi marunong mag-plantsa! Ayun kagabi tuloy bago ko maasikaso ang tambak kong deadlines, nakaharap ako sa kabayo at nagplantsa ng mga polo at pants nila for school.

Now I only have to get through the next few weeks of laba-damit, hugas-pinggan, linis-bahay etc. etc. aside from taking care of James and the myriad of things I already do everyday. Ack, malamang ala-Kuya Germs na naman ako nito – walang tulugan!
Airline Angst

Etong yaya namin, nagpaalam na uuwi ng Zamboanga for Christmas. Pinayagan ko. Nung tinanong ko ang travel plans nya, balak daw nyang mag-bus tapos diretso na yun tatawid ng dagat from island to island hanggang makarating sa kanila. Naloka naman ako nung sinabi nyang 4 days ang byahe!!! Ngar, yun ngang 12-hour land trip to Sorsogon na naranasan ko many years ago, ayoko ng ulitin, yun pang 4 days?!

Ang pamasahe daw around P3000+ kasi from Davao to Zamboaga pala eh nasa 1k pa ang bayad. Tamang-tama etong si hubby, nabalitaan kung kanino na may low rates daw ang Cebu Pacific. So ni-surf ko sa internet. And true enough, sa home page pa lang ng website nila, andun na ang options to choose your destination, kung one way o round trip saka may pop-up window pag ni-click mo yung “Compute fare”.

Nung tiningnan ko ang pa-Zamboanga, 1 hour 35 minutes lang. Tapos ang nakalagay doon na total fees eh P2288. Kung di ba naman maengganyo kang mag-eroplano na lang! Nung sinabi ko kay yaya, ginusto ng mag-plane na lang kasi nga mura na mabilis pa.

All of Monday and Tuesday of last week, try kami ng try tumawag sa ticketing offices. Ack, puro busy. So ginawa ni hubby, pagluwas niya ng Manila, pumunta na lang directly sa isang branch. Laking gulat naman namin nung sabihin sa kanya na P3500+ daw ang pamasahe kasi ubos na ang economy fares. Eh may magagawa pa ba siya at that point? After all the trouble of going there, hahanap pa ba siya ng ibang airline eh ang hirap na ng bookings dahil nga holiday season. So binili nya yung ticket.

Eto ang kinaiinisan ko: Ok lang sana kung P3500 ang bayarin KUNG yun originally ang ini-expect naming babayaran. Eh wala namang nakalagay man lang sa website ng Cebu Pacific na ibang rates. Nag-email nga ako sa customer service nila. Ayun sumagot after ilang days at pinadalhan ako ng tabulated grid ng mga different kinds of fares nila -- na hindi ko naman maintindihan ang codes! Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko na bakit sa website, isang klaseng pamasahe lang ang nakalagay??? Meron pa silang blinking ad dun na “We offer the lowest fares all year round.” Tapos bibigyan ako ng table na unintelligible. Saka meron naman palang ganun, bakit wala sa website nila yun?

Hay naku! Pagbalik ni yaya sa January, sabi ko i-try namin muna magtanong sa Air Philippines at baka mas makamura. Buti na lang uso na ang e-ticket ngayon! At least hindi ko na kakailanganing magpadala ng money sa province with extra fees pa. Saka ang maganda nito, yung nakapangalan lang ang pwede mag-claim nun sa ticketing office, hindi basta-basta magagamit ng iba. Plus, kung di man matuloy bumalik ang maid at hindi nagamit ang e-ticket, pwede i-refund. Eh kung perang pamasahe yun na pinadala via LBC or Western Union, malamang goodbye na lang yun!
Umbrella Search 2005

Hay naku, hindi ko na alam anong klaseng payong ang bibilhin dito sa mga anak ko! Yung nabibili sa palengke, hindi tumatagal ng dalawang linggo kay Leland. Si Josh, maingat nang naturingan sa mga gamit, nakakasira pa rin ng payong. Ke mamahalin o hindi ang bilhin ko, sira pa rin! Hindi ko na nga alam kung maniniwala akong hindi nila ginagamit pang-espadahan sa mga kaklase nila yung mga payong na yun.

Even si Deden, yung little payong niya eh nasira din after 3 months. Samantalang yung dating mga nabibiling mini-payongs for preschoolers, matitibay naman. In fact, tumagal ng tig-isang taon yung kina Josh nung mga kinder pa lang sila ni Kuya. Siguro talagang low quality na ang mga nabibili these days.

Takot naman akong bilhan nung high end na tipong tig-P400 isa (gaya nung Fibrella ko na super tibay) kasi baka mamya iwala naman eh ako ang malamang maiiyak nun!

Three weeks ago, after the nth time na pinakita sa ‘king putol na naman ang mga kapayungan ng tatlong itlog, I decided na sige na nga, hanapan ko nung sinasabing tag-P250 daw sa mga tiangge sa Manila. Sabi kasi ng pinsan ko tumatagal yung binili nya for her kid. Kaso wa akong time lumuwas. Eh one time umuwi si Josh na soaked to the skin pati yung bag at mga gamit nya. Lagi kasing patagong iniiwan ang raincoat pag maaraw sa umaga. Ang kulet, ayaw makinig na unpredictable ang weather ngayon. Buti ‘di nagkasakit.

Tapos last week, pagdaan ko ng Pizza Hut, nasilip ko yung mga payong na naka-display malapit sa door. From experience, I’ve found out na yung mga payong na pinapatatakan ng mga company logos eh medyo matibay-tibay than those that can be bought basta-basta kung saan. So nagtanong ako sa cashier if I can buy without food purchase. Wala akong kasama kasi so hindi ko rin naman mae-enjoy mag-Pizza mag-isa. Pwede daw. I even asked her “Miss, matibay kaya ang mga yan?” Sagot sa kin meron din daw syang ganun at matagal na sa kanya. Sana nga di lang sales talk yun. Anyway, it wouldn’t hurt to try since nga di pa ako makapuntang Manila.

So I went home na bitbit ang isang maliit na red and white payong saka dalawang malalaki (isang black saka isang red and white din) para sa mga bata. Ilang mga nanay ang nagtanong pa sa kin saan ko daw nabili at ang gaganda ng kulay. Ayun naka-convince pa ata akong i-try din nila bumili sa Pizza Hut. In fairness, nung pinagbubuksan ko dun sa store, mukha ngang matibay yung mga bakal as compared dun sa mga nabili ko sa palengke at department store dito sa Laguna. Tamang-tama the very next day, umulan ng malakas kaya nagamit agad nila.

Now, one week later, happy naman ako at buo pa ang mga payong. So far, so good. Saka this time around, siguro na-realize din nitong mga barako kong anak na dapat na nilang ingatan ng todo dahil halos araw-araw eh umuulan at sila rin ang kawawa pag nagkataon.

Fingers-crossed … here’s hoping na umabot man lang kahit end of the school ang mga eto. Garsh, ayoko ng mag-umbrella hunting ulit!

Thursday, December 01, 2005

Patawa

Naka-Mulan mode ang mga kids ko nung isang gabi. Pinanood ng magkasunod yung 1 at 2. Kinabukasan, narinig ko si Deden na kumakanta nung isang song galing sa movie.

Eto yung original lyrics: Beads of jade for beauty … Now, add a cricket just for luck ...

Eto yung version ni Deden: Bida James of beauty … Add a cricket just for lunch ...

Take note, ang lakas pa ng boses ni bunso at confident sa kanyang lyrics. At least tama sa tono ... hehehehe

Tuesday, November 29, 2005

Stupid Law!

Nung Linggo ng gabi, pauwi na kami ng kapatid ko sa bahay. May kasabay kaming limang nursing students na naka-white uniforms at IDs. Nung nagbayad ang mga bata, nagreklamo agad ang driver, “Kulang bayad nyo! Walang discount ngayon kasi Linggo!”

Sumingit pa yung barker “No istyudent peyrs por satordi, sandi en halidi!” Naawa ako dun sa mga bata dahil sila pa ang napahiya. Where is the justice in that? Obvious na obvious na galing sila sa klase, tapos mababawasan pa ang mga baon para pandagdag sa pamasahe. Sino namang engot ang magsusuot ng all white (with stockings pa!) kung may pinuntahang gimikan di ba?

Again and again, I lament the thoughtless actions of those who are sitting pretty in some government positions who make laws without thinking them through. Oo mahirap ang buhay at kailangang kumita ng mga driver dahil mahal ang krudo ngayon. Pero ang consequence ba naman dapat noon eh magulangan ang mga studyanteng pinaghihirapang pag-aralin ng mga magulang nila? That is simply unfair!

Tagal ko ng pet peeve itong issue na ‘to dahil sa isang personal experience several months ago. Ang nakakainis, hanggang ngayon, walang nangyayari kahit pa nagpadala na ako ng reklamo sa LTFRB. Hay, ganito na lang ba lagi ang buhay sa Pilipinas? Dehado ang maliliit? :(

Thursday, November 24, 2005

Unforgettable weekend

Etong nakaraang Saturday at Sunday siguro ang isang weekend na kakaiba sa dami ng nangyari sa ‘kin. Nakakalokang, nakakaasar na nakakaaliw at nakakatuwa. San ka pa?!

Saturday ng madaling-araw, nag-prepare na ako ng mga overnight things ng buong family kasi dun kami sa Alabang matutulog. Since we planned to leave by 5 a.m. at si James eh natulog ng 4 a.m., hindi na lang ako natulog. Bago ko nagising etong asawa ko at mga anak at bago kami maka-karga ng lahat ng abubot sa van, past 6 a.m. na tuloy.

Blooper #1

Sa highway, nagsabi si Josh na nawi-wiwi daw sya. So dumaan ng gas station etong si husbandry. Nauna silang dalawang bumaba habang naghahanap pa ako ng tissue sa bag ko. Pagkalabas ko ng pinto ng ladies’ room, nakita ko ang van na wala na sa parking lot at umaarangkada na papuntang highway ulit.

Panic ako kasi wala akong dalang celphone at wallet kaya takbo talaga ako para humabol all the while incredulous na hindi nila napansing wala pa ako dun!!! Tapos nakita ko yung brake lights. Nakasimangot na ako pag bukas ko ng pinto habang tawa pa ng tawa ang asawa ko kahit nagso-sorry. May comment pang “Nagulat naman ako at nakita kita sa rear view mirror na humahabol.” At sa lagay na yun, nagtaka pa sya bakit ako andun! Akala daw nya nakahiga ako sa backseat at hindi agad nag-penetrate sa kanya yung “si mommy, si mommy!” ni Leland. Ang pinakapang-asar, pag-upo ko, humiga si Deden sa lap ko, nakangiti magkabilang-tenga. Talaga bang pagtawanan pa ako, hmp!

Blooper #2

Nung hapon, magmi-meet kami dapat ng brother ko sa Megamall ng 3 pm para pumunta ng Lyric main office. Magpapa-trade in kasi kami ng piano kaya kelangan pumili ng kapalit. Pagbaba ng van sa underpass ng Crossing, sumabog ang isang gulong! Medyo nakaidlip pa naman ako kaya gulantang tuloy to the max nung marinig ko yun tapos gumewang ng konti yung van. Buti talaga ang lakas ng presence of mind ni hubby kasi pinindot agad nya yung hazard habang itinatabi nya yung sasakyan. Hindi ko na maisip pano kung may bumangga sa min sa likod!

In short, habang nagpapalit ng gulong etong asawa ko, pinatayo ba naman ako sa likuran para kawayan ang mga dumarating na sasakyan to veer left. Argh, feeling usok model! Eh antagal kaya nun! Tapos me mga mama pang may tililing na either kinakawayan ako o todo ngiti habang hinahabol ako ng tingin galing sa mga dumadaang bus. Linstok, ka-concious! Me nag-uzi pang 2 MMDA. Afterwards, sabi ni Noy, iba pala feeling ng may nakabantay na MMDA kasi napapabilis ang trabaho hehehe. At ang pinaka-nakakatawang ginawa nya, nag-sorry sa kin pag-iwan nung umaga sa gas station. Ayan daw at nakarma sya hahaha. Sabi ko hindi na sa akin nanggaling yun ha!

What’s weird lang, nung pauwi na kami nung gabi, dun sa underpass naman sa may Cubao, meron ding sasakyan na nagpapalit ng gulong. Kaya naisip kong hindi kaya may sira ang tuktok na naglalagay ng sharp objects sa daan? Kasi hindi naman basta na-flat yung gulong namin eh, sumabog talaga. Hmmm … Naalala ko tuloy earlier na may isang MMDA (before dumating yung 2 pa na nag-miron) na nagtanong sa ‘min “Ano, tatawag na ako ng tow truck?” Parang may naamoy akong modus dun bigla ah. Anyway, from then on, talagang na-praning ako at mega-remind kay Noy to steer clear of the right hand sides of the underpasses.

So-so moments #1

Sa dami ng pianong pagpipilian, ang tagal bago nakapili ang kapatid ko. Sya na ang hinayaang kong mag-decide kasi sya ang music teacher. Pero na-discover kong kahit pala reconditioned lang ang piano, sooooobrang mahal!!! Buti na lang nanay namin ang magbabayad :p Still, mega-tawaran pa ang ginawa namin para naman hindi mag-overshoot ng budget. Pati etong future sis-in-law ko, nakisali na sa tawaran. Ayun, mas magaling pa makipag-bargain kesa sa akin. Ayos, malakas ang convincing powers!

Tapos nakakita ako ng violin na kulay pink! At meron pa syang flowers-flowers na design. Cute na cute ako. Pero nung ni-request kong mahawakan at matugtog, inay, tunog aparador! Ika nga ni brotherhood, parang ataul na hinihila. Saka ba’t daw gusto ko ng kulay Barbie, eh sa favorite color ko yun eh! hehehe. Ay naku, babay na lang sa kanya. Sana lang one day, maisipang maglabas ng ganung kulay din ang Cremona o Hoffner. At sana by then magaling na akong tumugtog!

Happy moments #1

After sa Lyric, tumuloy na kami sa UPD Bahay ng Alumni para umattend ng dinner ng Christian org namin. Nakakatuwang makita ulit yung mga friends naming matagal ng hindi namin nakakasama. I even had a pleasant surprise nang malaman kong 2 sa friends namin way back nung college students pa lang kami, eh nagkatuluyan din. We really had a fun time with a lot of people that night kaya sulit ang maghapong mga aberya.

Happy moments #2

Sunday, umattend ako ng jamming session ng mga kabarkada kong Corrs fans. Shempre binitbit ko ang aking violin na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin matugtog ng mahusay :p Sherwin was so nice to tutor me again ng mga techniques. Wish ko lang eh makatugtog din ako kahit back-up violin lang sa isa sa mga songs one of these days.

One great thing that afternoon (aside from the nakakabusog na kainan), nakisali ako sa pagtugtog ng Erin Shore using the tinwhistle, dalawa kami ni Faye. At least kahit man lang yung piece na yun, medyo alam ko na tugtugin. At nang marinig ko ang recorded version (courtesy of Joyce’s mp3 player), grabe ang galing!!!

Blooper #3

Sinundo ako ni Noy at Deden from the jamming tapos tumuloy kami ng SM Southmall para bumili ng additional electric fans para dito sa bahay. Nakow, bago naka-pili ke tagal-tagal tapos nag-iinarte pa si bunso na “gutong-na-gutong na ako!”. Buti kumalma ng binilhan ko ng donuts at iced tea.

Since motor lang ang tinesting at hindi na pina-assemble ni hubby yung 2 maliit na fans, pagdating dito sa bahay, argh, kulang ng lock yung rear guard nung isa! Eh nabuksan ko yung mga kahon, nakaalis na si hubby for Manila ulit. Hay naku, parang ang lapit ng Las PiƱas dito sa parte ng mundo namin sa Laguna. Kaya ayan, hanggang ngayon di magamit yung isa :(

Friday, November 04, 2005

Tagalog Bible

Marami kaming versions (King James, NIV etc.) ng Bible dito sa bahay, nga lang puro English. Dalawa lang ang Tagalog at parehong New Testament lang ang laman.

Ngayon, may sinusulat akong Tagalog writeup na gusto kong mag-base sa isang verse sa Old Testament. Lagot, wala akong reference! Madali man i-translate galing sa English, mas maganda pa rin yung official wordings na nasa Tagalog Bible. Kaya bigla akong napa-search sa internet.

At ngayon ko lang na-discover na merong website pala na madali mong mahahanap ang kahit anong verse sa Bible ke Tagalog man o English! Punta lang kayo sa Philippine Bible Society, type in the Language & Version, choose between Old and New Testament, key in the name of the book, chapter & verse na hinahanap mo and voila! Ayan na sya! Ang galing-galing!

Ang medyo weird dito eh bakit ngayon ko lang ito nalaman! *kamot-ulo* Kasi last week lang nasa office ako ng PBS sa Sta. Mesa for a writers' fellowship. At ang isa pang coincidence, itong writeup na ginagawa ko, eh para sa isa sa mga publications nila. Ang masasabi ko lang, ang galing ni Lord at itinuro sa 'kin agad saan ko makikita ang hinahanap ko.

And btw, kaka-launch lang recently ng PBS ng Tagalog Bible Para Sa Makabagong Filipina. Ang girly ng cover, pink! Favorite color ko! Meron na akong pang-Christmas gift sa sarili ko, sa nanay ko, sa sister ko .... :)

I encourage all Pinays out there to get a copy for themselves. Promise ang ganda kasi may inspiring articles in between na sinulat ng mga writers na Pinay. May nabasa ako dun about single blessedness and kahit may asawa na ako, na-uplift pa rin ako dahil maganda yung i-share sa mga friends kong nag-iisip na kung bound to singlehood nga ba sila.

Wednesday, November 02, 2005

Undas

Medyo malungkot ang todos los santos namin ngayon. Kasi hindi nakauwi yung sister ko dahil naka-bed rest at delicate ang pagbubuntis. Hindi tuloy kami kumpletong magkakapatid sa pagtambay sa puntod ni Tatay.

At least etong tatlong bata, tuwang magsusunog ng kung anu-ano sa mga kandila. At dahil medyo nabo-bore akong nakaupo lang dun ng matagal, I decided na maglibot-libot sa sementeryo. Na-realize ko kasing sa tanda ko ng ito eh hindi pa pala ako nakakaikot dun ever since. Balak ko ring magtingin-tingin kung saan nakalibing ang mga kamag-anak naming hindi ko na-attendan ang libing.

Maliit lang naman etong town namin so hindi ka mawawala sa hindi kalakihang sementeryo. Isinama ko si Leland at marami akong nakitang mga kababaryo naming nagsisipagbantay din ng puntod.

May isa akong malayong tiyahin na itinuro sa kin ang nitso ng mga kamag-anak namin. Medyo na-shocked lang ako kasi sa isang nitso, lampas sampu ang nakasulat na pangalan tapos dahil wala ng space, hindi na nakalagay dun ang date ng kapanganakan at kamatayan.

Napatanong tuloy ako ng “Paano ho nagkasya lahat ng mga taong yan dyan?!” She looked at me like “Hello, sang planeta ka ba nanggaling?” Pero talaga, wala kasi akong definite idea paano pinagkakasya ang sangkaterbang bangkay sa iisang nitso! Inisip ko nga, since ba bulok na yung iba, pinu-push na lang sa dulo pag may ipapasok na bagong kabaong? (Suri, ang morbid ng post na ititch!)

Sagot ng tiya, “Eh kasi Ineng, pag may bagong ililibing, mga naka-pitong taon na rin naman yung dati, kaya kasya na sa sako. Isinisilid na lang. Pagkapasok ng ataul, saka ulit ipinapasok yung ibang sako.” Ahhhh, oki.

Hindi ko na na-follow up yung tanong kasi nahiya na ako pero naisip ko, aba ang roomy pala ng loob ng nitso kung kasya dun ang isang buong ataul tapos mga sampung sako ng remains! Ngar, ano ba ereng pinagsasabi ko.

Family Bonding

Nung pauwi na kaming mag-anak (ako, hubby at tatlong kids, si James naiwan sa bahay) bandang 8pm, nag-suggest akong maglakad na lang kami para naman exercise din. Tantya ko para lang kaming nag-balik-balik from dulo to dulo sa tatlo o apat na floors ng Megamall. Malamig ang hangin at maraming taong naglalakad din.

Aba, enjoy naman ang mga kiddos! Dumaan pa kami sa isang bakery para bumili ng mga pang-breakfast kinabukasan. Sabi ko kay Josh, i-multiply niya yung P7.50 sa apat na pamasahe sana namin. After niya masagot, kako “Kita mo, yung P30 na natipid natin, naipangbili pa natin ng mga bread!” Parang narinig ko yung “Ting!” sa utak niya when he answered “Oo nga ano?!”

Kaaliw, invigorating yung lakad namin. Pagdating pa sa bahay, banat ni Deden “Next na punta natin sa cemetery, walk ulit tayo ha. Kasi three pa lang exercise ko, kelangan four!” Nun kasing nag-parade sila sa school, nilakad din nila halos yung kahabaan ng town. Eh since twice na nya nagawa yun, kelangan may partner walk din daw yung sa amin. Napaisip tuloy ako kung may sense ba yun hahahaha.

Tuesday, November 01, 2005

Libreng May Silbi!

Kahapon, nag-reunion ang batch namin ng Kawayan Camp. Yun ang inter-campus summer camp ng IVCF for college students. So imagine gaano na rin katagal since studyante pa kaming lahat. Close ang batch namin at ngayong paalis na papuntang Amerika ang dalawa sa aming mga kaibigan, nag-plano kami ng get-together.

Dun kami nagkita-kita sa Dad’s Megamall. Isinama naming mag-asawa si Leland since birthday niya sa Nov. 2 so parang treat na rin for him. Medyo may kamahalan din pala ang buffet dun! Pero na-satisfy naman ang cravings ko ng Japanese food na matagal ko ng nami-miss. Si Leland naman, sobrang hina talagang kumain, hindi man lang bumalik for a second serving eh full na rin ang bayad sa kanya. Para tuloy ayaw kong buksan ang wallet ko nung nakita ko yung bill :p

Sabi naman ni husbandry, isipin ko na lang daw na yun na rin ang celebration ng aming anniversary last month kasi nga naman may pasok sya that day kaya di rin nakauwi ng Laguna at di rin kami magkasama. Sige na nga!

Ang pampalubag-loob, bawat order pala nung bottomless iced tea, na P150 pala per glass (Que horror! Akala ko eh mahal na yung sa mga fast foods na P55 ang bottomless!) eh may free na puppy na stuffed toy. Cute naman in fairness. Tatlo ang inuwi namin.

Nakakatuwa na nung nakita ni Deden, kanya daw yung blue puppy at itatabi niya matulog. True enough, pagsilip ko sa kwarto nila kagabi, yakap-yakap ni batang tulog yung toy. Waw, sa tinagal ng panahon na hindi na-attached sa stuffed toy etong si bunso, ngayong nag-seven years old saka napahilig!

Bottomline, at least nagkaron ng purpose yung free toy na yun at simply because of that, hindi na ako masyado nanghinayang sa ibinayad naming hehe. Saka ko na i-add dito yung picture ni Deden pag na-develop na yung film.

Wednesday, October 26, 2005

Halloween ka dyan!

A few weeks ago, na-discover ko sa aking mga violinist fwends na meron palang device na pangkabit sa violin para hindi masyado malakas ang tunog. Mute daw ang tawag dun. Very ideal pag meron kang marereklamong kapit-room (sa mga boarding houses for example, di ba Joy-cee?) na OA mangatok kapag nagpa-practice ka ng tugtog.

Nung una, naisip kong hindi ko naman kailangan yun dahil hindi naman nakadikit yung bahay ng kapitbahay namin sa amin. Although nililipad talaga ng hangin yung sound. Dati nga comment ng brother ko, rinig daw yung pagti-tinwhistle ko hanggang dun sa kanto sa kabilang kalsada. Eh tinwhistle pa lang yun!

Tapos lately, ang nagiging ideal time para sa kin na mag-practice ng violin eh bandang gabi na, tipong past 9 or 10pm pag nag-retire na ang mga bata sa kwarto nila at kami na lang ni James ang gising. Na-realize ko na medyo malakas lalo ang tunog pag tahimik na ang paligid. Buti sana kapag hapon kasi maingay ang daan ng mga vehicles dun sa tapat (tabing national road kasi kami).

So kanina, tinext ko ang brother ko na hanapan ako ng violin mute sa JB (may discount card kasi sya dun). Tanong nya bakit ko daw kelangan. Kako kasi minsan gabi na ko nakaka-practice eh nakakahiya sa kapitbahay dahil ang dami pang sabit. Ang sagot ba naman "Siguro akala nila meron ka dyang hinihilang ataul at pinapa-aga mo ang Halloween. Maiisip tuloy nilang dumadalaw si Mang Johnny" (yung kapitbahay naming kamamatay lang a few months ago). Mokong talaga yung kapatid ko, para tuloy akong sirang tawa ng tawa habang nagbabayad sa cashier sa grocery store kanina.

Now I know, bukod sa kengkoy kong asawa, may isa pang obvious na pinagmanahan ang mga anak ko sa pagiging pasaway! :p

Friday, October 21, 2005

Pilosopong bata

Kahapon, umiral na naman ang kulit ni Deden. Nakakuha ng magnifying glass dun sa isa nilang book of nature finders at dahil pinakitaan ng mga kuya nya dati paano magsunog ng dahon using that and the sunlight, ayun pumunta sa second floor terrace (hindi sya makalabas sa garahe kasi nakawala sa cage si Panda eh di ko kaya ibalik dahil ang bigat) at doon naghanap na makakalikot.

Nung nakita kong nagdala na ng monoblock chair para tayuan pa at mag-reach sa aking mga herbs na naka-hang, naku nag-freak out ako at baka malaglag sa baba! Sabi ko pasok na sya kasi baka mahulog. Ang tigas ng ulo, ayaw talaga papigil. So I tried to reason with him, “Alam mo bang mahal na mahal kita kaya ayaw kita mahulog dyan?”

Ang sagot ni kulit with matching kamay sa dibdib (imagine a telenovela scene) “Ha?! Ako mahal? Binili mo ako? Makano Mommy?” Pramis, na-speechless ako bigla sa pagka-pilosopo niya bago ko nakuhang matawa. “Ah ganun? Hindi mo alam ibig sabihin ng mahal?” tanong ko. “Eh sabi mo mahal ako, kaya marami ka money? Pahingi!” Nyaaaah!

Tuesday, October 18, 2005

Sneaky

Nung Sabado, sa Megamall kami nag-lunch ng dalawa kong tsikiting. Papunta kasi kami sa isang get-together ng mga ka-egroup ko sa smartparenting. Since meryenda lang ang food dun, naghanap muna kami ng makakainan ng lunch.

Sabi ni Josh gusto nya ng pizza while Deden wants chicken. Eh di ba sale so ang daming tao. Nung nakita kong wala masyado tao sa loob ng Pizza Hut, sabi ko dun na lang kami. We just ordered one regular pizza, yung apatan na chicken wings saka dalawang regular iced tea. Gusto pa sana ni Josh ng bottomless eh for sure di naman sulit sa amin yun dahil mahina kami uminom.

Mentally, I calculated na aabutin ng P400+ yung bill. Kako di bale, minsan ko lang naman ma-treat itong mga bata sa labas kasi malimit puro gastos sa pa-check ups ni James ang bina-budgetan ko.

Nung dumating yung bill, medyo nagulat ako kasi P500+. Pero since nagmamadali kami dahil baka ma-late dun sa pupuntahan namin, hindi ko na masyado natingnan yung resibo. I paid P510.00 and may sukli pang P4.00. Kinuha ko lang yung receipt tapos tumayo na ako, iniwan ko yung coins. Etong si Deden, dinampot at ihuhulog daw nya sa kanyang “alakansya”. Dahil nga gusto ko na umalis, di na ako nag-argue. Sorry na lang yung nag-serve at nawala pa yung konting tip. Oo kuripot ako sa mga ganun dahil alam kong may service charge na naman silang kinuha eh.

In retrospect, buti na rin pala hindi na naiwan. Ni-double check ko kasi yung charges dahil nga I had a niggling feeling na ba’t parang sobra ata ang binayaran ko eh hindi nga ako gaanong nabusog! Nung tiningnan ko na sa bahay yung resibo (ina-account ko kasi ang mga gastos namin sa isang notebook at the end of each day), feeling ko na-holdap ako ng walang kalaban-laban. Bakit? Kasi doble-doble ang extras! Grrr!

Eto ang specifics ha:

Regular cheesy bacon pizza w/ cheesy crust = P249.50
Chicken Wings (4 pcs.) = 99.00
2 glasses of iced tea at P35@ = 70.00
Service Charge = 41.75
Sub-Total = 460.25
VAT = 41.84
Local Tax = 4.18
Total Amount = P506.28
(Kapag may taga-Pizza Hut na kukwestyunin ako, ibabandera ko sa kanila yung resibo!)

Akala ko ba yang VAT bill na yan eh Nov. 1 pa uumpisahan?????????? (Mga Kaze, N.S. o, hehehe) tapos eto at pinapatupad na pala. I mean, I’m all for paying taxes and giving what is due, (yes, including services charges) pero sobrang underhanded naman ata na maglalagay sila na ganito ang amount ng isang product sa menu tapos pagdating ng bill, 20% dun hindi mo naman kinain?! Unfair naman ata di ba?

Paano pala yung mga taong kakain sa kanila tapos eto lang ang dalang pera, thinking it’s enough pag nag-compute based on the menu di ba? Ano, paghuhugasin nila ng pinggan?

I’ve eaten in Pizza Hut before pero nung Saturday ko lang talaga napansin yung exorbitant extra charges nila. Bago lang kaya yun? Kung ano pa man, sneaky pa rin ang dating. Buti pa sa ibang fast foods like Jollibee, McDo or ChowKing, kung ano ang nandun na price, yung lang talaga ang babayaran mo. O iba na rin pala ngayon?

Hay, the rantings of a practical mom …. pagbigyan nyo na po …. nakaka-frustrate kasi sa Pilipinas, ang hirap na nga ng buhay, lalo pang pinapahirap ng mga kayang manlamang :(

Thursday, October 13, 2005

Ang gusto ko ay ...

Nakakatawa itong mga anak ko, tuwing umaga na lang sa breakfast, kanya-kanya ng request na palaman at drinks. Yung dalawang malaki, Milo ang titimplahin while si Deden maghahanap ng “melk” (hay naku, nahahawa kay yaya!).

Para mabilis, (lalo na kung male-late na sa school at tinanghaling gumising) usually isa sa aming adults ang magpapalaman ng sandwiches nila. Eto na, lalabas na ang mga preferences … Si Leland solid Chiz Whiz (tama ba sfelling ko?), si Josh either peanut butter or sandwich spread ang gusto, si Deden sisingit ng “I want Star Margarine! Yung may sugar ha!” hehehe, cowboy!

Tapos lately, ang type na nitong si liit, walang palaman basta kelangan daw toasted yung bread. Kanina lang nag-request ng meryenda, “Mommy ipag-toast mo po ako nung round na bread na ginamit natin sa burgers kahapon. Wag malambot ha, gusto ko yung matigas na crunchy!” Weird na bata hahaha.

Friday, September 30, 2005

'Kala Nya Ha!

Hay natutuwa ako! Kasi jackpot na naman ang ESP ko!

Sina Leland kasi may project na book reports, isang English, isang Tagalog. Eh ang napili ni kolokoy na English book yung Star Wars na Empire Strikes Back (oo meron kaming ganun!). So ayun, binasa nya, nagsulat sa scratch paper nung characters, summary etc. tapos ipinag-type ko na lang sa computer. Gustuhin ko mang sya ang pag-type-in, eh sa dami ng deadlines ko, baka December na kami matapos kung sya ang papagawin ko. Anyway, talagang sya naman ang sumulat nung ni-type ko.

Tapos biglang pumasok sa isip ko na what if isipin ng teacher na hindi nagbasa ang anak ko kasi nga major motion picture yun? After printing the pages at naayos na sa folder, I told Leland na bitbitin nya yung libro sa school kanina. Kako just in case magduda ang teacher, ipakita nya yung book.

Pagdating niya nung hapon, kinumusta ko. Sabi daw ng teacher niya "Eh sine yan ah! Pinanood mo lang ata eh. Hindi ka naman nagbasa." To which inilabas daw nya yung book. Hehehe, pahiya si teacher. Wala daw nasabi kundi "Aaah."

Thank God for mothers' instincts. Ang daming beses talagang hindi ako binibigo nitong ESP na ito :)
Quips

Dami talagang funny na tao sa Pilipinas, basta marunong ka mag-observe sa paligid mo, di mo na kelangang magbayad sa panonood ng comedy na sine para lang matawa.

Sa sidewalk na tabi ng MRT station sa Magallanes nung Wednesday, me nakita akong nagtitinda ng puzzles na pambata. Pagsulyap ko sa lamesa nya, merong cardboard sign. Ang lettering? PAZEL. Ayus!

Sa isang bilihan ng barbecue sa San Pablo City, habang nauubo ako sa usok paghihintay ng order ko, pumasok ako dun sa loob ng kainan. Sa pader me menu, at may entry doon na hanggang ngayon di ko pa rin nakakalimutan: FISH FILEY

Dun naman sa isang gate ng isang di naman kalakihang bahay: DON'T MIND THE DOG, BEWARE OF THE OWNER! Naku meron pa kaya silang nagiging visitors? hehehe

At kahapon lang sa t-shirt ng isang babaeng kasakay ko sa jeep, aliw na aliw ako sa naka-print: YOU'VE BEEN A NAUGHTY BOY, NOW GO TO MY ROOM!

Ang peborit phrase ng asawa ko na nakita nya sa flap na nakasabit dun sa bandang ilalim sa likuran ng jeep: THANKS GOD DREAMS COMES TRUE. nyahahaha!

Tuesday, September 27, 2005

Turete

THAT DAY OF ALL DAYS! Naku talaga naman, kung kailan ako dapat nagising ng maaga, saka hindi ako tinablan ng alarm clock!!! Nung Sabado kasi, violin recital na nina Deden. Eh since three hours ang byahe namin going to UP Diliman (yup, we do that EVERY Saturday for the whole first sem!) dapat maaga lagi ang alis para umabot sa 9 a.m. lessons. So more or less sanay na kami na Saturday mornings, 5 a.m. pa lang, gising na para by 6 a.m. or earlier pa nga (allowance para sa traffic) on the way na kami. Minsan hindi na ako natutulog para lang sure na makaalis kami. Sa bus na lang ako bumabawi ng konting sleep. Kasi may times na si James natutulog 3 or 4 a.m. na eh alangan namang tulugan ko ano.

Sus, di ko talaga alam hanggang ngayon anong nangyari. Para akong na-knock out! Natulog kasi ako ng mga 2:30 na. Kako maka-idlip kahit 2 ½ hours. Nagigising naman kasi ako lagi sa alarm nung celphone ko kaya confident ako.

Ang recital, 11 a.m. Pero gusto ko sanang abutan namin yung 9 a.m. na isa para mapanood din ni Deden yung mga talagang magagaling ng studyante. Sus, nung magising si husbandry dahil nagising si James, at nagulantang ako sa ingay nila, pagtingin ko sa clock, 8 a.m. na! Waaah! Balikwas talaga ako ng bangon.

Para akong twister na tumakbo pababa, naghilamos at toothbrush tapos bihis agad. Si Deden mahinahong nagbi-breakfast (hindi ako ginising!) at kung di ko pa pinagmadali, hay lalo kaming nagtagalan. By then, meron na akong matinding lower stomach cramps dahil sa stress.

Pagdating sa bus, ang tagal bago umalis kasi wala halos laman so naghintay ng pasahero ng matagal. Tapos ang daming tigil along the way. Nag-stop pa dun sa may Calamba toll gate para maka-CR yung ibang pasahero. Ngar, nung umandar ulit, saka lang medyo nag-subside ang cramps ko, to be replaced by a gnawing hunger. Hindi nga pala ako nag-breakfast!

Umulan pa bago mag-Alabang so nagka-traffic-traffic hanggang makalampas ng Bicutan. By then, text na ng text yung mga kapatid ko dahil andun na silang lahat sa UP. I decided to get off sa Magallanes and take the MRT kesa tumuloy by bus sa Kamias. Nakarating kami ng Quezon Ave, 11:30 na! Tapos grrr, ang haba ng mga railings dun sa sidewalk na bago ka makarating sa hintayan ng taxi, basa-basa ka na ng ulan. Sa taxi ko na pinagpalit ng white polo si Deden. Comedy pa kami kasi natutumba-tumba sya habang nagta-tuck in sa pants.

Ayun, 11:40 kami nakarating ng College of Music. Naghihintay na yung brother ko sa may entrance para ihatid si Deden sa upuan niya. Hay, buti na lang umabot kami! Siguro may mga apat pang tumugtog bago yung number nina Deden.

Lesson learned? Hindi na talaga ako matutulog kung alam kong gahol na sa oras OR itotodo ko ang volume ng cell phone ko tapos itatabi ko sa pagtulog para malapit sa tenga ko pag nag-alarm na. Hmm, hindi naman kaya ako mabingi nun?

Pero pramis, nung Sabado lang ulit ako nataranta ng ganun after such a long time. Not since nauntog si Josh sa corner ng glass table mga two years ago at nagdugo ng todo ang ulo, at mukha akong lukaret na nanginginig ang buong katawan habang panic-panic na sumusugod sa hospital. But that is another story hehehe ...

Gosh, the things mothers do!

Thursday, September 22, 2005

Kwentong James

Galing kaming check-up and assessment ni James kahapon sa LaSalle Dasma hospital (ang layo!). Ni-refer kami ng isang co-alumni namin sa Christian org sa asawa niya doong ENT na expert on swallowing problems. Tapos nagkataong may clinic din pala dun kahapon yun devped namin, pina-schedule-an kami nung ENT with him para daw ma-assess ulit. Tagal na rin namin kasing hindi nakaka-consult dun. Sarap pala nung may backer, ang dali naming nabigyan ng slot!

Anyway, result nung assessment by both doctors, hindi advisable na pakainin by mouth si James due to several factors -- pangit ang coordination ng mouth, throat at larynx, saka meron pa rin syang head lag (walang control ang neck muscles). Kesa daw i-risk namin ang aspiration due to vomitting which may lead to pneumonia and other respiratory complications, tuloy na lang daw ang tube-feeding which can be forever na :(

Nagkwento pa si doc ng mga instances na may patients syang CP na tingin nya sinasadya na pabayaan ng parents. Yung tipo daw kaka-lecture lang nya na ingatang wag mag-aspirate ang bata tapos a week after nasa ospital kasi may pneumonia. Muntik na ako maiyak when he said "Siguro pagod na rin sila. I know gaano nakaka-frustrate at nakaka-fatigue ang pag-aalaga ng ganyang bata." Naman, nae-experience ko rin yung sobrang pagod, pero to think of doing something para matuluyan yung bata para matapos na ang paghihirap nilang lahat?! Ang sad naman nun! Bigla akong napa-dasal talaga ng "Lord, please wag mo hayaang dumating kami sa point na ganun!"

Sabi pa ng devped, "Ngayong 8 years old na si James, I'm sorry to say, ganyan na sya hanggang sa lumaki. Kasi ang peak ng development ng bata 6 years old. Lampas na sya dun. I hope I'm wrong pero kasi quad (spastic quadriplegic) sya at yun ang pinakamababa ang survival rate sa mga CP."

Alam nyo, habang nakikinig ako nun, I'm waiting for the feeling kung mararamdaman ko na para akong binagsakan ng langit at lupa. Pero wala. Tiningnan ko si Noy, kalmado rin sya. When we got home, tinanong ko sya. Pareho kami ng reaction, deep inside tanggap na namin. After all, 8 years na naming inaalagaan si James. Siguro din dahil andun yung deep faith namin kay Lord na lahat ito nangyayari for a purpose at kung ia-allow ng Panginoon na magkaroon ng miracle someday, kayang-kayang mangyari. We just have to trust in His perfect timing.

One thing that comforted us, sabi ng devped, ituloy lang namin ang mga ginagawa kay James kasi maraming bagay ang dapat ipagpasalamat pa rin, like wala syang contractures (stiff muscles and joints na hindi na maigalaw) dahil nae-exercise sa bahay, he's gaining weight kahit slow, saka he is a happy child inspite of everything.

We were advised that we really have to tailor our lives around a workable system wherein mabibigay namin ang best care for James kasi for the long haul ito. Which I think we're doing already na naman. Of course there's no other option for us but to love him unconditionally and search for other ways para mag-improve sya. So we're planning to consult rehab again for physical and occupational therapy home programs para ma-update ang current exercises niya saka balak namin pagawa ng customized wheelchair sa Tahanang Walang Hagdan kasi dun daw meron nun.

I'm just asking for your prayers mga friends -- that we may not be weary and always look at the bright side of things. Sus, ngitian lang naman ako ni James, ang saya-saya ko na ano. I just pray that Noy and I would be physically, emotionally and spiritually strong at all times for him.

Just sharing ...

Wednesday, September 21, 2005

Never too late

I'm a pretty optimistic person when it comes to learning new things. Hindi ako takot matuto lalo na kung may inspiration. Last year, ako yata eh nasobrahan na ng kahibangan sa mga kanta ng Corrs (in fairness, ang galing-galing kasi nila!!!), pinangarap kong magkaron nung penny whistles na gamit ni Andrea sa mga kanta nila. Tamang-tama umuwi ang mga pinsan ko nung March galing sa US at nung tinanong ako kung anong bilin kong pasalubong, eh di nagpabili ako ng tinwhistles! Sobrang saya ko talaga nung dumating and got on to learning how they work. Wow, super dali kesa sa flute recorder na siyam ang butas! Eh mega-hirap na hirap akong tumugtog gamit ng recorder kaya tamad din akong mag-practice.

Enter the tinwhistles, all of six simple holes and lilting tones that really lift my spirits literally everytime I play tunes on them. Nagsipag akong mag-practice at talagang sinasabayan ko pa yung mga Corrs songs na instrumentals para siguradong tama sa timing at note keys. Love na love ko ang Clarke Sweetone ko pramis. Now, half a year later, marami na akong natutugtog, hindi na exclusively Corrs songs :) Ang dali kasing matutunan. Kahit si Deden, magaling mangapa ng notes using his Clarke Meg tinwhistle (shempre pinabilhan ko na rin sila, yung pinaka-cheap lang naman pero ang ganda pa rin ng tunog).

Tapos, since eto ngang si Deden eh ini-enroll ng nanay ko for violin lessons since Summer (gusto talaga ni bulinggit, mataas ang aptitude sa music!), tapos na-meet ko pa ang Kaze band (na magagaling tumugtog ng Corrs songs among other great hits on their repertoire) at napanganga sa galing nina Sherwin at Miwa sa violin, napaisip akong parang gusto ko ring matuto. (Kei, suri, wa talagang hilig ang gitara sa kin eh, nangangalay ako! :p).

So about three weeks ago, tamang-tamang nag-sale ang JB Music Store at ang brother kong classical guitar teacher eh merong discount card doon (25%!), pikit-matang nagpabili ako ng violin na size 4/4. Buti na lang dumating na yung cheque ko from my recent articles kaya part nun nagamit kong pambili. I figured, gagamitin din naman ni Deden yung malaking size paglaki-laki nya so hindi talaga sayang ang bili.

Hay, ang saya! The first few days, mukha talaga akong engot dahil hindi ko man lang masabayan etong six-year old ko sa pagtugtog ng twinkle twinkle hehehe. Palagi akong nahuhuli kasi nangangapa ako ng fingering. Until now, mabagal pa rin ako. Uy pero na-discover ko na ang notes ng Erin Shore (Traditional Intro) ng Corrs! Nga lang ang bagal-bagal ko pa rin.

Oh well, in time I'm sure matututo rin ako. I must say I'm enjoying the learning process immensely. Wala pa akong budget para mag-enroll for lessons kaya si Deden muna teacher ko :D What's nice is, mas masipag na lalo mag-practice si bunso basta sabayan ko daw sya. As if naman may matututunan sya sa kin. Pero I've noticed na basta sabay kaming maglabas ng violins sa cases, kahit konti lang ang matugtog ko, tuloy-tuloy na sya sa pieces nya.

At sa Sabado na ang recital nila! Kaka-excite. Sana nga on the way etong si maliit na maging magaling na violinist someday. Ako? Matugtog ko lang ang Carraroe Jig, Toss the Feathers at Silver Strand (talagang super hirap ang mga pinili ba) sa tinwhistle at violin, baka makumbinsi na akong magaling na ako hahaha.

Tuesday, September 20, 2005

Hiatus ... again

Hay naku, na-miss ko mag-post sa blogs ko! Hirap nitong maraming trabaho. Tapos nagkasakit pa ang tatlo sa apat kong tsikiting. Humabol pa ng trangkaso ang tatay! Buti na lang malakas resistensya ni Mommy at hindi tinablan ng mga viruses :D

Grabe ang daming me sakit ngayon! Si James ang pinaka-grabe. Nagsimula sa sipon at ubo, nahawa kay Deden (ang kulit kasi sabi ng huwag tumambay sa kwarto namin eh), tapos biglang dumiretso sa hika with matching suka ng suka dahil sa phlegm. Hay, gusto ko na ipa-confine sa hospital at ng ma-sweruhan! Baka ma-dehydrate kasi. Ang siste lang, pagtawag ko dun sa tatlong major hospitals sa bayan, walang bakante. Yung isa ang inoffer sa akin yung suite room. Nanayko, 2k+ isang araw! Ngak, baka sa room pa lang, wala na kami maibayad bago makalabas ng hospital.

Tapos dun sa isang hospital naman, ang sabi sa akin "Mam ang available na lang sa pedia ward ... pero ang hihigan, crib." Ngek, para akong na-twilight zone at ni-remind pa ako ng experiences namin sa Chinese Gen. Nung kinuwento ko kay hubby, tawa ng tawa, inaasar daw ako malamang nung nurse :S

Thank God nakuha ng maya't-mayang nebulization ang ubo ni James. Binilhan namin ng rehydration tablets at inhalation solution na matapang-tapang, dalawang sessions lang, lumuwag ang ubo nya. From then, um-ok na ulit sya. Nga lang, si Daddy naman ang sumunod ngek. At least ngayon, ok na ulit silang lahat. Ako .... may back aches, waah!

Monday, September 05, 2005

Pamana

Aminado ako, pack rat ako. Sobrang sentimentalist na lahat na halos ng memento at maliliit na bagay na may meaning sa akin, kahit pa kapirasong tiket ng ferry (gaya nung unang punta ko ng Puerto Galera), itinatago ko.

Ang itaas ng aparador namin, etong may susian sa ilalim ng isang book case, yung isang buong durabox, saka mga kahon sa sulok-sulok ng bahay namin, siksik sa mga “kalat” ko kung tawagin ni mister. Andun yung mga remembrances ng mga kaibigan ko nung elementary, high school at college, lahat ng mga sulat galing kung kani-kaninong malapit sa puso ko, maging ang mga double breasted shirts ng mga anak ko na ginamit ni Leland hanggang kay Deden nung baby pa sila kasi hindi ko maipamigay dahil binurdahan ko ng calligraphy style na letter F, etc. etc.

Now and then, kukulitin ako ni husbandry, ipagtatapon ko na daw kasi dagdag lang sa space eh di naman ginagamit. Ayoko nga! Hindi ko man sigurado ano nga bang gagawin ko sa mga items na ito in the future, ayokong mawala sila. Weird ba? Hehehe But I do believe na merong tamang panahon para magamit ulit ang isang bagay. Ilang beses ko na na-prove yun.

Ang siste, etong biyenan ko, nung bago pa lang kaming mag-asawa ni hubby, inabutan ako ng isang plastic bag na may laman na maliit na barong at kulay pulang pants. Kay hubby daw yun nung maliit pa at ako na ang magtago. Naku bago pa man ako masermunan nitong si Mr. Tapunero eh hindi ko na sinabing nasa akin.

Nung grade 4 si Leland, kinailangan ng red pants para sa parade nila sa school. Naalala ko si pantalon at pramis, ipinagamit ko sa kanya yun. Tapos. just two weeks ago, may sayaw sina Deden sa Linggo ng Wika nila at kailangan na naman ng red pants. Ulit, hindi na ako kinailangang bumili. Kung hindi lang sobrang makaluma na ang style nung barong, malamang napagamit ko rin sa mga anak ko. Kaso modern na ang designs ng mga barong ngayon eh.

Naisip ko, hmm, mai-file nga ang mga pictures nung tatlo. Kaya ini-scan ko yung mga litrato tapos in-edit ko with the Arcsoft program. Eto ang resulta sa baba. Needless to say, nung tinawag ko si asawa at pinakita sa kanya, ang unang tanong “Same pants?!”

Hay naku, men!

Tuesday, August 30, 2005

Grrr!

Hay naku, apat na araw ng walang dial tone ang phone namin sa bahay. Kaya eto tatlong araw na akong pabalik-balik sa internet cafe para mag-send ng article submissions sa aking mga editors. Kainis, ang laking abala na sa oras, ang gastos pa! Buti sana kung may malapit sa amin ng internet shop, eh wala! As in I have to travel 30 minutes one way to go to town just to be able to use a computer with net connection.

Ang nakaka-asar pa, nung finally naka-contact ako sa PLDT kahapon, ang sagot sa kin "OK mam, gagawan po natin ng report yan." Pero nung tinanong ko kelan exactly maaayos, ang sagot depende daw sa lineman. Eh buong umaga na akong naghintay kanina ng mag-aayos, wala pa rin! Within 24 hours daw, che!

Sa inis ko, dahil kinailangan ko na namang mag-send ng important work emails, bago ako dumiretso sa internet shop, puntahan ko nga PLDT office directly. Nagreklamo na ako sa customer service nila. Ang sagot? "Mam, may report na daw ito ah." Kako nga, eh meron na pala bakit hindi nyo gawin? Sabi ko pa "Ang galing-galing ninyong magtawag sa min na magbayad ng bill kahit wala pang due date tapos pag kami ang nangailangan ng services nyo, ang bagal nyo kumilos!" Biro nyo naman, never pa kaming naputulan ng telepono ever, tapos monthly kukulitin kang magbayad agad! Ang masama pa, twice na nangyaring kakabayad ko lang dun sa office nila, the next day may tatawag pa para mag-remind na magbayad. Argh, injustice!!!

Buti na lang sobrang reliable nitong mp3/flash disk ko. Sa bahay ko na ginagawa ang mga articles ko para pagdating sa computer shop, ise-send ko na lang, di ko na kailangang mag-type. Pero still, ang gastos pa rin, waaah!

Bukas pag di pa rin kami pinuntahan ng lineman, baka manigaw na ako ng customer service rep nila pagtawag ko ulit sa kanila. Hay nako, kabilang dulo pa naman ng baryo namin ang bahay ng pinsan ko!

Monday, August 22, 2005

Crybaby

Hay, ang mushy ko talaga! Kanina kasi, kaka-surf ko ng channels, nakita ko sa Cinema One yung Got to Believe nina Claudine at Rico. As usual di ko na naman nasimulan (never ko pa napanood ng buo ang film na ito!) pero pinanood ko pa rin dahil maraming scenes dun na naaaliw akong panoorin. Ako pa naman, pag may pinapanood na touching scenes, meron akong nararamdamang butterflies sa stomach ko, ewan bakit. Sobrang empathy ba? Siguro nakaka-relate lang ako lalo na dun sa mga bagay na pinagdaanan ko rin nung unang panahon. Anyways, as usual pa rin, di ko mapigilang maluha sa ibang scenes. Ngak, ang iyakin ko talaga! Pero at least dahil sa movies lang malimit.

As a thirty-something mom (aba, hindi ko na ipapangalandakan edad ko no!), it's refreshing sometimes to be able to watch flicks na ang themes eh on young love. Kahit papano, there's this sense of kinship with the characters when comparing them to what I've also been through before. Wala lang, nakakatuwa lang mag-reminisce minsan. Kaya siguro enjoy na enjoy ako ngayon dun sa bagong series sa Star World, yung One Tree Hill. There's something about that show that gets to me every time (hindi lang si Chad Michael Murray hehehe, pero in fairness ang cutie ng batang yun!).

Eto pa ang list ng movies na napapangawngaw ako tuwing mapapanood ko, yung mga endings particularly: Heart and Souls, Only You (parehong starring Robert Downey Jr.), Joy Luck Club, Shawshank Redemption (not that nakaka-relate ako sa imprisonment ha, crush ko lang si Tim Robbins :D) ... nalimutan ko yung iba, pero alam ko marami yan. May amnesia lang ako ngayon hehehe.

Monday, August 15, 2005

Senseless

Nasa SM Centerpoint ako kahapon. May ininterview ako para sa isang article ko. Dun kami naupo nung resource person ko sa isang corner table sa Chowking para less ang distractions.

Tini-tape ko ang conversation namin at pareho kaming engrossed sa conversation nang biglang may lumapit na teenager, maayos naman ang bihis pero biglang may envelope na inilagay sa table. Una kong naisip baka nanghihingi ng donasyon para sa may sakit na kamag-anak. Kasi naman ilang beses na ba akong nalapitan sa mga fast food stores ng mga nanghihingi ng tulong for medicines or hospitalization costs. Once, may isang lola pa na hirap na hirap maglakad ang may dalang reseta ng gamot para sa diabetes at nanghihingi ng pera dahil kailangan daw nyang uminom noon at wala syang pambili. Sometimes, hindi mo maiiwasang mag-isip na sa dami ng mga scams na kumakalat, pwedeng modus operandi na ang mga ganito. Pero looking at that old woman, nakakaawa talaga.

Eh yung bata naman kahapon, naloka ako ng biglang magsalita ng "Donation lang po kasi candidate ako sa beauty contest." Ano daw?! Nagulantang ako. Pati ba naman yun ipinag-iikot na rin ng hingi sa mga malls??? I had to turn her down, "Iha, may importante kaming pinag-uusapan ok?" Naku nangulit-ngulit pa rin pero I just shook my head and she went on to the next table.

Forgive me sa mga masasagasaan sa sasabihin ko. Pero noon pa man hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-gets ang principle behind beauty contests na paramihan ng tickets ang candidates para manalo. Baket? Baket tatawaging beauty contest kung hindi naman ganda o talino ang usapan kung hindi pera? Ang labo di ba? I find this Pinoy pakulo really senseless. Kahit pa sabihing may beneficiary ang event, I still don't buy the title nor the way they raise funds. Mas bagay pa siguro kung tatawagin nilang popularity contest di ba? Dito lang kaya sa atin may ganito?

I mean, I'm all for respecting contests and everything. Pero yung mga may sense naman. Although shempre relative ang term ng "sense". So for the sake of peace, tama na etong nailabas ko ang gusto kong sabihin, I rest my case ...

Tuesday, August 09, 2005

Funny

From a guy's point of view, natawa ako sa post ng kaibigan ko dun sa isang egroup namin. Kasi lately puro guys ang masipag mag-post kesa sa aming mga babae so nag-comment akong mas madaldal ata sila kapag sa emails. Here's what he wrote:

"That is an interesting observation, mukha ngang mas madaldal kaming guys dito sa email o mas techie lang siguro mga lalaki. Kasi siguro gals tend to be more personal. Sa tagal ko sa corporate world di pa ako nakapagyaya ng co-male employee ko to go to the comfort room with me but you girls do it with such ease -- I just don't get it. Imagine us guys asking "Pare, stop muna sa pag-computer, CR tayo." or "Bro, break muna pag lift ng weights, na wi-wish ako eh samahan mo naman ako." That will surely merit you a beating! Ha ha, its a revolting thought!"

Hmmm, oo nga naman, may point sya dun!!! hehehe
Make Scents!

Bilib na talaga ako sa pagiging enterprising ng mga Pinoy. Hmmm, sa Pinas lang kaya may ganito?

Nung isang linggo na lumuwas ako ng Manila para sa isang meeting, nagkita kami ni husbandry sa Festival Mall para sabay na kami umuwi. Bago pa kami nakalabas ng mall, napansin ko yung isang stall na may mga naka-display na pabango, mga flasks at graduated cylinder. Ang store name? Scents Per Cents. They claim to sell the original deals daw (sa dami kasi naman ng peke sa bansang ito, pati orig na perfumes may nabebenta nang kamukhang-kamukha ng orig ang packaging!). Naalala ko bigla yung kinukwento sa 'kin ng kaibigan kong si PJ na may nabili daw syang perfume ni JLo pero tingi lang. Naisip ko, eto na siguro yun!

So nag-usyoso lang kami ng konti. Tamang-tama, kaka-birthday lang ng brother ko at wala pa akong nabibigay na regalo. Eh nakakita ako ng Fahrenheit ng paborito nyang scent dun sa mga naka-display. At P34/ml, hindi na ganun kamahal ang 5 ml (ay, extra charge pala ng P30 yung atomizer ha) kesa kung bibili ako nung mismong bote, which by the way eh hindi ko afford! Type na type ko pa naman yung amoy ng Clinique Happy Heart pero wala na akong budget (kasi ibinili ko ng mga libro sa Booksale!) kaya sana next time na mapadaan ako dun may pambili na ako hehehe.

Nakaka-amaze lang talaga na hindi na lang mga shampoong naka-sachet ang pwedeng bilhin na tingi ngayon. Hanga ako sa nakaisip ng concept na yun talaga. Kaso ang mahal siguro ng capital kasi bago ka makapag-stock man lang ng 20-30 na perfumes plus all the accessories na kailangan, baka kulang ang 100k. Hay eto na naman ako, nangangarap ng sariling business, wala namang pang-capital :p

Sunday, August 07, 2005

Boses

Maraming nagsasabing magkaboses daw kami ng younger sister ko. Kahit nanay namin nalilito minsan sa telepono kung sino ang kausap niya. May mga times din na nagkataong magkakasama kami sa bahay at magtatawag ako ng "Daddy!" from another room at ang sasagot eh yung brother in law ko o vice-versa, asawa ko ang sasagot kapag nagtawag ang sister ko. Hehehe, nakakaaliw na phenomenon dahil hindi man lang kami magkamukha ng kapatid ko.

Lately ko lang na-prove kung gaano ka-weird pala yung may kaboses ka...

Pag dadalaw kami sa bahay ng sister ko, nasa gate ka pa lang, todo kahol na yung dalawang aso dun. Although yung isa kilala na kami kasi baby pa lang yun, tumira sa amin ng isang araw bago dinala sa bahay ng sister ko. Ang galing nga eh, kahit saglit lang kami nag-"bonding" noon kay Dexter, everytime na makikita niya kami, talagang todo happy greetings sya with matching kawag ng buntot.

Eh etong dalmatian na si Patty, medyo mataray. Ang ingay sobra kapag may tao. Pero once na nakapasok na ako ng gate, tatahimik na yun. A few weeks ago ko lang na-realize na kapag nasabihan ko na sya ng isang stern na "Patty, quiet!" tigil agad sya. Tapos titingnan ako ng diretso (you know the kind of looks intelligent dogs give). Then it hit me ... akala niya ako si Sharon! Hmmm, and I thought dogs are pretty smart. Pero, siguro inisip din nya, kelangan mabait sya sa akin kasi close kami ng amo nya hehehe.

Tuesday, August 02, 2005

In My Own Small Way

Dahil sa aking recent “escapade” story sa bus (see story below), may isa akong friend na nag-comment na parang andami ko daw naman atang nararanasang misfortunes. Parang may balat ba sa pwet hehehe. Kako, hindi, reklamadora lang talaga ako :D Pwede na nga daw akong gumawa ng compilation na libro ng mga bad experiences ko sa sobrang dami.

Seriously though, I don't think nag-iisa ako sa mga misfortunes na nararanasan dahil sa mga palpak na sistema sa Pinas. I just happened to be very vocal about them. Bakit? Kasi walang masyadong nagsasalita eh. Kung hindi ko sasabihin ang mga nangyayaring reality, mas lalong walang gagawing aksyon ang mga nakaupo sa pwesto ... dahil walang nagrereklamo eh.

I know a lot of people who grumble and are also dissatisfied with a lot that's happening. Pero ano ginagawa ng karamihan? Wala, dahil daw:

1. Wala namang mangyayari kung magreklamo ka eh. Sayang lang daw oras.

2. Ipasa-Diyos na lang. Which is good counsel kung rare ang incident. Pero the moment na may nakausap akong nakaranas din nung nangyari sa akin (like yung nanay na inonse rin ng kundoktora or yung kapitbahay naming naka-more than P100 na load kaka-text dun sa nanlokong nanalo daw sya ng half a million), I decide to be the voice for all of us. Ang hirap sa Pinoy lunok lang ng lunok ng misfortunes eh. Bihira ang umaaksyon. (Eche pwera ko na yung mga militanteng grupo ha, di naman ako ganun ka-violent).

With all those things na isinulat ko noon, I can see results kasi. Like nun ngang manhole incident. Kung di ako nagpakalat ng email about the kapalpakan ng mga namumuno at DPWH ng *toot* (hindi ko na uungkatin yung pangalan ng place), hindi mapapahiya yung mayor at engineer at hindi nila gagawing takpan yung open canals in as short as three months. Eh years before ang dami na talagang naaksidente sa lugar na iyon!

Yung sa smart scam naman, there have been people who emailed me their thanks kasi muntik na rin sila (or kamag-anak nila) mabiktima kung di nila agad nabasa yun. Wala eh, sa hirap talaga ng buhay, maraming madaling mapaniwala sa easy money sa sobrang desperasyon. Eto ngang kapitbahay namin, ayun huli na ang pagsisisi.

Nung nadukutan ako ng phone, ini-report ko at pinablock sa NTC ang serial code ng phone ko. Kahit pa maraming nagsabing wala naman daw katuturan ang ginawa ko dahil ang bilis magpa-unlock sa Greenhills. Ang point ko, at least I have the satisfaction of knowing na gagastos pa sila at mai-inconvenience sa pagpunta ng Greenhills para lang ipa-open yung phone.

Ang sa ‘kin lang, any form of injustice, lalo na kapag ramdam mong agrabyado ka (hindi dahil tanga ka pero dahil wala kang ibang choices) dapat you have to take action. Pano nga kasi magbabago ang takbo ng bansa natin kung lahat ng tao eh amen na lang ng amen sa mga "kamalasang" dinadanas nila di ba? Eh hindi ako ganun. Ever since I have been a mom, naging prinsipyo ko nang ipaglaban ang rights ko. (Eh believe me, hindi ako ganun ka-proactive nung dalaga pa ako.). Dahil ayokong lumaki ang mga anak ko sa kapaligirang ganun pa rin kabulok ang sistema. Kung may magagawa ako kahit gaano kaliit, gagawin ko, for their future's sake.

Yun lang naman :)

Monday, August 01, 2005

Oportunista!

Inis na inis akoooo! Eto ang kwento ….

Last Saturday, pagkatapos ng violin lesson ni Deden sa UP Diliman, dumaan kami ng SM North para bumili ng sneakers nina Leland at Josh kasi bumigay na last week yung kay Joshua while yung kay Leland eh naghihingalo na. Bakit kasi ang bilis mawasak sa mga malilikot na bata ang sapatos!

Anyways, happy pa naman ako after buying the shoes kasi namigay ng libreng umbrellas ang SM for Advantage card users. White yung pinili ko at sabi pa ni Deden, “Wow ang ganda ng payong mo!”

Matagal-tagal na akong di nakakasakay ng bus galing SM North. Nag-abang kami ng pa-Alabang na aircon bus dahil dun kami magla-lunch sa bahay ng sister ko. Pagkasakay namin, lumapit yung kundoktora. Sabi ko “Alabang”. Tanong nya “Ilan?” Eh di sagot ko “Isa,” kasi naman sa liit ni Deden eh pwedeng-pwede pang kalungin unlike kung sina kuya ang kasama ko, ibinabayad ko talaga ng pasahe ang mga yun. Sabi nung ale P72 daw. So nagbayad ako, all the while wondering parang ang mahal naman ata kasi ang alam ko, Alabang to Kamias eh P35 lang.

Tinext ko si hubby para tanungin kung alam ba nya magkano talaga ang pasahe. Sabi nya masyadong mahal ang ibinayad ko dahil Cubao-Alabang P32 lang. Baka daw pati si Deden eh kinuhanan ng bayad. So pagdaan ulit nung kundoktora, tinanong ko sya “Ale, magkano ho ang galing SM North pa-Alabang?” Sabi niya “P36 isa.” Tumaas ang kilay ko, “Eh bakit dalawa ang siningil nyo sa akin?” Susmarya, sinigawan ako! “Aba, may bayad na yan! Alam ko dahil inspector din ako!” Kahit gigil na sa katuwiran nya, kalmado pa rin akong nagsalita “Eh di sana ho ang kinuha n’yong bayad pang-estudyante man lang.” Sigaw ulit sya “Walang pasok ngayon! Nagtitiket lang ako ng pang-estudyante pag may pasok!” Sabay lakad palayo. Makikinig kaya sa akin yun kung sinabi kong galing sa klase ang anak ko? I doubt. Saka sino bang herodes sa gobyerno ang nag-decide na kapag weekends eh hindi applicable ang student fares??? Baket, nagbabago ba ang status ng bata kapag Sabado at Linggo??? Kaasar, ang bulok ng nakaisip nun!!!

Hindi na ako umimik. Ayoko din namang pahabain ang usapan na mukhang wala namang patutunguhan. Pano ka ba naman makikipagtalo sa isang taong mukhang walang rason? Eh sa mga sagot pa lang sa akin, defensive na ang tono nya. Ang sa ‘kin kasi, sana hindi na nya ako tinanong kung ilan ang ibabayad ko kung nag-decide na pala syang ticketan si Deden. O kaya naman, nung sinabi kong isa nung una pa lang, sana pinaliwanag nya sa ‘king may bayad na ang ganun kaliit na kinder. Kahit alam kong unreasonable, hindi na ako makikipag-argue sa kanya.

Ano nga ba talaga ang patakaran ng LTFRB tungkol sa bayad sa bata? Kasi first time ko talaga itong sumakay ng bus na siningilan ng bayad si Deden. Lahat naman ng nasasakyan ko, lalo na kapag provincial busses, magagalang pa ang kundoktor na magtanong "Mam, ibabayad ho ba yung bata o kakalungin?" At least they inform you na may choice ka. Oo alam kong mahirap ang buhay kundoktor – maghapong nakatayo, konti ang kita, nakakapagod ang trabaho – pero enough reason ba yun para mang-onse ng kapwa tao? Asan na ba ngayon yung tinatawag na honesty at integrity sa kahit anong trabaho meron ka? At ako, mayaman ba ako para mamigay ng pasaheng hindi naman dapat? Kaya nga ako nagbu-bus kasi wala kaming pambili ng kotse! Tinext sa kin ng asawa ko “Mom, let it go, ipasa-Diyos mo na lang.”

Eh bago ako bumaba, may isang nanay na may kasamang dalawang maliit na anak (siguro aged 5 and 6 din lang) ang umusod sa upuan sa likuran ko. Hindi ko napigilang tanungin sya kung siningilan din ba ang mga anak nya. Oo daw at kanina ay nakipagtalo din sya dun sa ale. Kita ko sa mukha nung nanay ang inis sa pakiramdam na niloko sya, gaya ng malamang ay nakasalamin sa mukha ko. Ang swapang daw nung kundoktora. Ay talaga! Sabi ko sa kanya, hayaan mo ire-report ko itong bus na ito sa LTFRB. Ewan kung may gagawin silang aksyon pero sana naman meron. At least I would have done my part bilang mamamayan na gusto lang maituwid ang isa sa mga bulok na sistema sa Pilipinas. Gagawa ako ng formal complaint talaga at ifa-fax ko sa LTFRB. Baket kase wala silang email address na nakalagay dun sa website?! Hay, ang lo-tech!

Ang bus company ay RRCG, plate number TWR 314. May sticker na pulang pangalan na “Alex” dun sa parang sun shield nung driver. Ang kundoktorang sinasabi ko eh parang matandang tomboyin kung kumilos at maiksi ang buhok. Siguro late forties or early fifties na sya. May mga nunal sya sa taas at baba ng labi sa kanang side ng mukha nya. May suot syang military beret at ang relo nya eh Seiko na brown ang harapan. Naka-“Sketchers” na sapatos. Yung byaheng sinakyan ko eh mula 12:00nn hanggang 1:30pm from SM North to Alabang, July 30, 2005.

I’m soooo fed up with RRCG busses. Hinding-hindi na talaga ako sasakay sa kanila! Twice, nakasakay ako sa bus nila na nag-cutting trip. Ang signboard eh Fairview galing Metropolis sa Alabang pero pagdating sa bandang Cubao eh pinalipat kaming mga pa-Philcoa ng bus kasi biglang magmu-Monumento na sila. Pati Nanay ko na binigyan ko ng instructions na siguraduhing Fairview ang byahe ng bus bago sya sumakay, nakaranas ding ibaba sa gitna ng EDSA dahil nag-cutting trip na naman. Ang hirap-hirap pa naman na may bitbit kang bata kapag ganun. Sobrang inconvenient talaga!

Ngayon, masisisi nyo ba ako kung bigla kong maiisip na hindi kaya RRCG bus ang pinasabog dati noon sa may Ayala Ave. eh dahil marami nang asar sa kanila???

Wednesday, July 27, 2005

Bilib ako!





Please indulge the pride of a mom who's really amazed at the talent of her kid. Alam kong may creative talents si Leland na kita naman talaga sa mga gawa n'yang drawings. Pero etong mga latest niyang ginawa nung isang araw sa Windows Paint, nagulat talaga ako kasi pati shadings sobrang detailed! And he's only 11 years old!

You should see the comic books he makes. Kahit nakakatawa minsan ang dialogues, yung eye nya for details, nakakahanga. Palibhasa wala akong tyaga sa mga maliliit na detalye minsan kaya bilib ako sa mga merong patience para dun.

To see more of his (and his brothers') works ... yup, very artistic etong tatlo kong bulilit! Please visit Creative Kids. And do please leave some comments. Na-a-appreciate nila yun :) Thanks!

Sunday, July 17, 2005

Bomba (daw)

Kainis! Bakit ba may mga taong walang magawa kundi pahirapan ang buhay ng iba??? Kaninang umaga, alas singko pa lang, gising na kami ni Daniel para mag-prepare papuntang UP Diliman para sa weekly violin lessons niya. By 6am, bumiyahe na kami. Sakit pa naman ng ulo ko kasi 2 hours lang ang tulog ko dahil puyat ako kay James :(

Nakarating kami ng Kamias, saktong 9am na kaya sa takot kong ma-late na naman, nag-taxi na kami. Hay, ang P15 sanang pamasahe from Kamias to Philcoa to UP sa bus at jeep, naging P65. Dumating kami ng College of Music, mga 9:15 na. Buti na lang late natapos yung previous class ni Teacher Silke kaya abot kami.

Nakakaaliw pakinggan yung limang six-year olds na sabay-sabay tumutugtog ng twinkle-twinkle sa violins nila. Kaso wala pang 30 minutes, lumabas ng classroom si Teacher at pinapauwi na kami. Cancel daw muna ang klase dahil may na-receive silang bomb threat sa kabilang building ng College of MassCom. Argh, iisang oras na nga lang ang iniluluwas namin (at ginagastusan ng P350+ na pasahe!) tuwing Sabado, naunsyami pa!

Kinatok ko ang brother ko dun sa room nya. Nagtuturo naman yun ng classical guitar. Naku malayo naman daw ang classroom nya dun sa MassCom building saka since absent sya last week dahil sa trankaso, di na daw nya afford mag-cancel ng classes nya. Sus, tigas ng ulo! Kako, mag-ingat na lang sya. Eh ako, natakot na rin kasi lahat ng kasabayan kong parents, naglalabasan na ng college kaya sumabay na kami ni Deden. Naku, nakalimutan ko pang i-text ang kapatid ko ngayon kung nakauwi sya ng maayos sa boarding house nya!

Hay, nakakainis talaga yung mga terroristang nagpauso ng bomb threats. Mga walang kunsyensya! Para tuloy di naman masayang ng todo yung luwas namin, dumaan na lang kami ni Deden ng Galleria para mag-brunch sa Jollibee (ba't ba ang mga bata, hindi mauto sa ibang fast food stores???). Ayun nagastusan ako sa Filbars kasi nakakita ng back issues ng KZone si kolokoy. Eh mura nga naman kasi P25 na lang, saka etong tatlo, binabasa talaga nila from cover to cover ang magazine na yun kahit luma na. Tapos me nakita kaming Star Wars books na hardbound, P150 lang isa! Although Episode I pa ang themes, dahil baliw sa SW ang mga anak ko (pati asawa!), napabili na rin ako. In fairness, full color saka maganda ang paper at tantya ko, hindi lang P500 yun nung bagong labas pa sila.

Umalis kami ng Filbars, wala man lang akong nakitang mabibiling magazine o book para sa sarili ko :P Anyway, yung tuwa ng mga pinasalubungan pagdating namin ng bahay, worth na rin ng pagod. Nakakatawa, pati ang tatay nakikipag-unahan magbasa ng SW books :)

Thursday, July 14, 2005

Ninuno

Exam mamaya ni Dedenpot. Kagabi nire-review ko sya sa tatlong subjects: Science, Pilipino at Sibika. Nakakatuwa naman kasi yung mga sample tests na ginawa ko, diligently nyang sinasagutan. Tapos naghikab. Antok na daw sya at ayaw na nya magsulat.

So sabi ko sige, question and answer na lang kami. Inulit-ulit ko yung mga tanong na "Kung ang bata ay pinanganak sa Pilipinas/Amerika/Japan etc., at ang nanay at tatay niya ay Pilipino/Amerikano/Hapon etc. (pinagpapalit-palit ko ng mga scenario to see kung gets nya talaga), Pilipino ba yung bata?" Aba nag-iisip! Tama ang mga sagot.

Naisip kong dagdagan, "Kung ang bata na pangalan ay Daniel, eh may nanay na Chinese at tatay na Negrito (kaka-review lang namin nun together with the Indones at Malay chuva), siya ba ay Pilipino?" Tumawa ng tumawa ang bata sabay sagot ng "Shempre!" Tanong ko, "Eh bakit?" Sagot sya "Kase ako yun! hahahaha!"

Napansin ko di pa rin matigil ang tawa. "Bakit ka natatawa pa rin?" Sagot sya ulit "Kasi, *giggles* nigawa mong maitim si Daddy saka naka-diaper!" Ang kulet! Sabi ng bahag ang tawag dun eh. Pero natawa na rin ako kasi na-imagine ko how ridiculous nga naman ng example ko sa mind's eye nya. At least nag-iisip talaga at inakong siya yung Daniel!

Saturday, July 09, 2005

As Seen on TV

Tenth bertday ni Josh kahapon. As one of my gifts, nagpalagay ako ng ad sa isang TV channel. Dito kasi sa min, since maliit lang ang town, iisa lang ang cable provider tapos marami pang vacant na channels dahil di pa daw ganun karami ang mga subscribers.

So yung channel 18, ginawa nilang community channel. Dun nagpapa-advertise yung mga may bagong business, may gusto magkalat ng announcements at greetings etc. Dapat ipapa-reserve mo yung day na gusto mo at babayad ka ng P25 (ayos ang price no?) para yung ad mo mag-appear lang dun maghapon (mula mga 7am hanggang madaling araw na next day, depende ata sa aga ng gising nung operator hahaha).

Eh di nung isang araw, knowing na darating na si mamang kolektor para sa monthly bayad, nag-iwan ako sa maid namin ng extra P25 saka yung written ad para madala na dun sa office. Nilagay ko lang “Happy, Happy 10th Birthday Gabriel Joshua! Love, Daddy, Mommy, Kuya Geffrey, James and Daniel.”

Kahapon ng umaga, pagdating ni Deden galing sa school (pang-umaga lang kasi), diretso yun bukas ng Tv para mag-Cartoon Network. Sabi ko “Anak, lipat mo naman sa channel 18 please.” Usually alam nila pag pinapalipat ko at nanonood sila, ibig sabihin may magandang show na pambata sa ibang channel. Nilipat nya. Pagka-glance dun sa blue na background at kung ano lang sulat-sulat, nilipat nya pabalik sa CN. Sabi ko lipat nya ulit. Sagot sa kin “Wala naman palabas eh!” So sabi ko “Read mo yung nakasulat.”

Nakakatawa yung reaction nya, unti-unting nanlaki ang mata habang binabasa nya yung greetings. “Mommy! Happy Birthday daw kay Gabriel Joshua!” Pagdating nya dun sa bandang ibaba, sumigaw na ng pagkalakas-lakas “Mama! Halika bilis! Tingnan mo ang palangan (tama po ang sfelling ko, ganyan sya magpronounce ng word na pangalan) ko, nasa TV!!!” Nyahahaha. Afterwards, ayaw na ilipat sa ibang channel kasi baka daw mawala eh hindi pa nakikita ni Jo.

Sayang di ko nakita ang reaction ni Josh kasi bumili ako ng medicines ni James sa Mercury. Pagdating ko ng bahay, nakarating na rin yung dalawang malaki. Anyways, malaki naman ang ngiti ni Josh nung nag-thank you sa kin. Natuwa ang mokong hehehe.

Tapos pagdating nitong asawa ko ng gabi, pag-upo nya sa sala, sabi ko ilipat ng channel 18 yung TV. Hay naku, mana sa anak, hindi pinansin yung mga letra sa screen at nilipat din agad ang channel “Walang palabas dun Mommy” exasperated pa ang boses! Sabi ko nga, “Kayo talagang mag-aama, ang tatamad nyong magbasa! Basahin mo ang nakasulat dun!” Naku, saka lang napangiti at tuwang-tuwa sa nakita nya. Hay naku, men!

Monday, July 04, 2005

Simple Joys

Galing kaming pedia-gastro nung Sabado for post-op check up. Healing well daw yung sugat ni James, thank God! I just hope matuyo na ng tuluyan para naman di na ako nawi-windang tuwing nagpapalit ng dressing.

Etong nakakatawa, dumaan kami afterwards sa Megamall. Kako itingin namin ng mas malaking stroller man lang para maipasyal na ulit namin ng mas madalas. Na-outgrow na kasi nya yung tatlong strollers dito sa bahay. At least wala ng tubo sa nose kaya di na gaanong pagtitinginan ng tao. Hirap niya pati bitbitin sa layasan kasi mabigat na saka mahaba na sya eh.

Nung nagsu"sukat" na kami ng strollers, pagkaupo namin sa kanya, sinukahan ba naman! As in overflow hanggang dun sa upuan. Kinailangan pa tuloy ni Daddy niya na tumakbo pabalik ng sasakyan sa parking para kumuha ng extra shirt at mga lampin. Sabi tuloy namin "Talagang pinili mo na yan James ha." Ayun, no choice, talagang napabili kami bigla. Buti na lang mura-mura ng konti yung stroller kasi sale hehehe.

After bihisan, ipinasyal namin sya sa loob ng mall. Grabeng ngiti! Tuwang-tuwa sa mga nakikita nya. Matagal na rin kasing hindi namin sya naipapasyal ng matagal sa labas. Puro hospital-bahay lang kasi lagi for check ups. Ang saya ng bata! Nagkakatinginan na lang kaming mag-asawa kapag tumatawa si James. Gusto ko na ngang maiyak eh. Sobrang nakakatuwa kasi na sa ganung simpleng pasyal, kuntento na ang anak namin.

We do have a lot to be thankful for kay Lord :)

Friday, July 01, 2005

Smart Subscribers Beware!

Ingat kayong mga Smart users, sobrang disturbed ako dito kaya ipo-post ko. Hindi ko maatim na magsawalang-kibo at wala man lang gawing action kung may ganitong nangyayari. Mabuting ikalat para mas maraming makaalam.

Meron na naman kasing scam na nag si-circulate sa mga Smart subscribers. Dapat maging aware din kayo tungkol dito lalo na yung mga madaling maniwala sa easy money at hindi alam ang Pasaload number na 808. Ayokong meron pang mabiktima ang taong ito.

Naka-receive ang nanay ko ng text last June 28 at 9:37pm -- "Congrats!!! You win 500 load from smart. Type 0919759108 (the sender's number) and triple send to 808 so you can claim ur 500 load now thank u! SMART ZED 155# DTI#354256" Talagang may I place a DTI# pa sya ha!

Buti na lang, malabo na ang mata ni nanay at malimit sa amin na pinapabasa ang mga messages nya. Nakakainis talaga na may mga ganitong manlolokong tao na mahilig manlamang ng kapwa. Tumawag ako sa Smart kanina at sabi nila kapag cel # lang ang sinend mo sa 808, naka-default na ang pasaload as P10. Ang kapal nung sender, triple send pa daw! Sana ma-block na ng Smart ang sim na yun. At least kung bibili ulit ng prepaid sim yung manloloko, gagastos ulit sya.

Hmmm, di kaya raket ito nung mga bumibili ng mga sim for P25-40 sa bangketa??? Naku eh di ang liit nga naman ng puhunan nila!

Kaya ingat po tayo. Wag basta maniniwala lalo na kapag hindi official Smart (or even Globe) numbers ang nakalagay sa sender.

Monday, June 27, 2005

Salamat po!

We send our heartfelt thank you to each one of you who unselfishly gave support, encouragement and prayers before, during and after James’ gastrostomy procedure. May the Lord give back the blessings tenfold. Salamat sa mga texts ninyo which helped a lot during the trying period.

James is now doing well although umiiyak pa rin sya every now and then from the pain coming from his stomach wound. Please help us pray again for faster healing of the PEG site. The gastrostomy tube is longer and larger than what we expected and we find it hard to feed him through that but we're getting the hang of it as the days go by. The good news is, James' vomitting episodes have lessened considerably because there is no more tube irritating his throat. Even when he coughs, it's very seldom that the coughing would lead to vomitting, unlike before, konting ubo lang, isinusuka na nya lahat ng kinain nya. Sobrang thankful talaga kami sa magandang pangyayaring ito.

Kwentong Ospital

Disclaimer muna: I have no intention of besmirching the names of the three doctors there who attended to my son. In fact, magagaling silang lahat, very professional and wala kang marereklamo sa bedside manners nila. Super babait pa. Nagkataon lang na yung hospital kung saan sila nagpeperform ng operations, eh “needs a lot of improvement” ang classification.

Share ko lang ang experiences namin nung confinement. Kasi malamang after this, magdadalawang-isip na rin kayo pa-confine sa Chinese General Hospital (unless siguro you can afford the private rooms where they treat patients better and more politely). Warning na rin kesa naman danasin nyo ang mga dinaanan namin doon, ang hirap!

James' schedule for operation should be Thursday morning. Dapat Wednesday night pa lang, admitted na kami. Tuesday pa lang, nag-text na sa akin yung secretary nung isang doctor namin na ok na, na-reserve na nya ng room si James. So akala ko ok na nga at pupunta na lang kami dun. Wednesday afternoon, ready na kami to go to Blumentritt, tumawag muna ako sa CGH to ask kung anong room # namin. Wala pa pala! As in yung reservation palang "ok na" means nai-reserve na kami sa mga nakapila waiting for an available bed! Hindi man lang inexplain ng maayos sa amin nung secretary. (Di ako sanay na ganun kasi sa ibang hospital, when you say confirmed reservation, may room ka na talaga). Turned out walang na-discharge that night kaya try again daw kami the next day. Buti na lang naka-resked ulit kami ng operation na available yung tatlong doctors. Ang kukunin kasi naming bed yung nasa pedia ward lang. Kasi kapag private room, yung quote sa ‘ming P50k malamang magiging P100k dahil iba ang charges sa mga "may kaya" na patients. Eh di kami rich ‘no!

Dun na kami natulog tuloy sa Alabang. Pag tawag ko ng Thursday morning, wala daw ako sa listahan at magpapila daw ako ulit. Sabi ko kahapon pa kami nakapila ah. Ang sagot sa kin "Ah oo, nakasulat ang pangalan nyo kahapon pero dapat ipinasulat nyo rin para ngayon kasi ibang pila na ulit ito." Ganown? @#$%! Di ko magets ang logic nun! Pati yung doctor namin, sya na ang tumatawag sa admitting dept para magka-room na kami, matagal talaga ang hintayan. Naka more than 10 calls siguro ako from 9am til gabi na, every hour just to check kung meron na.

Finally at 7pm, sabi nila may lumabas na daw at proceed na daw kami dun kasi may kama na. Pag dating doon ng past 9pm, hiningan muna ako ng 3K na deposit bago i-admit si James. I texted hubby (na nag-park muna) to bring the van around para maibaba si James. I asked the guard kung pwede mag-stand by yung van sa may entrance (ang lawak naman nun, kasya apat na vehicles) kahit 5 minutes lang para matulungan ako ni hubby na iakyat ang mga gamit saka yung bata sa 4th floor. Di daw pwede kasi pang-ambulance daw yun. When I asked kung merong orderly na pwede tumulong magbitbit ng gamit, sagot ba naman "Ewan ko, maghanap ka dun sa loob, di ako pwede umalis sa pwesto ko." Hello tatlo silang guards na nakatambay lang dun! Di man lang courteous ang sagot :( Buti nakahanap ako ng taga-bitbit.

Pag dating sa pedia ward, hinarang ako ng guard. Bigay ko daw yung deposit slip. Eh naman, bitbit ko si James at nagsa-spastic movements kaya ang hirap hawakan. Kako pwede bang after ko mailapag sa room kasi mahirap. Hindi daw, umupo daw ako dun sa chair at kunin ko sa bag ko yung slip. So para wala ng mahabang diskusyon, I did that. Buti at nasa ibabaw lang nung bag ko yung resibo. Bago pa ko makatayo, yung nurse naman, hinihingi sa akin ang admitting orders ng doctors namin. Eh nasa ilalim ng bag yung baby book. Nakapagtaray tuloy ako ng konti "pwede bang ilapag ko muna itong bata bago yan?!" Kala ata nila madaling magbitbit kay James.

Pagdating sa room, nyay, hindi kama kundi crib ang naghihintay sa amin! As in may apat na kama dun sa room (all occupied) saka yung isang metal crib sa corner. (Ganun ba talaga? Para madagdagan lang ang kita ng hospital, pagkakasyahin pa ang isang maliit na crib kung saan pa may space para dun isiksik ang pasyenteng nagbabayad naman ng tama?) Konti na lang di na kasya si James. But we had to make do kasi nga wala na ibang choice. Natulog ako ng nakaupo with my head on the crib. By 3am, tinext ko si hubby na palit kami at ako naman sa van. Grabe groggy kami pareho at sobrang sakit ng katawan nung nag-umaga na. Isa pang ka-bad trip, pareho naman ang bayad nung crib kesa dun sa mga beds, nung nagre-request na ako ng unan at kumot, wala daw provision kapag crib kasi ang babies hindi daw nagu-unan. Kwestyunin ko nga sila ng "Bakit ganun? Wala na nga matutulugan yung bantay, kahit unan hindi nyo mabigay?! Tapos pareho lang ang bayad katulad nung mga kama na nakahiga ang magulang katabi ng anak?! Ang labo nyo ha!" After a few minutes, may dumating na orderly, may dalang unan. Sus!

Nakaka-depress na may kasama kami sa room na 6 year old girl na may stage 4 cancer na two months na dun at di makalabas dahil kulang ang pambayad nila. Although nakaka-amaze pa rin ang optimism ng Pinoy. Nakausap ko yung mga nanay ng ibang bata dun, at nakakatawa lang na nature na ata talaga ng karamihan yung maging matanong. Wala pa ata akong isang oras dun sa room, alam na nilang apat ang anak ko, bakit nagkaganun si James, anong gagawin sa kanyang procedures etc. etc. Napatanong na rin tuloy ako sa kanila. Hay, dami nga lang sad stories sa buhay!

One funny story though, buti umaga na nung kinuwento, sabi nung isang nanay, naranasan na rin nilang yung crib na yun ang natitirang available (may leukemia anak nya kaya balik-balik sila dun). Sabi sa kin "Bakit kagabi hindi kayo nanghiram nung mga kutson ng crib na nakatambak dun sa labas? Nung kami dyan, nanghiram sa guard yung asawa ko tapos dyan sya sa ilalim natulog." At since rehas-rehas nga ang itsura nung side railings ng crib, dagdag ng ale "Nga lang, nagmukha syang aso." Hahaha.

By 7am Friday, dinala na si James sa endoscopy room. Dumating yung dalawang doctors (gastro at ENT) saka anesthesiologist after a while. Dun kami pinaghintay sa waiting room. Siguro wala pang two hours, tapos na. By the time na nakapasok na kami where James was, nagigising na sya slowly at sobrang cranky na. Nagkapasa pa ang legs kakasipa dun sa metal railings nung operating table.

Hapon, hubby and I decided to find if there's a semi-private room available. Kasi mukhang di na namin kakayanin na hindi na naman matulog ng matino ng gabi. Anyway, that time, naka-charge na ang mga procedures dun sa ward room so kung may additional expenses man, yung natitirang mga gamot na lang saka room rate. Konti na lang dadagdag namin. Bago kami makalipat, kinailangang mag-deposit ulit ng another P7K.

Blessing din kasi pagpasok namin, pauwi na yung occupant nung kabilang bed. Kaya the whole night, katabi ko si james dun sa isa, si Noy himbing dun sa kabila. Nung Saturday morning, may ipinasok na batang kaka-opera lang ng appendicitis the night before. Ang nakakapagtaka, sabi daw sa kanila nung gabi, wala ng available rooms sa semi-private. Ang choices lang nila eh yung linchak na crib sa baba o private room. Yung mga magulang natulog ng nakaupo dun sa labas na chairs katabi ng guards while yung bata dun sa recovery room. Samantalang yung katabi naming room, parehong umuwi din ang patients nung gabi. Sabi nga ni Noy siguro strategy ng hospital yun para pag nainip ang patient, private room na ang kukunin. Pero ang lupit ha!

By early afternoon, after ng last IV med ni James, nag-asikaso na si Noy ng discharge papers. Naku, ang gulo ng billing at accounting sections nila! Turned out na-over-charge kami sa deposit ng 2k kaya asar na asar si husbandry habang paro't-parito para ma-reimburse yung bayad. Tapos wala daw iniwan na charge slips yung doctors at di daw nila alam saan kokontakin. Susme, ako pa ang nag-provide ng clinic contact numbers ng mga doctor namin na nasa calling cards sa akin! Lampas 6pm na bago pa nila naayos yung bill namin, grabe! By then, umuulan na naman (bakit tuwing gabi umuulan dun sa area na yun? three nights running, ganun) at nahirapan kaming mag-load ng gamit sa van.

Anyway, thank God we were able to reach my sister's house in Alabang around 8:30pm where we had dinner. Sinundo din namin si Nanay at Deden (na galing sa violin lessons sa UPD nung umaga) and were able to arrive home past midnight na.

Lesson learned: kahit anong galing ng doctor na recommended sa amin next time, pero dun sa CGH ang required confinement, no way! Talagang maghahanap ako ng iba. Kahit mga Instik daw dun sa admitting section sabi ng asawa ko, naririnig nya nagmumura na daw sa sobrang inis sa sistema ng hospital. Me isa daw ang comment pa "Basta pag uwi natin, dadalhin ko yung unan at kumot nila! Laki-laki nila mag-charge!" Nge, me souvenir pa gid!

One more great thing, I feel that the experiences we went through this past week made hubby and I much closer than ever before. We had more time together (sans our other three kulit boys) so we got to talk more, to make plans, to share dreams and hold each other up. Sarap ng feeling :)

Hay naku, napahaba na naman. Sensya na. Ngayon lang ulit ako nakabukas ng pc at nagloloko pa paminsan-minsan. Ayaw magboot at times. Kaya take ko na ang opportunity na to na maka-post sa blog bago pa pumalpak na naman eto.

Again, salamat sa lahat ng suporta nyo. We are truly grateful!

Wednesday, June 22, 2005

This is it!

The day is near …. isang tulog na lang, maga-undergo na si James namin ng gastrostomy procedure. Bale ililipat na ang feeding tube nya from the nose to his stomach. Para mas madali na for him to breathe and practice eating orally. Hopefully din, mabawasan na ang malimit nyang pag-vomit dahil wala ng tube na magti-tickle ng GI tract nya.

At dahil gagamitan din lang sya ng endoscope, we decided na ipasilip na rin sa pedia-ENT ang throat nya. Para ma-determine na rin anong cause ng ke tagal-tagal ng tunog na ginagawa nya (parang naghihilik ng gising) tuwing nag-iinhale sya.

Kagabi, galing kaming Asian Hospital para kumuha ng clearance for surgery dun sa pedia-pulmo na recommended ng pedia-neuro namin. Nagkataon kasing nag-abroad pala ang pedia-pulmo namin at matagal pa ang balik. From 6pm sa clinic nung doc, inabot kami hanggang past 9pm dahil sa mga tests. Tapos kinabukasan pa makukuha ang results kaya babalik pa kami mamya dun.

Nanay ko! Ang daming pinagawang tests kay James. Bukod sa xray, meron pang mga CBC, platelet at bleeding count. Ako ang nanginginig ang tuhod nung kinukuhanan sya ng dugo, ack! Tapos meron pang test na ABG (Arterial Blood Gas) na pagkamahal pala! Ang nakakaiyak, mahirap palang kunan ng dugo yun dahil artery ang kailangang tusukan ng needle. Kaya ako nagtataka bakit hindi ginamitan ng tourniquet, yun pala kasi veins daw ang lalabas kapag may tali. Naka-apat na tusok sa anak ko bago naka-kuha ng ½ cc ng dugo, waah!

Ang compensation naman naming mag-asawa, friendly sa bata ang mga staff sa Asian. Mga naka-ngiti palagi and magiliw makipag-usap sa patient, pati yung secretary nung pulmo na pinuntahan namin. Sabi ko nga sa asawa ko “Samantalang yung secretary nina Dra. ____ (yung iba naming doctor sa ibang hospital), ang taray-taray palagi!” Sagot ng aking ever-practical husbandry, “Mommy, if you’re paid well, you can afford to smile and be cheerful more. Malaking magpasweldo dito ano!” hehehe.

Anyway, eto at alas-singko na ng umaga, hindi na ako nakatulog. Kinailangang tapusin ang mga article deadlines ko bago ako mawala sa harap ng computer ng tatlong araw. Papa-admit na kasi kami mamyang hapon sa Chinese Gen dahil bukas na ang procedure. Buti na lang andito nanay ko para bantayan ang tatlo ko pang tsikiting at turuan sa mga assignments habang wala ako.

Sa mga friends and relatives naming makakabasa nito, please do pray for James’ safety during the operation. Pray also for strength sa aming mag-asawa kasi sa totoo lang, ako ang ninenerbyos ng todo. Sana din maging swift ang recovery niya para makauwi kami agad.

Thank you sa lahat ng nag-email sa amin ng encouraging words these past few days. We really do appreciate them.

Monday, June 20, 2005

Bummer

Kung kailan kailangan, saka nag-inarte ang PLDT internet lines ng Laguna! Argh!!! Kaya naman pala kahit maghapon na akong nagta-try mag-connect sa Vibe at Infocom, walang nangyayari, kasi may problema yung linya. At kaya ko lang nalaman dahil nagtext ako kay hubby at pinabili ko sa Manila ng kahit anong internet card na may Laguna dial-up number. He texted me the username and password at nag-try akong mag-connect using I-Republic. Wala pa rin!

Buti na lang efficient ang customer service ng I-Manila, sinabi agad na may problem ang Laguna line. To think na pudpod na ang tenga ko kakahintay sa voice recorded messages ng Infocom at Vibe para i-connect ako sa CSRs nila. Grrr!

Eto at sa sobrang desperado kong mai-send ang draft ng article ko dun sa doctor na ininterview ko, na kahapon pa nya hinihintay, nag-connect ako using a Manila number. Sus, doble-dobleng charges ituuu!

Hay, bad hair day!

Sunday, June 19, 2005

Araw ni Tatay

May friend akong nag-forward sa akin ng email (Tenk yu Mamu Jules!). Meron daw isang outfit na gagawa ng malaking billboard sa harap ng Megamall featuring photos of daddies. All we need to do is send pictures ng aming mga hubby para makasama dun sa pipiliing first 100. Yehey! Napadalhan ako ng confirmation email at kasama daw si husbandry sa pictures! Ang pinadala ko yung kasama nya ang apat naming barako.

Kala ko makikita namin on the way to Philippine Children's Medical Center yesterday morning nung ipapa-check up namin si James. Kaso since 8:30 am kami dumaan ng EDSA, siguro hindi pa bukas. Sayang, hanggang Tuesday lang daw yung "show" kaya baka hindi ko na makita. Told hubby na lang to watch when he pass by Megamall on his way to work tomorrow.

Nung sinabi ko na yun ang pa-Fathers' Day gift ko, ang unang tanong, "Magkano binayad mo?!" hahaha. Some friends emailed me na nakita na nila. Hay, sana makapunta ako ng Manila ulit bago nila alisin ang display. Hehehe, hindi naman halatang excited no? :P

Tuesday, June 14, 2005

Independence

Nag-start na ang classes ng mga anak ko last week pa. Sanay na sanay ng mag-jeep mag-isa ang dalawa kong elementary students. Etong si bunso lang ang inalala ko dahil gusto ko syang masanay na ring mag-commute mag-isa. Anyway, kabilang bayan lang ang school nya at kumontrata na ako ng tricycle driver as school service.

First four days, sinusundo ko pa si Deden. Nung Friday, binilinan kong mag-isa na lang sya sasakay kay Mang Freddie kapag uwian na. Basta kako, tandaan nya yung mama na may eye glasses. Pag-uwi dito, sus magkabilang tenga ang ngiti! May halong yabang na ang pagmamalaki niyang “Mommy! Kaya ko na mag-isa!” Nung nagkita sila ng nanay ko, yun agad ang ikinuwento niya, “Mama, ang brave ko na, kayang-kaya ko na mag-tricycle na ako lang!”

Hapon, isinama ko si Deden sa grocery. Habang nakasakay sa jeep, nagkukwentuhan kami tungkol sa school nya at pagiging brave nya sa tricycle. Mamaya-maya tumahimik ang bata. Pinagmamasdan ko habang nakatingin sya sa malayo. Biglang ngumiti, siguro proud na proud talaga sa sarili nya hehehe. Nang tanungin ko ng “O bakit ka naka-smile?” Ang sagot ba naman, “Hehehe, kasi si Spongebob nakakatawa talaga!” Ngak, nire-rehash lang naman pala sa mind nya yung movie na napanood nya nung isang araw! Kaloka talaga ang mga hirit ng batang ito.

Friday, June 03, 2005

Making a Difference

Naglalakad ako galing MRT station sa Ortigas papuntang Galeria nung Miyerkules. May nakasalubong akong isang dalagang naglalakad na may hawak na plastic cup na parang slurpee ang laman. Magkahalong gulat, inis at awa ang naramdaman ko nang makita kong pwersahang inagawan siya ng isang batang lansangan ng kanyang iniinom. Feeling ko naka-witness ako ng holdapan sa totoo lang!

Sobrang bilis ng pangyayari. Napaka-daring nung bata! Pero naisip ko, nakakaawa naman na nagre-resort na sila ng ganun, harapang pang-aagaw ng pagkain sa passers-by dahil sa gutom :( Nakakalungkot na merong mga paslit na Pilipino na ganun ang pamumuhay sa araw-araw … nagugutom, madudungis, kanya-kanyang gawa ng paraan para magkalaman lang ang kumakalam na tiyan.

Naisip ko tuloy, kung meron mang efforts na ginagawa ang gobyerno natin para sa kanila, sapat ba yun? Malimit tayong magreklamo tungkol sa gobyerno pero dapat din siguro nating unawain na hindi nila kayang gawin lahat sa mabilis na panahon. Tayong mga karaniwang mamamayan, ano ang pwede nating itulong? Ika nga ng isang kasabihan, start small. Kung ano lang ang kaya mo kahit maliit, kahit konti. Isang suggestion ko … mag-sponsor kayo ng bata thru World Vision!

Alam nyo bang sa halagang P450 kada buwan o P15 bawat araw (mas mahal pa ang slurpee!), mabibigyan nyo na ng chance ang isang bata na makapag-aral, makatanggap ng health benefits at maturuan ng Christian values? Dagdag pa, ilang percent ng donation nyo ay mapupunta sa community ng bata kung saan tutulungan sila ng World Vision na magkaroon ng livelihood projects kaya pati mga magulang ay natutulungang magkaroon ng hanapbuhay.

Proud nga ako sa sponsored child ko kasi naging honor student sya sa preschool class niya two years ago. Ngayong pagsukan, grade two na siya. We communicate thru letters coursed via World Vision at pinapadalhan din ako ng annual progress report nya. Nakakatuwang mabasa ang mga pagbabago sa buhay ng batang yun. Maging sa pictures, naaaliw ako kapag nakikita ko ang paglaki niya. Para na rin akong may anak na babae :) I’m sure may impact sa buhay at pananaw ng mga bata (at ng kanilang mga pamilya) na tinutulungan ng World Vision ang malamang palaging may pag-asa dahil may mga tao pa ring marunong magmalasakit at handang tumulong. Let’s all make a difference sa ganitong paraan. Sabi nga sa isang quote ng WV “You may not be able to change the world, but you can change the world for one child.” Tara, tulong tayo :)

Meron silang mga booths ngayon sa SM Megamall until June 8, SM City until August 31, Market Market until June 15 and Festival Mall from June 15-31. Pakibisita naman sila to know more about child sponsorship.

Pasukan na naman kasi, at siguradong naka-enroll na ang ating mga anak sa kani-kanilang eskwelahan – kumpleto na ang mga gamit, uniforms atbp. Sana mabigyan din natin ng puwang para makapag-aral ang mga batang mahihirap na gustong-gustong matuto pero walang paraan para makapasok sa school. Please extend your gift of hope to them.

Para sa mga tanong ninyo (I’m sure marami kayong gusto pang malaman!) tawag lang kayo sa WV hotline 372-7777, email wv_phil@wvi.org o bisitahin ang website nila sa www.wvi.org .

Maraming salamat! :)
Ngipin

Kainez! Sa tibay ng milk teeth nitong si Deden, never nag-complain na may umuuga o masakit kasi walang kasira-sira. At six and a half, nakalimutan kong age na nga pala yun na pwede ng tumubo ang permanent teeth. Sina kuya kasi nya, lahat seven years old nagsilabasan ang mga unang permanent na ngipin.

Last Tuesday, napansin ko na lang habang nagdadadaldal sya na may parang puti sa likod ng front teeth nya sa ilalim. Oh my gulay, dalawang maliit na permanent teeth na nakasilip at butterfly formation (read: sungki) na!!

Kanina lang kami nakakuha ng sked sa dentist. Pina-extract ko na yung dalawang milk teeth. Hay sa sobrang tibay, ang daming anesthesia ang kinailangang iturok (magaling ang dentist, tinatago yung syringe tapos pinapapikit ang bata para di makita yung needle) at matagal bago nahila ang mga ngipin. Pero proud ako kay bunso kasi hindi umiyak at hindi masyado mareklamo. Pina-sealant ko na rin yung dalawang permanent na molars sa baba. Hay, next week yung dalawa naman sa taas. Ang gastos ng may anak!

Ayan praning na tuloy ako na baka yung ngipin sa taas, biglang sumulpot na naman sa likod nung milk teeth. Ngi, ang pangit lalo kung dun ang sungki sa itaas! Siguro pagdating ng tatay niya mamya, ang comment nun “Ipapa-brace din ba kita gaya nina kuya?!” hehehe
Bawal ang TV kapag kumikidlat!

Nasa Manila ako nung Wednesday kaya wala ako sa bahay nang umulan ng malakas at may kasama daw kulog at kidlat. Kwento ng nanay ko, natutulog sila nung hapon ng biglang may malakas na putok silang narinig. Para daw bombang sumabog. Later, nalaman nilang merong isang ale na malayo ng konti ang bahay sa amin, eh nagkaron ng minor burns at muntik pang masunugan. Kasi naman, ang lakas na ng kidlat, sige pa rin ang nood ng TV. Unfortunately, tinamaan ng kidlat ang lanzones tree sa tabi ng bahay nila at natumba sa wire ng poste. Ayun dire-diretso ang electric current sa antenna ata ng bahay down to the TV set at nagliparan daw ang sparks sa buong bahay.

Iiks, ngayon talaga, convinced na akong dapat hindi nanonood talaga ng TV o gumagamit ng ibang appliances kapag ganun ang panahon! Too bad pa, since nga wala ako sa bahay, hindi ko na-disconnect ang phone line sa modem ng computer ko. Ayun, kinabukasan, di na ako maka-internet dahil sira na sya. Waaah! Gumastos tuloy ako ng P700 kanina para lang pakabitan ng bagong modem ang PC at magbayad ng service fee sa technician.

Hay buhay, kung kelan ang daming gastos dahil pasukan na naman, may extra pang aberya na darating gaya nito. Pero sabi nga ng positive-thinker kong asawa, ganun talaga, masisira at masisira ang isang bagay. Hindi mo nga lang alam kelan, kaya you have to be prepared na lang palagi for any emergencies.

Tag-ulan na naman. Ingat kayo kapag umuulan na may kulog at kidlat ha. Matuto na kayo sa experience nitong kababaryo namin. Although duda ko, kahit nasa ospital yun, baka nanonood pa rin sya ng TV doon :P
Related Posts with Thumbnails