Help Make a Difference

Monday, May 24, 2004

Mga Kantang May Kakabit Na Memories

Galing akong Alabang kanina with my cousin. Namili kami ng school supplies for our kids. Nakupo, pasukan na naman! Daming gastos.

Pero tuwa ako kasi nakabili ako sa Odyssey ng mga albums of “old” songs, specifically 80’s music. Panahon ko yun! (Ngii, napapaghalata ang katandaan ko). I got a double cassette worth P190 lang titled “80’s Replay”. Andun yung mga songs na nagpapa-alala sa kin ng high school days ko – Take On Me by A-Ha, West End Girls by Pet Shop Boys, Manic Monday by Bangles, I Like Chopin by Gazebo, 99 Red Balloons by Nena, Let’s Hear it for the Boy by Denise Williams at marami pang iba.

Meron pa akong nabili on sale, P50 lang entitled “Absolute Classics: 16 Hard-to-Find Classic Love Songs”. It includes Ever Since the World Began by Survivor, Don’t Give Up On Us by David Soul, A Penny for Your Thoughts etc. What made me decide to buy it? Dahil sa kantang You Don’t Love Me Anymore ni Weird Al Yankovich. Sobrang tawang-tawa ako sa song na yun noong unang lumabas yun, around 1992 ata. I remember a friend of mine who even transcribed that song at binigyan ako ng copy sa sobrang aliw namin. Brought back lots of memories.

Kaya sa mga 80’s fans na gaya ko, punta kayo ng Odyssey stores at baka may mga natira pang copies dun! Tingnan mo nga naman, kaya ako pumasok ng Odyssey para bumili ng The Corrs album na wala naman pala silang stocks, ayun napabili tuloy ng kung anik-anik.


Sunday, May 23, 2004

Sunday at Villa Escudero

At last! For the first time, narating ko rin ang Villa Escudero sa Quezon province! Nag-aya ang sister ko kaya go naman kami. Kasama ko ang nanay namin and dalawa sa makukulit kong anak. Hirap magbitbit ng maraming bata, eh may trabaho pa naman ang Daddy kaya 2 lang ang kaya ng powers ko. Nagpaiwan na si Kuya sa bahay since kasama naman sya last week sa annual trip ng mga teachers sa school ng nanay ko. Nakarating sya ng Baguio at Vigan.

Anyways, so ayun, we arrived there mga 11:30 am. Ack, P950 per person pala dun. Kapag bata, kalahati ang bayad. Included na dun sa tickets ang carabao cart ride, buffet sa waterfalls, use of the pools and museum tour. Hmmm, pwidi na rin.

Una naming ginawa, sumakay ng carabao cart papunta dun sa loob. Nakakatuwa ang views. Well-maintained ang lawns and maraming statues made to look like barrio people reinacting everyday things like babaeng nagtitinda ng mga kakanin, isang bata na nagpapakain ng mga alagang baboy, mga magsing-irog na nakaupo sa benches etc. Basta marami, nagkalat here and there.

Dun sa place kung saan tumigil yung kalabaw, nakita namin si Aiza Seguerra. “Cute” nga sya, very petite. Simple ang dating, naka white lang na polo saka naka-shades. Gusto ko nga sanang mag-ask kung pwede pa-picture with her yung mga bata kaya lang nahiya ako. Sabagay hindi naman ako die-hard fan kasi. Pero ibang usapan na yun kung si Dingdong Dantes ang nakita ko. Ako ang magpapa-picture kasama nya, hahaha!

Tumuloy kami sa may waterfalls para mag-lunch. Man-made lang pala sya (hehehe, ignorante ba dating? First timer eh) na may hydraulic chuva na nagpapatakbo ng tubig. Ok naman, maganda yung place. Naka-mojo sandals ako kaya pwedeng-pwede mabasa. Enjoy ang mga bata. Kaya lang yung mga nasa katabi naming tables, minsan napapahiyaw kapag natatalsikan sila ng tubig na nilalaro ng mga kids. Buti wala namang umaway sa amin hehehe. The food was not outstanding though. Ok lang, edible naman but I feel mas masarap pa ang luto ko ng sinigang.

After eating, picture-picture dun sa may falls. Kahit hindi pa kami mga nakapang-swimming, basing-basa na kami kaka-pose dun sa mismong nalalaglag na tubig.

Then off to the swimming pool. Inabot na kami ng 5 pm doon kaya di na kami nakapunta dun sa museum. Kelangan pa kasing bumalik ng family ng sister ko sa Manila. Buti kami at malapit lang ang bahay, less than 1 hour away.

Bago kami makaalis ng tuluyan, katakot-takot uling picture-an. Naubos ko yung 36 shots na film. Mostly mga bata ang kinunan ko. Sometimes nakiki-pose ako with 1 kid while the other takes the shots. Nakakatuwa kasi aliw mag-photographer mga anak ko, even 5 year old Deden.

Nakauwi kami magse-seven na ng gabi. Pagod pero enjoy. Pero kung papapiliin ako between Villa Escudero and Puerto Galera, ay! Hands down, panalo ang Puerto :)


Wednesday, May 19, 2004

Ang damot mo!

Hala, after the kinse anyos chuva na commercial, yung sa KFC naman ang nasa hot seat ngayon. Sa isang parenting egroup kasi na member ako, yun ang topic nung isang araw. A parent reacted na mali ang values na tinuturo nung commercial.

Sa mga wala sa Pilipinas at di napanood yun, eto ang kwento: May isang guy na nag-alok ng KFC chicken burger sa buddy nya, describing lahat ng ingredients with shots of the sandwich na mouthwatering nga naman talaga (ayan, parang gusto kong bumili ngayon, as in ngayon na para matikman yun, la lang KFC dito sa may amin). Nung tinanong na nya yung kaibigan nya kung “Gusto mo?” at sumagot si friendship ng “Oo ba!” biglang dinilaan ni guy #1 yung sandwich sa magkabilang sides sabay abot. Syempre di tinanggap ni guy #2. Eh nauhaw si guy #1 kaso wala syang drinks. Nung humingi sya kay guy #2, pina-bubbles nitong huli yung softdrink nya bago inalok.

Truthfully? When I first saw the commercial, natawa ako. Kasi naalala ko ang mga kabalastugan ng mga kabarkada kong guys nung college kami. Nung 1st time din napanood ng husband ko yun, I watched for his reaction, natawa rin, hagalpak pa nga eh. For sure may mga naalala din sya. Eh magka-barkada kami noon ano!

Nung nakita na sya ng isa sa mga anak ko at madiri-diring nagtanong “Mommy, bakit nya dinilaan?!” (with shocked accent), sinagot ko sya ng “Kasi madamot sya, ayaw nyang mag-share. Tama ba yung gawin?” To which my son answered “Hindi po. Bad yun.” I found it a learning opportunity para sa anak ko. Tipong “Ayan anak ang example ng hindi mo dapat gayahin.” I think kids these days are intelligent enough to handle things like that. Naman, with all the sex and violence na nasa movie trailers (Bakit ba hindi yun ang ipagbawal ng mga TV companies? Dun ako asar!), napaka-small time ng damot issue na ito.

Dahil sa natawa kaming mag-asawa, does that make us bad parents? I don’t think so. Gaya nga ng sabi nung isang ka-egroup ko, nasa parents na yan kung paano mo io-orient ang mga anak mo sa mga bagay-bagay na nakikita nila sa mundo. Hindi naman natin sila forever na mashe-shelter sa mga ganyang exposures. Gaya ng mga nangyayari sa school na hindi natin nakikita. Nasa diskarte na ng parents yan paano tuturuan ng magandang asal ang mga bata. Besides, as another member said, the commercial is targeting college students kaya yun siguro ang “pull factor” na naisip ng mga gumawa ng ad.

But it seems nakarating sa KFC ang mga hinaing ng maraming concerned parents. May isang article pa nga daw sa Philippine Star kahapon written by Butch Francisco about it. Kanina while watching TV, I saw 2 new revised versions ng KFC commercial. Wala na yung nilalawayan part, pero andun pa rin yung damot factor. Would it count kaya if I say honestly na hindi sya nakakatawa like the first one? Ewan ba at aliw kasi ako dun sa expression ng mukha at sound nung guy (“Mmmmm!”) na nag-blow ng bubbles sa drink. Again, that doesn’t mean I’m taking the damot factor lightly. Malakas lang ata talaga ang sense of humor ko.

Bottomline, how our kids turn out to be in the future should not be influenced greatly by other factors than the values taught by the parents. Kaya nakasalalay pa rin sa ating mga magulang ang kahihinatnan ng mga anak natin.


Sunday, May 09, 2004

Tudings Pork Chop

Kahapon, galing kaming Binan Perpetual kasi pina-check up naming mag-asawa si James sa neuro-pedia nya. Nung pauwi na kami, nagka-ayaan kaming kumain sa Tudings sa Calamba.

Kilala nyo ba itong resto na ito? May kwento kami tungkol dyan.

Kasi nung 1997, na-ospital si James sa Binan for 40 days. Dahil sa tagal ng stay namin, naikot na ata namin ang bayan ng Binan sa kakabili ng gamot sa 3 branches nila ng Mercury Drug doon, at nakainan na ang mga establishments around the town.

Na-discover namin ang Tudings dahil isinama si hubby ko ng medrep friend nya doon nung dumalaw sa amin sa Perpetual. Isa syang maliit na karinderya na ang sini-serve lang eh fried porkchops, sinangag at sunny side up na itlog plus softdrinks. Pramis, yun lang talaga ang binibenta nila. Pero mapapansin mo na sa inaraw-araw nilang pagbubukas, hindi sila nauubusan ng customers. Minsan nga tatayo ka pa ng matagal sa labas para hintaying may matapos kumain sa loob dahil wala pa atang sampu ang tables nila. Halos araw-araw atang kumakain kami ng dinner doon noon. Ewan nga ba bakit masarap yung fare nila.

Pati sister ko, nung nadala namin doon, nagustuhan din ang Tudings at kahit nung nakalabas na ng hospital si James, dinadayo pa nilang mag-asawa ang Binan from their house in Muntinlupa para lang kumain doon.

Tapos kahapon ayun nga, na-miss ko bigla ang Tudings at finally pinasok namin ang branch nila sa Calamba na nadadaan-daanan lang namin for several months na. After 6 years, nabalikan din namin ang Tudings at sosyal na sila ng konti ngayon. Malawak na ang lugar, marami ng lamesa at marami ng electric fans kaya di na mainit kumain hehehe. Nakakatuwa lang kasi ganun pa rin ang menu nila ---the same old porkchops, sinangag at itlog with softdrinks, the same timpla. Wagi ang lunch namin ni Mister!

O ano, nagutom kayo? Try nyo minsan dun. Aliw ang kain. Affordable pa. Ang alam kong branches nila aside from the original one in Binan is the one in Calamba at may isa na rin sa Muntinlupa. Kain na!

I Love Puerto Galera!

Kakagaling ko lang (ulit!) ng Puerto Galera last Monday-Wednesday. Shempre annual mommy’s vacation (hahaha ang lagay eh iba pa yung punta ko dun ng February) dapat bago matapos ang summer at magsimula ang klase ng mga anakis ko. Ang bait talaga ng asawa ko dahil palagi akong pinapayagang mag-unwind. He understands the stress I go through everyday with our four boys :D. S’ya kasi kagagaling din lang ng VOP last Holy Week naman. Hindi kami pwedeng umalis ng sabay for several days dahil alternate kaming mag-alaga sa special child namin eh. Sumama sa ‘kin ang dalawa kong pinsan and isang pamangkin na 15 years old. Super enjoy!

Sa Valley of Peace kami nag-stay (as usual dahil love ko ang VOP) and aliw na aliw ang mga kasama ko dahil maganda ang ambience ng resort na yun. Our first afternoon there was spent sa pamamasyal sa town at pagbili ng kung anik-anik. Naki-usyoso din kami sa ukay-ukay at nabilhan ko si hubby ng gusto nyang cargo pants na madulas ang tela. No Boundaries ang tatak and I guess it’s a steal at P300 lang, eh mukha pa syang bago. Nung gabi lang kami nag-dip sa pool. Hay sarap! Yung init ng araw buong maghapon, na-absorb ng tubig kaya maligamgam ang water sa pool. Nag-jacuzzi din kami kaya todo relax ang mga katawan. Knock-out kaming lahat pagtulog.

Tinanghali kami ng gising the next day hehehe. Ayun past 10 a.m. na kami naka-alis for Muelle port where we rented a boat for P500. Pumunta kami ng Long Beach at dahil first time nag-snorkeling ang mga pinsan ko, amazed sila sa ganda ng corals at dami ng mga fish. Nag-rent pa kami ng small bangka (for another P150) para i-tour kami sa bandang gitna ng dagat para mas maraming corals ang makita. Hahawak ka lang sa rope habang tumatakbo ang bangka tapos snorkel to the max na. Ayun, ang na-sunburn sa kin ng todo, forearms ko kasi yun lang ang naka-expose ng matagal habang nag-a-ala Discovery Channel tour kami ng live. Ang ganda-ganda talaga! I guess hindi ako magsasawa ever na balik-balikan ang Puerto dahil sa mga corals at isda doon.

Hapon, shopping galore na naman kami. Tuwa ako when I found Puerto Galera shirts na pambata tapos ang print si Nemo! At affordable ang prices in fairness. I bought my kids one each.

Ngayon pa lang, nagbabalak na etong mga pinsan ko na bumalik dun next year. For sure daw magugustuhan din ng mga anak nung isa at iba pa nilang pamangkins. Dapat daw kasama na buong angkan nila at angkan namin. Mag-pinsang buo at bestfriends kasi ang nanay nila at nanay ko kaya malamang na matuloy yun sa isang summer. Excited na naman kaming lahat kahit ang layo-layo pa hehehe.

My only regret is hindi ko naisama ang mga anak ko dun. Hirap kasing magbitbit ng mga bata kung ako lang. Saka nagpa-sked ng tuli yung 2 kong malaki nung Monday. (Buti na lang tatay nila ang andun dahil baka di ko kinaya!) Last year we were all able to go kasi maluwag ang work sked ni hubby. Pati special child namin nadala namin and he enjoyed the pool and the beach tremendously. Kaso this year, hindi sya maka-bakasyon ng matagal from work kaya paisa-isa kami ng punta. But I’m planning to bring the three kids minus James and daddy around September or October doon. They miss VOP din daw kasi so much. Hay nakaka-konsyensya!

Sa mga gusto pang humabol sa summer break, inquire or reserve na sa Valley of Peace! Just contact Jeff Aquino, the manager, at 0916-3847697. Happy summer!

Some Handy Puerto Galera Tips:

Since marami-rami na ang palaging nag-iinquire sa akin about PG, share ko lang mga natutunan kong tricks sa malimit kong pagpunta dun…

1. For getting there faster from Batangas pier to Puerto, opt to ride the fast craft ferry boats like Golden Hawk and Blue Pelican, yung mga may katig. Hindi sya nakakatakot sakyan. It will only take you 1 hour compared to the 2 hours kung ang sasakyan nyo ay yung RORO or yung metal boat ng Diamond Shipping Lines. Pero for first timers, pwede na rin yung RORO para ma-enjoy nyo mabuti ang byahe kung di rin lang maalon. Nga lang, beware kung dun kayo pupwesto sa “airconed” rooms dahil minsan hindi nagwo-work ang aircon and you’ll end up hilo dahil sa init. Secure seats sa deck na lang para may fresh air at open sea ang view nyo.

2. Cross the sea in the mornings as much as possible dahil mas maalon kapag hapon. Bring Bonamine tablets kung mahiluhin kayo sa byahe.

3. Hindi lahat ng beach front resorts ay sulit sa bayad at ambience. Even if Valley of Peace is not situated in front of the beach, it’s easy pa rin to rent a banka to go island hopping. VOP’s manager will even arrange with a bankero for your transpo. Anyway, the corals and the fishes are not found naman sa beaches ng mga beach-front resorts so di mo rin mae-enjoy ang tubig dun, mabato pa.

4. When going island hopping, unang-una nyong hanapin na bangkero si Mang Nato (Renato real name nya) who owns the boats Maritess 1 & 2. Since last year, siya palagi ang nire-rent namin dahil hindi sya taga mag-presyo. Saka yung Maritess 1, big enough for a whole family (nagkasya angkan namin last year) tapos pareho lang ng prices na ibang boats na mas maliit.

5. When going island hopping the whole day, plan to buy fishes, meat and veggies sa palenke before boarding the boat. Dala na rin kayo ng mga pang-marinade at sawsawan. Pwede kasing magpaluto sa mga bangkero sa beach habang nagsi-swimming/snorkeling kayo sa dagat. Swak sa masarap na kain, bagong luto pa ang lunch nyo. Arrange that with the bangkero before sealing the deal kasi they sometimes charge an additional P100 for the cooking. Pero sulit pa rin yun!

6. Instead of renting snorkel, shoes and vests, you can bring your own kung meron ka rin lang naman. I don’t like renting shoes kasi takot akong baka may alipunga yung huling gumamit. So what we do, staple gear na namin ni hubby and our barkada ang mojo sandals (yung de-velcro ba) kasi ideal na sya for swimming among the corals. Para di ka masugatan sa paa when you need to stand sa tubig. Mind you, never ever stand where there are live corals! As for vests, pwedeng humiram sa bangkang ni-rent nyo instead of renting separately.

7. Bring shopping money! Masarap mamili ng batik items sa town. From dresses and hankies to sarongs and lamp shades, maraming pwedeng pagpilian and for sure magugustuhan ng gustong ninyong pasalubungan.

8. For nature lovers, there are lots of hiking opportunities there. Hanap lang kayo ng guide. Nung 2001, our barkada trekked to Talipanan falls. Ayun, ako lang naman ang pinakaduwag at di tumalon sa falls (ang taas kasi!). Asawa ko proud sa picture nya na tumatalon sya kasi kitang-kita gaano kataas yung tinalunan. Ay! Nagkasya na lang akong bumaba ulit sa batuhan kahit mahirap :P

Sana may napulot kayong bagong kaalaman :) Happy to help!

Saturday, May 01, 2004

Beware of the AOWA scam

In case di nyo pa naririnig ito, read on …

Around February of this year, naka-tanggap ang mom ko ng tawag galing sa isang appliance store sa San Pablo City. Kesyo nanalo daw sya ng free gift at i-claim daw sa branch nila. My mom received a mini-camera na wala man lang flash. Tapos marami daw silang andun at nagpala-bunutan. Sya lang daw ang nakakuha ng paper na may “You’re entitled to bigger prizes!” while yung iba pinauwi na.

Nakupo, inalok na sya ngayon ng appliance packages. Na pag bumili ng 2 items, may libreng 2. Hindi ko na matandaan ang exact prices na sinabi sa kanya pero na-hooked sya! She gave a downpayment agad na non-refundable daw kaya kelangan in 2 days mabigay na ang full payment para makuha na ang lahat ng items.

Pagdating nya sa bahay, excited pang nagkwento sa aming lahat. Na nag-order na daw sya ng water filter worth P20K+ (na di naman namin talaga kailangan dahil spring water naman ang tubig dito sa baryo namin) at cookware set priced at another P20K+ for only P34K+ with free vacuum cleaner at facial massager worth another P20K+. Nanlambot kaming mag-asawa when we were told na nakapag-deposit na sya and wala ng bawian.

Shempre kahit first time naming naka-encounter noon, ramdam ko agad na scam yun. Naku, gullible pa naman itong si nanay. Sabi nga namin malamang yung mga kasabay nyang bumunot, mga employees lang nung store na nagpapanggap na customers din. Eh since naka-deposit na sya, itutuloy na lang daw nya. That was a Saturday.

Early Monday, nag-withdraw na sa savings nya ang nanay ko ng pambayad sa balanse at bandang hapon, nag-deliver na nga. Sa ‘kin na lang, since hindi ko pera yun at gusto nya talaga, eh di sumige sa transaction. Ok naman yung products pero ang kinaiinisan ko, bakit nila kelangang manloko sa prices. Ang kinalalabasan naman talaga ng total price, eh prices ng 4 items combined. At hindi pa kilala ang mga brand names!

Tapos nalaman namin, another auntie of ours was also duped that way. Ang isa sa mga binili nya is a microwave worth P20K+ daw kuno. Na nasira agad within 6 months of use at nakita ng mga anak nya sa isang store, same brand, same microwave P7K+ lang! Grabe noh?

Eto ang clincher. A week ago, while in Alabang Town Center, may humarang sa aking isang babae saying “Ma’am scratch card po. Baka manalo kayo ng prize.” Hmmm, kumalembang agad ang warning bells sa utak ko. Sabi ko “No thanks, wala akong budget pambili ngayon.”

Sagot agad sya, “Ay mam wala naman ho kayong babayaran, free gift po ito pag nag-match.” At dahil ayaw nya akong paalisin, ni-scratch ko si papel. Ahooo, matched nga ang dalawang puso sa card. Naku napataas pa kilay ko nung nagsalita sya with a wondering voice “Ay, nag-match!” Sabay tawag sa supervisor nya “Sir, Sir! Nag-match ang card ni Mam!”

So lapit sa kin si bisor. Sinabihan ko agad, “Look kung may babayaran dyan, ayoko.” Wala daw at bakit daw ayaw ko ng free gift. Since hindi naman ako nagmamadali, umupo ako dun sa table. Ayan na, binulatlat na ang card at whala! Nakita ko ang pictures ng microwave, water filter, cookware set at colored TV with ridiculously high prices. Nakah, eto na nga bang sinasabi ko eh.

So bago pa ako mapaliwanagan ng bawat isang product, binabara ko na sya. “Meron na kaming microwave. Oo meron na rin kaming filter. Naman, lahat naman ng bahay may TV ano. Etc.” Tapos binanatan ko na ng “Alam mo, nakabili na ang nanay ko sa ganito a few months ago. Ganyan din halos. Kaya nga may ganyan din kaming cookware set eh.” Naasar ata sa kin yung mama, bigla nyang ni-cross out lahat nung items sa card sabay inis na sabing “So ika-cancel na lang natin ito mam?” Eh di sinagot ko ng “Oo naman, sabi sayo ayokong bumili at meron na kaming mga ganyan.” Sabay tayo at alis.

Hah, feeling ko kahit man lang nasayang ang oras ko, nakakuha sila ng katapat na hindi magpapaloko sa kanila. Ano sila masaya????

Tapos nung pinalabas na nga sa Imbestigador yung tungkol sa AOWA na ito, nun lang na-realize at inamin ng nanay ko “Hay, naloko ako!”

Related Posts with Thumbnails