Help Make a Difference

Monday, September 27, 2004

Pagdating

Tuwing hapon, alam ko kapag dumating na ang mga bata galing sa school kahit hindi pa ako nakakalabas ng kwarto. Malakas na bubuksan yung pang-slide ng gate, isang creak habang binubuksan at isang creak ulit para sumara, sabay 'bang!' pag isa-slide na ang pangsara. Tapos andun na yung pitter-pat ng mga paa.

Kapag si Leland ang dumating, rinig mo agad yung cheerful na "Hi Panda!" dahil babatiin nya ang aso namin. Sabay bukas ng pinto at rinig ang kalabog ng bag dahil hinahagis nya sa side table. Kung si Deden naman, maliliit na footsteps na patakbo para unahan si yaya na buksan ang pinto. At makakarinig na lang ako ng "Mommy, I'm here!" Minsan may kasunod agad na kwento yun kahit halfway down the stairs pa lang ako. "Mommy, sabi ni teacher, very good ako kanina. Tingin mo o, may star ako ..."

Si Josh, kakaiba. Tahimik ang entrada ng isang ito. Parang ayaw ipaalam na andun na sya. Mahina magbukas ng gate yun. Pero since ma-creak nga ang hinges ng gate namin (sa bigat ba naman!) rinig mo pa ring may pumasok sa garahe.

Kaninang hapon, naunang dumating si Josh. Since may tinatapos akong trabaho sa computer, hindi agad ako nakababa para i-greet sya. Pero after mga 2 minutes na at hindi ko pa naririnig ang pagbukas ng pinto (isa pang mabigat dahil heavy wood), sumilip ako sa bintana sa landing ng stairs.

Ayun ang bata, nakatalungko sa tabi ng aso. Pina-pat nya at hinihimas-himas ang ulo ni Panda. Ang dyaskeng aso, feel na feel naman dahil nakade-kwatro na halos ang pagkakaupo. What striked me was the serenity of the scene. Napaka-peaceful. Parang sa silence nilang dalawa, touch was the only form of communication, and it was enough. Such was the beauty of friendship between man and beast ...

Wednesday, September 22, 2004

Balita Here and There

Hay, sa dami ng article deadlines ko, kahit gusto kong magdadaldal dito sa blog eh na-hold tuloy ng ilang araw, naipon ang mga kwento ko. Habang nagbi-break ako from editing, makahataw nga muna ng konting chika...

------

AR Season Finale

Nakanood ba kayo ng Amazing Race finale kanina? Buti na lang may replay nung 6:30 pm kasi tinanghali ako ng gising at di ko naabutan yung 8:55 am via satellite na feed. Naku kung nagkataon, Sunday pa ko makakanood, hindi ko kakayanin ang suspense!

Pwede na rin yung pagkapanalo nina Chip and Kim. Anyway, they look like a solid couple, mukhang stable ang marriage so malaking bagay yung 1 million dollars sa pamilya nila. Naawa lang ako dun sa Bowling moms kasi they've gone that far only to be defeated because they haven't the brute strength men have. Oh well, as far as I'm concerned, as a mom myself, I salute Linda and Karen for proving to the world that moms can still do a lot of great things beyond their homes and families. Proud ako sa kanila.

As to Colin and Christie, oh well, kakaawa din naman. All their efforts wasted. To think na malimit silang nagna-number one tapos natalo dahil sa freaky plane schedules. Blame the fog over Canada. Sina Brandon and Nicole, kahanga-hanga yung faith nila kay Lord at sa isa't-isa. I hope they end up with each other as life partners. They make a good couple.

Nakakatuwa naman na dalawa ang pit stops sa Philippines. Buti hindi masyadong naipakita ang mga pangit na tanawin dito. Mukhang impressed pa nga yung mga contestants sa El Nido. At napakita ang ating flag! Too bad walang ka-ide-idea yung mga contestants anong itsura nun talaga. At least now they know.

-----

The American-Pinoy Idol

Wow, nakuha ng Smart Mobile Communications si Jasmine Trias for their commercial! Para kumanta ng "Kailangan Ko'y Ikaw". Shucks magkano kaya binayad nila dun sa batang yun? Hmmmm, for sure in dollars. Pansin ko lang, ang hilig talaga ng Pinoy sa mga kababayang laking abroad. Kita mo naman, lahat na ata ng mga balikbayang hindi pinapansin sa ibang bansa (like Cindy Kurleto, the Turvey brothers or Donita Rose and Ariel Rivera dati) pagdating ng Pinas, madaling pasikatin. Hindi kaya dahil fascinated tayo sa accents nila? Cute nga naman pakinggan kahit na bulol-bulol mag-Tagalog. Oh well, that's colonial mentality for most of us.

-----

Entrepreneurship

Naku maloloka ako dito kay Leland! Ang aking panganay na nasa grade 5. Kahapon nag-kwento sa kin na malaki na raw ang kinikita nila ng classmate nya sa pagpapa-rent ng Pokemon. I was like "Huh? Anong pinapa-rent nyong Pokemon?"

Turned out na yung mga nabili kong second hand books sa isang thrift shop about Pokemons (isang parang directory ng mga dyaskeng pocket monsters at isang parang mini-novel featuring Mewtwo) ang pinapa-arkila ng enterprising na bata. Proud na proud pa na ang rates daw nila eh P1.00 pag half-hour, P2.00 pag 1 hour at P3.00 kung overnight. Hmmm, not bad.

Pero nung tinanong ko kung asan na ang kinita nya, ang sagot "Andun po sa classmate ko, sya ang treasurer." Ano kako yung pinapa-rent ng classmate nya. Wala daw, yung mga books lang nya. Ngak, eto ang hirap sa batang ito, medyo may pagka-uto-uto. Biro mong wala namang inputs si classmate eh sya pa ang humahawak ng kita. Tsk, sabi ko, "Ano yun hati kayo?" Hindi daw, kanya daw yung money pero pinatago lang nya muna kay classmate. Hay, napakamot na lang ako ng ulo.

Wednesday, September 15, 2004

Watch The Amazing Race!

I saw TAR via satellite kaninang 10 am (shempre ako pa eh talagang inaabangan ko yan every week!). May replay mamyang 6 pm and sa Sunday 7 pm on Studio 23.

Nood kayo kasi dito sa Philippines kinuhanan yung mga scenes. So far, wala namang nakakahiyang nangyari (like driver na nangingikil etc.). Helpful ang mga tao. Nakakatawa kasi pinag-kabit sila ng borloloy sa mga jeep at pinag-araro sa bukid. Luli Arroyo welcomed them to the Coconut Palace where the 12th pit stop is.

Yun lang. Aliw lang.

Tuesday, September 14, 2004

On A Lighter Note ...

Ho sya tama na ang senti. Pasensya na sa dark post ko sa ibaba. I just had to get that off my chest.

On the bright side, ibabalita ko lang na nanalo ng Spiderman shirt si Deden sa KZone magazine! Nagulat na lang ako nung binubuklat ko yung September issue and saw the list of winners para sa mga freebies. Bale, every month meron silang set of freebies to choose from tapos either mage-email ka or susulat through postal mail.

Since hindi na ako bilib sa koreo (ke mahal na nga ng postage stamps, ang bagal pa nilang i-deliver), nag-email kami ng mga bata last July. Ayun, si Deden ang isa sa mga napiling nagwagi. Inggit to the max ang Josh pero sabi ko marami pang next time.

So before umalis for Manila si Daddy, Sunday night, tinulungan ko sya gumawa ng authorization letter. Nakakatuwa kasi sya talaga ang nagsulat lahat ng "Dear KZone, Please give my Spiderman t-shirt to my Daddy. Thanks, Daniel" Kahapon, nag-text na si Noy na na-claim na daw nya from the Summit office yung shirt. Naku mukhang kay Josh din mapupunta kasi masyado pa raw malaki for Deden :P Excited pa naman si maliit.

Tapos etong si Leland, nagpabili nung pinakabagong kiddie comics mag ng Summit, yung Monster Allergy. Nakupo ayaw nang bitawan since last week. The next day nga nung binili ko yun, bitbit ni Josh sa dining table at binabasa habang kumakain. Napagsabihan ko tuloy. Pero bumilib ako dun sa dalawa dahil in one day, tapos na nila yung buong magazine!

Since then, every afternoon after school, kita ko si Leland, bitbit pa rin kasi drawing sya ng drawing ng mga characters doon. I have to read that thing soon to find out ano bang nakakahumaling sa story nya. Sobrang na-entrance itong mga bata, Leland wants to buy the succeeding issues aside pa sa KZone. Since sa ipon nya kinukuha ang pambili ng KZone, sabi ko pag-ipunan rin nya yung Monster Allergy. Ako kasi eh taga-bili lang ng first issue, afterwhich, bahala na sila kung gusto nila ituloy. Para matuto rin ng responsibility at pag-iingat sa sariling gamit. Which I've seen naman with the KZone issues bought since January this year.

Ayan, ang dilemma tuloy ni Leland eh parang gusto daw nyang i-stop muna ang bili ng KZone dahil mas type nya ang Monster Allergy. At least itong bago, every two months ang labas. Oh well, as long as those will get them reading, balak kong ako na ang sumalo nung Monster Allergy. Kung tutuusin, nagsimula din naman ang aking pagiging bookworm with Funny Komiks nung maliit pa ako. At take note, galing sa baon ko ang pang-arkila ko sa tindahan ng mga yun! Buti na lang nung nahumaling na ako sa Nancy Drew, Dana Girls, Bobsey Twins at Hardy Boys, libre ang hiram sa library ng school namin. Nakaka-ubos lang naman ako ng 4-5 library cards in a school year hehehe.

Kaya as early as now, kung anong reading material ang gustong basahin ng mga anak ko, go ako basta walang x-rated contents. I want them to grow up loving reading because I'm sure the knowledge and wide vocabulary they're getting from books will someday take them far into the world.
Losing a Loved One

Nung Sabado, dumalaw kaming mag-asawa sa burol ng isa nyang dating ka-opisina. Nakakagulat na sa edad na 38 aƱos, namatay si Joel dahil sa heart attack. Ni walang nakakaalam na may sakit pala sya sa puso. Shocked lahat kaming mga kaibigan nya nung nalaman namin.

Nakakapanglumo nung nakita ko ang nanay niya na nakaupo sa harap ng kabaong. Hinila ni Nanay ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi nya. It seems na malaking bagay nga yung mayroong nakakausap tungkol sa nangyari as a way of healing din para sa kanilang mga kamag-anak ng namatay. Nakinig na lang ako habang nagkuwento ng nagkuwento si Nanay tungkol sa kanyang pinakamamahal na bunso. Ang tumatak sa isip ko nung gabing iyon, yung sinabi nya sa aking “Naku Ineng, hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang mawalan ng anak.” And I have to agree. Hindi ko ma-imagine paano nakakayanan ng mga magulang ang pangyayaring nauuna pang lumisan kaysa sa kanila ang isang anak.

Naalala ko tuloy ang panaghoy ng lola ko nung namatay ang Tatay ko, “Bakit mo ako iniwan? Wala ng dadalaw sa akin sa bahay.” Si Tatay kasi malambing at maasikaso sa kanya. Nauuna pang pumunta yun sa bahay ni lola galing trabaho sa Maynila bago pa umuwi dito sa amin at palaging may bitbit na pasalubong gaya ng ubas at oranges na gusto nung matanda.

Nakuwento ko ang mga ito dahil sa nangyari sa akin nung Linggo ng umaga. Siguro nasobrahan ang internalization ko ng mga sinabi ng nanay ni Joel, nanaginip tuloy ako ng hindi maganda. For the first time sa buhay ko, nagising ako nung umaga ng humahagulgol. Hindi ako makausap ng asawa ko for several minutes dahil ramdam ko ang bigat ng dibdib ko dahil sa sense of loss.

As with all dreams, mayroong malinaw, mayroong unreasonable. Eto ang panaginip ko ...

Galing daw kami sa isang kasalan, ni hindi ko alam sino ang ikinasal pero malinaw sa panaginip ko yung mga tables sa reception. Umalis na kami para sumakay sa train at inilapag na ni Noy ang car seat ni James sa loob. (Sa mga hindi nakakaalam, si James ay isang special child na may cerebral palsy at hindi pa nakakalakad nor nakakaupo mag-isa). Bumalik daw ako dun sa reception para balikan yung small brown Bible ko at yung food container ni James.

Habang pabalik na ako sa train, nakasalubong ko si Noy and pinagalitan kong bakit iniwan mag-isa si James. Nung naglalakad na kami pabalik dun sa train, nakita kong eksaktong 11:00 sa wall clock nung station. Biglang nag-blow ang whistle at nagsimulang umandar yung train. Parang naging slow motion yung takbo namin at hindi na namin naabutan ang paalis na sasakyan hanggang mawala na sya sa paningin.

Dali-dali daw akong pumunta sa loob ng station para makiusap sa mga officials na i-stop ang train. Pero lahat ng nakausap ko, binale-wala ako. Walang gustong tumulong. I’ve decided to buy tickets para sa susunod na train. At this point parang naging mala-MRT ang dating nung place na every 10 minutes may darating na train. Inisip kong ako na lang ang sasakay hanggang dun sa dulong station habang si Noy eh maiiwan para i-check ang lahat ng pabalik na trains kung andun si James.

At this point, parang sasabog na ang dibdib ko sa pag-iisip na baka hindi ko na makita kahit kailan ang anak ko. Na baka mahulog yung car seat sa bench at walang makakita. Andun yung despair na baka nasasaktan na ang anak ko at wala ako sa tabi nya.

At habang naghihintay daw ako dun sa sunod na train, nakita ko ang panganay naming si Leland na tumatawid dun sa riles. Sumisigaw daw ako pero biglang may dumaang pulang kotse doon (imagine, riles ng tren may kotseng dumaan!). Pagkalampas ng kotse, umiiyak na si Leland dahil nadaan ng gulong ang paa nya. I began screaming and crying na bakit ang tigas kasi ng ulo nya.

It was then na naramdaman kong ginigising na ako ni Noy. Ang hirap bumalik sa reality. Dala ko pa rin yung sakit ng loob na nararamdaman ko sa panaginip. Iyak ako ng iyak at sabi ng sabi ng “Si James! Si James!”. Grabe, ang weird ano? Pagkakita ko kay James na naka-upo sa car seat nya at masayang nanood ng TV, super ang naramdaman kong relief and pinaghahalikan ko sya.

Na-rattle talaga ako sa panaginip na yun. Pero ayokong mag-isip na meron syang malalim na ibig sabihin, lalo pa’t 7th birthday ni James sa Sabado. Hindi ako superstitious na tao. Lalo nang hindi mo ako mapapaniwala sa mga sabi-sabi na walang basis. Ang belief ko, sa Diyos lang tayo dapat umasa para sa kinakahinatnan ng buhay nating lahat. Kaya ang paniniwala ko, dala lang yun ng matinding emotions na nasagap ko dun sa burol. Yun lang, wala ng iba.

Salamat sa pagbabasa. Ang haba ‘no? As with most of the things na gumugulo sa isip ko minsan, I write them down as a form of release, not necessarily to be able to analyze and understand meanings right away, but simply as a way of eliminating the negative vibes. Before I wrote this, may remnant pa kasi nung mabigat na feeling sa puso ko, na hindi ko naman maipaliwanag. So I’ve put it in writing.

I feel better now ...


Friday, September 10, 2004

Home Away From Home

Galing ako sa Manila kahapon. Dinalaw ko sa hospital ang pamangkin ko who had an operation. Medyo late na ako nakauwi and sa kagustuhan kong makapagpahinga na sa sariling bahay, sumakay na ako ng bus kahit hindi airconed.

Buti na lang Mission Impossible 2 ang palabas na video. At least hindi boring. As we travelled along, nag-penetrate sa mind ko yung sound ng wind chimes. Noon ko lang napansin na meron palang nakakabit dun sa may rear view mirror nung driver. Upon closer observation sa harapan ng bus, naaliw ako bigla sa mga nakita ko...(pop quiz: do you ever stop and LOOK at things like those?)

1. May tatlong laminated pictures dun sa wall sa bandang taas ng bintana ng driver. Ang laman? Left, right at center views na itsura nung bus! Hahaha, walang biro, yun ang nakalagay. Parang yung kuha pag binu-book ang mga kriminals ... "harap sa kaliwa, sa kanan naman, o ngayon tingin ng diretso"... Ang kinatuwa ko, under the pictures, may lettering na "God bless our trip." Approve sa kin yun!

2. May kurtina ang buong itaas ng windshield. Very homey ang dating!

3. Sa windshield pa rin, naka-suction cup hooks ang iba't-ibang klase ng abubot. Parang yung mga crystal swans at hearts na pinamimigay as souvenirs sa mga kasal. Pero I guess made of plastic lang yung nasa bus or mababasag sila everytime na babangga dun sa salamin. Pramis, from left to right ng windshield, meron. Siguro nasa 20 ring objects yun.

4. Sa itaas naman ng pinto, me picture frame ng mga kotse. Tapos sa magkabilang sides, yung mga maliliit na posters na may kahoy sa taas at baba para hindi malukot. Hindi ko mabasa ang nakasulat kasi maliliit ang letters at malabo ang mata ko hehehe.

Nakakatuwa yung driver kasi he made it a point na pagandahin yung bus nya the way he wanted it to, siguro dahil na rin sa doon nya ginugugol ang maraming oras sa maghapon nya instead of sa bahay nila.

Masasabi ko lang, iba talaga ang Pinoy. Kahit saan pwedeng maging at-home!



Wednesday, September 08, 2004

Scary!

Kahapon nag-panic ang maraming depositors ng First Savings Bank. Bigla kasing nag-declare ng bank holiday ang establishment -- meaning, walang pwedeng mag-deposito ni mag-withdraw ng pera. Kawawa nga yung isang mama na galing pa somewhere sa norte na namasahe ng P200 para maka-withdraw ng money, tapos nauwi sa wala. Mangungutang na lang daw sya ng pamasahe pauwi. Tsk, tsk, tsk.

Assurance ng Central Bank, insured daw sa PDIC ang mga deposits ng mga tao. Pero naman! Tama ba namang paghintayin mo ang mga nangangailangan ng pang-gastos lalo na para sa emergencies?

Buti na lang, secured ako sa BPI. Marami pang perks ang maging member doon. Satisfied customer ako sa totoo lang. Bakit? Let me count the ways:

1. BPI ATMs are situated in almost every town you pass -- meaning hindi mo kailangang maghanap ng ibang banks na connected sa Expressnet to withdraw and thus makaltasan ng transaction fees.

2. Easy bills payment thru web or fone -- hindi na ako pumipila pagbabayad ng PLDT bills! At kahit madaling araw na kapag naalala kong due na ang payments namin, nakakabayad ako within minutes.

3. Easy checking of balance -- lalo na pag naubusan ako ng budget at nagpa-deposit ako sa mabait kong asawa sa account ko pag nasa Manila sya, I check first thru express fone kung pumasok na bago ako lumakad papuntang bayan to withdraw.

4. No extra charges when depositing to other accounts over the counter -- dati very disappointed ako with Metrobank when I donated to the 700 Club kasi me charge silang P100 pala. Kesa pandagdag na dun sa charity, sa kanila pa napupunta yung extra money. Hindi na tuloy ako umulit :( Buti na lang ang World Vision, BPI ang account so walang problem when depositing financial support para dun sa sponsored child namin.

At marami pang iba ... Heniways, ang bottomline lang naman na gusto kong iparating ... mag deposit kayo sa isang bank na siguradong kasama nyo for the long haul ... yung hindi likely maba-bankrupt ... sa hirap ng buhay ng mga Pinoy ngayon, we can't afford to lose our hard-earned money in the most incomprehensible and unjustifiable ways ... kasalanan pa rin ba ng depositors ang kapalpakan sa investments ng mga bank officials??? ... kahit pa sabihing mababawi rin yung pera soon, what if hindi soon enough yung pambili ng gamot ng isang naghihingalong pasyente? o pambili ng pagkain para sa mga anak na nagugutom?

Hay buhay, parang life ... (pahiram nga Cindi lab).

Saturday, September 04, 2004

On RBTs at Ring Tones

Mahina ang signal ng Globe dito sa amin. Kelangan mo pang pumunta sa second floor terrace ng bahay para lang maka-text. Minsan nga mukha na akong manekin dun dahil odd angles ang pose ko ma-retain lang ang signal habang nagse-send ng messages. Meron na nga kaming parang holding box ng celphones na nakakabit sa pintuan ng terrace dahil dun lang talaga nakaka-receive ng messages ang mga telepono namin. Lahat kasi kami sa family, naka-Globe (kaming mag-asawa, si Nanay, pati mga kapatid ko sa Manila, asawa nung isa at GF naman nung isa). Mas madali kasi ang sending and receiving kapag same network kaya lahat kami yun ang kinuha. Lately lang ako nadagdagan ng Smart number dahil sa e-load biz ko.

Ang nanay ko, shemps medyo matanda na, nagiging impatient na kapag nakaka-lima na syang "message failed" tuwing magte-text. Nakakaasar naman talaga kalimitan lalo na kapag may nagpapa-load sa akin na Globe or Touch Mobile tapos ang tagal bago maka-send. Mantalang pag yung Smart kahit sa may gate ng bahay namin, solve na solve ang reloading. Since teacher si mader, nasa-school yan maghapon (mga 5 mins. away lang) during weekdays. Ang siste, kahit doon sa school nila, walang silbi ang Globe. Kaya ayun, hindi na lang nya dinadala. Ang dami na nyang na-miss na important messages minsan kasi gabi na nya nababasa. Kapag pupunta na lang sya ng bayan or Manila saka bitbit ang cel nya.

Nung nagka-Smart ako last June, nakita ni Nanay (at ako din!) yung convenience na kahit dun sa sala namin sa baba nakaka-text ako. Ayun, nag-decide na syang lumipat sa Smart. Lahat kasi ng co-teachers nya maging mga studyante, naka-Smart na. Marami ng naglipatan dahil sa frustration na hindi na ata lalagyan ng cell site malapit dito sa min.

So kahapon bitbit ko ang cel ni mader sa San Pablo at ipina-openline ko. Pinapalitan ko na rin yung sim nya sa Smart Wireless Center. Natuwa ako nung nalaman kong walang charge ang sim-swap (kasi sa mga repair centers, may bayad na P50). Kaso lang, nung palabas na ako, sabi nung guard, punta daw ako dun sa customer assistance kasi kelangan ma-record sa computer ang new number. Ack, required palang mag-purchase ka ng ring back tune (RBT) kung nag swap ka ng sim. Ngek, me hidden charges pala!

At dahil nagmamadali na akong makauwi (hapon na kasi and parating na ang mga kids sa bahay from school) hindi ako nakapili ng matino. Wala pang masyadong choices. Ke papangit! Kinuha ko na lang instrumental na jazz tune. Kesa naman yung mga boses ng artista or movie lines, ngii! Pinalagay ko na lang sa number ko kasi for sure, hindi naman maa-appreciate ni Nanay yung RBT noh. Although parang gusto ko na ring tanggalin sa fone ko kasi hindi ako satisfied. Kainis, P30 down the drain...

Tapos kagabi, while surfing the net, naisipan kong tingnan sa Smart website ang complete listings ng RBT. Hay, wala pa rin akong mapili talaga. So naisipan kong maghanap na lang ng free ring tones. Matagal ko na kasing gustong magka-ring tone ng Corrs songs kaso di ko alam san kukuha. Wala pa rin akong nakitang site na may free download dito sa Pinas. Puro UK or US. Pero me na-discover akong site na maraming ring tone codes, complete with instructions pano mo ie-enter sa composer yung codes. Ay happy, happy, happy ako dahil I was able to successfully encode sa fone ko yung "What Can I Do" na tune! Yun na ang ring tone nung isang fone ko ngayon :)

Want to visit the site? Punta lang kayo sa Atomic Bliss to check out the 1000+ ring tones they have there.

Friday, September 03, 2004

Ang saya-saya!

Sa tinagal-tagal ko na dito sa blogger, kahapon lang ako finally natutong mag-lagay ng photos sa blog. Ke hirap naman kasing intindihin yung html codes about images sources chuva. Buti na lang natagpuan ko ang flickr.com dahil sa blog ni Daddy Pepe (salamat Itay!) at nadiskubre kong hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko!

Ayan at pati yung Daily Zeitgeist (don't ask me the word origin at dehins ko alam) eh kinareer ko na. Ang cute ano? (Tingnan sa bandang kanang ilalim ng aking blog). Kahit unang rinig eh mapapakunot ang noo mo hahaha. Mangha talaga ako sa dami ng pwedeng gawin sa loob ng internet.

Now, if only I can get the haloscan comments to work, mas lalo akong magiging happy. Enjoy viewing my kids' pictures! Ang cute nilang lahat ano? :D (pagbigyan nyo na ako, nanay eh)

Wednesday, September 01, 2004


Aliw!

Humabol sa Linggo ng Wika ang school ng bunso ko. Nung Lunes (August 31), naka-schedule ang Filipino speaking contest nila. Last week, pahirapang i-practice itong si Daniel dahil malimit niloloko ang pagre-recite. Pasaway talaga!

Eh nung Linggo ng gabi, ako na ang nagpa-panic kasi kahit alam na nya yung lines and actions, may times na nakakalimutan nya yung entrada ng second stanza. In the middle of the poem, biglang matutulala tapos titingin sa akin na nanlalaki ang mata at sasabihing "Ano kasunod?!" Sus, everytime na lang na kasali sa speaking contests mga anak ko, pati ako saulado ko na ang piece :P

So yun, nung Lunes ng umaga, si kulit na ang namilit sa akin na magpa-practice pa daw sya. In fairness, sineryoso at kinareer ng batutay ang pagre-recite. Nung palabas na sila ni yaya sa gate, nagdasal na lang ako na sana ma-deliver nya ng buo at maayos yung tula at hindi makalimutan ang actions.

Pag-uwi nya nung hapon, sabi agad sa kin "Mommy sabi ng kaklase ko ang galing ko daw!" Nung tinanong ko sino ang nanalo, ang sagot nya "Wala, talo kami lahat." Ngek! To the rescue si yaya, kinabukasan pa daw ang results.

Eh kahapon, absent ang teacher ni Deden so walang naging announcement. Kanina, pagpasok pa lang sa pinto ng bahay, ang lakas na ng boses at nagtatawag na may ipapakita daw sya sa akin. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan sabi nya agad "Mommy, me medal ako!" Naku na-excite ang nanay bigla. Dagdag pa ni yaya "Ate, first place si Deden." Ang taas tuloy ng pitch ng boses ko nung nasabi ko yung "Talaga?!"

What's more, bitbit ni bata ang envelope ng mga periodical exams nya. Wowee, 94% ang lowest nya at 99% ang highest. Hay, nakakatuwa!
News Briefing

I was able to catch the evening news yesterday and today. Merong nakakalungkot, nakakainis, nakapagbibigay pag-asa at nakakatuwa…..

· Marami pa ring mga apektado ng bagyo last week. Nakakaawa yung mga pamilyang nawalan ng kaanak at tirahan. Sana makabalik na sila sa normal na buhay soon.
· Nabuking sa pamamagitan ng calibration tests na marami palang gasoline stations ang kulang sa ikinakargang langis sa mga sasakyan. Hay buhay, hirap na nga ang mga Pinoy, nadadaya pa. Sabi nung isang oil company representative, natural lang daw yung under or over-selling dahil makina daw ang ginagamit so nagkakaron ng margin of error. Hello?! Matino bang depensa yun habang nagpapakahirap ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na kitain ang pambili nila ng diesel? Banggit nga nung isang government official, around P20-30 lang naman ang bayad sa calibration, bakit hindi magawa ng mga oil companies? At eto ang mga stations na natagpuang nandadaya in particular order: Shell (pinakamarami – 22 branches!), Caltex, Sea Oil at Petron. Kaya mga kapuso (hahaha halata bang maka-GMA 7 ako?) maging vigilant sa pagpapa-gasolina ng inyong mga sasakyan!
· Bumibilib na ata ako kay General Aglipay ah. Mukhang desidido na syang patinuin ang kapulisan. Magkakaron na daw ng pin na “bawal ang kotong” ang bawat pulis, lagot daw sa kanya yung mga natutulog sa loob ng mobile patrol cars na nagpapalamig sa aircon at yung mga naggo-golf during weekends. Naku sana, sana, sana, hindi ningas-kugon ang lahat ng iyon. Sana nga tumino na ang police force kasi sa totoo lang, wala na akong tiwala sa mga pulis. Ang dami na naming bad experiences sa mga yan and to date, sadly wala pa akong nami-meet na matino talaga na alagad ng batas.
· Pahirapang pakiusapan ang nangyari between Sec. Boncodin and congressmen para sa pag-cut ng pork barrel budget (uy tumataginting na less 40% daw yun!). Shemps alma to the max yung ibang congressman dahil malaki ang mababawas sa pangtago sa kanilang mga bulsa. What’s heartening is, yung mga baguhan and medyo bata pa ang mga willing mag-initiate ng change within the congress. At say nyo, nag-donate na si JDVenecia ng P1M para daw sa gobyerno. Nagsisunudan naman ng tig P100K yung mga young congressmen like Zubiri and Escudero. Me proposal pa na kung pwede nga daw i–donate ng bawat congresista yung isang buwang sweldo nila (na P35,000/month lang pala! Nag-isip tuloy ako na malamang ngang nangungurakot ang iba sa kanila dahil hindi kaya ng 35K ang luho ng maraming lokong mambabatas) para makalikom ng P7-8B to help the government with. Ang tanong: mag-push through naman kaya??? Maiiwasan ko bang hindi mag-doubt based on the bad performances of many government officials in the past? Abangan!
· Nai-transfer na ng hospital sina Carl and Clarence Aguirre. Amazingly, mabilis ang recovery ng dalawang angels na ito. Sana nga eh tuloy-tuloy na ang paggaling nila.

And that’s the news for today. Nagmukha na ba akong news anchor? La lang, concerned kasi ako sa mga nangyayari sa bansa at mga kababayan natin. Kahit man lang sa pamamagitan ng dissemination (aba, siguradong may napulot kayo kung hindi kayo nakanood ng news kanina!) at panalangin makatulong ako.

Related Posts with Thumbnails