Help Make a Difference

Saturday, November 27, 2004

Mantika

Kalat na kalat ngayon ang mga Virgin Oil ek-ek. Kakanood ko lang kanina sa news na mag-ingat sa mga peke. May mga manufacturers palang naghahalo ng ibang oils dun sa virgin oil para ma-dilute para nga naman mas marami ang kita nila. Ang sasama ano? Kay dami talagang mahilig mandaya ng kapwa, tsk, tsk, tsk.

Pero noon ko pa napansin yun! Kasi yung mommy ng mga friends ko, gumagawa sya ng homemade virgin oil. Binigyan nya ako ng isang bote dati para daw i-try ko kay James kasi nga, marami na syang kakilala na natulungan daw nun.

Etong nanay ko, binigyan din ng isang pinsan nya ng isang bote ng virgin oil, commercialized at may label na maganda. At dahil malamig dito sa amin sa probinsya, natural ang karamihan ng mantika nakakatulog, (pwera sa corn oil at olive oil sa aking observation) lalo na ang mga coconut oil na ginagamit sa kusina. Nagulat ako isang umaga, tulog-mantika ang virgin oil ni mader! Sinilip ko yung sa amin, wow, clear as water. Fluid na fluid kumbaga.

Tapos ang sister ko, binilhan din si nanay ng isa pang bote. Commercialized pa rin at may seal of approval from Dr. Conrado Dayrit (whoever he is). Ack, tulog din! Ke mamahal ng benta nila tapos hindi naman pure ang laman. Kainis. Buti na lang itong nasa akin, libre na nga, genuine pa!

Ang ikinatutuwa ko dun sa nagbigay sa akin, tinuturuan nya ang mga kakilala nyang may ailments para gumawa ng sarili nilang virgin oil. And she’s very kind to warn them na huwag gumawa ng maramihan tapos hindi sigurado ang quality. Kung may oorder daw, saka lang gumawa ng marami-rami pero ang mag-focus sila, yung pang-sariling gamit.

And believe me, dini-describe pa lang nya sa akin ang process (purely by hand), napapagod na ako. Ang tamad ko talaga sa mga ganung work :P Pero siguro, kapag nakitaan ko talaga ng big change si James after the one tablespoon a day na binibigay ko sa kanyang virgin oil, baka sakaling sipagin na akong gumawa. But for now, yung next bottle na kakailanganin namin, bibilhin ko muna dun sa tita ko hehehe.

Thursday, November 25, 2004

Christmas is for kids

Most of us must have already decided about what to give our kids, nieces, nephews and godchildren for Christmas. How fortunate these children are, having people who care so much that they are sure to receive not just one or two gifts but lots.

But can we stop for a moment and think of the thousands of poor children in our country? Kids whose only wish for Christmas may be perhaps three complete meals just for that special day, or to be able to hold even a tiny doll or toy car in their hopeful little hands.

Help change a poor child and his family’s lives now! Give the Gift of Hope and sponsor a child today!

For only P450 a month or P15 a day, you can already send a poor child to school, provide him/her with basic necessities and health care; help him/her develop good values, and assist his/her family and community put up livelihood projects that will eventually help improve their way of life. This is made possible by pooling your monthly child sponsorship donation with those of other child sponsors.

World Vision has been helping poor Filipino children since 1957. Over 200,000 kids have already benefited from World Vision’s child sponsorship program. Currently, more than 88,000 poor children nationwide are under World Vision’s care.

Please join the vision of sending every poor child to school by sponsoring at least one child now. YOU MAY NOT BE ABLE TO CHANGE THE WORLD, BUT YOU CAN CHANGE THE WORLD OF ONE CHILD.

Visit the World Vision booth in Glorietta now. They will be there until the end of December. Inquiries on how to sponsor a child are welcome at 372-7777 or contact Mr. David Liban Jr. at 0927-5612704. You can also visit their website at www.worldvision.org.ph

*On a personal note, may I share with you that my husband and I decided to sponsor a six-year-old girl last year (the same age as our James who is a special child but is not able to go to school due to his disability) and we are sure glad we did. I am blessed by how much Rutchie (that’s her name, close to mine) has grown from the first picture I saw of her last year to the annual report sent to us lately. We correspond through letters (coursed through WV) although her mom is the one who’s writing for her as Rutchie is still young and can’t write long letters yet. She was an honor student in her preschool class last March and how that made us so proud of her! Nowadays, when I’m buying stuff for my four boys, I would also be thinking of her and wonder what she’d like to have. We have sent her simple gifts already and she wrote back how much she loved them. That sure warmed up this surrogate mommy’s heart :)

Thank you for reading this far. I pray that God will touch your heart today.

Friday, November 19, 2004

Argh!

Hindi makatarungan ituuu!

As I’ve posted last night, ginawa akong speaker ng nanay ko sa career orientation nila sa school. Ang required lang naman daw, mag-share ng mga requirements, things to expect, joys and frustrations of the course you finished and job opportunities after graduation. Dapat around 15 minutes lang daw tapos Q & A portion na after.

Nakah, in-assign ako ng 9 a.m. Nagbibihis pa lang ako around 8:45, (five minutes away lang by tricycle yung school) tumawag na si mader at bilisan ko daw kasi patapos na yung susundan kong speaker. So bilis-bilis ako. Mega-guilty pa kasi hindi maganda ang gising ni James at iyak ng iyak nung nakitang paalis ako. Wa naman akong choice kasi nga duty to my motherhood ang role ko kanina. Ibinilin ko na lang sa yaya pero kung may choice lang ako, hindi ko iiwan ang anak ko.

Pagdating ko doon, aruuu, yung speaker hindi tungkol sa course na kinuha nya ang inile-lecture. As in parang sermon type na kesyo “wag nyong sayangin ang pera ng mga magulang nyo, wag kayong magbubulakbol, dapat laging makikinig sa lecturer etc. etc.” My initial thought was, shempre naman na-instruct na ng adviser nila ang mga 4th year students na yun about that. Ang required lang naman dito sa ale na ito eh yung tungkol nga sa course nya nung college.

Alam nyo bang halos one hour, one hour! akong nakaupo dun sa side ng stage dahil love na love ng ale na yun ang sarili nyang boses at “intelligence”. Halos wala ng nakikinig sa bandang likod kasi nga boring na. Kung di pa sensyasan ng nanay ko na tumahimik hindi titigil ng daldal ang mga studyante. What can you expect di ba? Kahit nga ako, nagpipigil ng maghikab. Kulang pa naman ako sa tulog kasi 3 am na ako natapos sa article assignment ko na kinailangan kong i-submit kanina.

Nagsalita din si speaker tungkol sa course nya siguro 5 minutes bago nya tinapos ang kanyang looooong talk. Ang masaklap, by then nag-decide si mother na mag-break muna ang mga bata kasi nga daw baka wala ng makinig sa akin pag ako na ang nasa harapan. Tsk, buhay naming ititch! Sana nag-stay na lang ako ng matagal-tagal pa sa bahay kasama si James.

Finally, ako na ang taya. May one page outline akong ginawa para guideline ko kung ano ang mga dapat kong sabihin. At na-follow ko naman yung 15 minutes na allotted time. Pansin ko lang, hindi ako inabot ng time na nabo-bore na ang mga studyante and I just hope may napulot talaga sila sa pinagsasabi ko. Oh well ...

Thursday, November 18, 2004

Walang Lusot

Hay ang nanay ko talaga! Ayun, may career orientation sa mga 4th year students sa school nila, manduhan ba naman akong magsalita daw about my course in college (BS Development Communication). Aside from being the adviser of their school paper at naghahandle ng English at Math subjects, guidance counselor din sya kaya sya ang in-charge sa mga ganitong chuvaloo. Sabi ko nga, kaya nga ako writer, hindi ako comfortable na maging speaker, ako pa ang pagsasalitain. Sige na daw at wala ng iba. Ack!

Kaya ayan, sa halip na naggagawa ako ngayong gabi ng article, kinailangan kong gumawa ng outline sa mga dapat kong pagsasabihin bukas. Sus, para namang kailan lang ako nag-graduate ano. Eh naka-isang dekada na since nag-martsa ako sa UPLB Field at nagsuot ng toga. Buti na lang may naaalala pa ko kahit konti. Problem is, I’m sure some of what I remembered during my time, hindi na applicable sa generation ng mga studyante ngayon. Oh well, kahit na daw sabi ni maderhood.

Wish me luck! Tsk, kailangan ko tuloy gumising ng maaga niyan bukas. Wag sana akong magmukhang vintage dun sa mga batang makikinig. Ngiii, kung pwede nga lang na wag na ... ayoko sanaaaaaa!


Come Again?

Sa isang video store, nagtanong ako kanina "Meron ho ba kayong CD ng The Corrs?" since kulang pa ang collection ko ng albums nila eh 'lam nyo naman humaling ako sa bandang yun (di ba Kristen? hehehe).

So flip yung mama ng mga naka-stack na CDs. Ang punchline? May iniabot sa akin "Ito o." Pagtingin ko, ang nakalagay sa harap ng CD case -- THE CURSE. Patay!

Tapos lately, etong bunso ko napapansin ko, tuwing magpapatimpla sa kin ng gatas, ang request nya "Mommy, timpla melk." Inaykupo! Nahawa na kay yaya. Kaya pilit ko tuloy ngayong kino-correct as much as possible ng "Anak, milk! Please say milk!"

Isa pang incident, habang nanonood kami ng TV, lumabas ang commercial ng Dumex. Since nabigyan kami dati ng isang box nun as sample sa isang Mommy Academy event, naalala ni Deden. "Mommy, bilhan mo ko ng Dumex," sabi nya. Hindi pa man ako nakakasagot, sumabat si yaya ng "Dumex? Aanhin mo yun eh panlinis yun sa toilet!" Nyaaaaah!

*note: This post is only meant to recount true-to-life events. Wala po akong intention na mang-offend ng mga kababayan kong may ibang accents. Pasensya na po kung isa kayo sa naasar, but I wanted to share lang these stories to show fellow Pinoys how diversified we are and how it’s affecting a lot of areas in our lives. No offense meant, really. Peace!

Wednesday, November 17, 2004

Tanong

Kahapon, pagkatapos kong pakisuyuan si Deden (for the nth time siguro) na may gawin for me, "Anak paki-baba naman itong glass sa kitchen o." Titigan ba naman ako ng diretso at nakakunot ang noong sinabi "Hmp, bakit ba Mommy ang mga matatanda, ang hilig-hilig mag-utos sa mga bata?" Hahaha, nag-iisip!

Sagutin ko nga ng "Bakit ikaw ba hindi mo ko inuutusan? Di ba pag nasa CR ka, sasabihan mo ko ng 'Mommy hugas pwet!' o kaya pag may gusto kang bilhin sa store inuutusan mo ko ng 'Give me money please,'? Natameme sya.

Maya-maya, tumingin ulit sa akin "Ok, ibababa ko na ang glass mo."

And that was the end of the conversation.

Sunday, November 14, 2004

Kudos to KFC!

Yesterday, nagpunta kami sa Perpetual Hospital sa BiƱan para sa check up ni James with his pedia-neuro. Sa sobrang traffic sa Calamba, hindi kami umabot sa clinic hours ni tita doc! Buti na lang meron pa syang clinic ng hapon sa Pacita Complex sa San Pedro kaya binalak naming sumunod na lang doon.

Along the way, ginutom na kami kasi around 1 pm na yun eh. So nag-stop over si hubby sa Caltex station sa South Superhiway. Yung katapat ng Petron. Type daw ni Deden mag-KFC (sumabit sa lakaran) so dun kami pumunta. Pagkakita pa lang ng Chuckie Meals poster, ayan na, “I want the Astroboy watch Mommy! Dapat bilhan din sina Kuya ha.” Thoughtful talaga itong si bunsoy, kahit hindi kasama ang mga kuya, parating naiisip pasalubungan bago umuwi.

When I got to the counter, nyay next week pa daw available ang watches. In the words of the counter crew, “Mam, balik na lang kayo next week. Yung Astroboy tower na lang muna ang bilhin nyo.” Ngek! As if ang lapit ng bahay namin ano?! Pero instinct ko, meron silang available na watches na, kaso utos nga ng management, isa-isa lang per week ang dapat ilabas. Wala pa namang KFC sa San Pablo!

At dahil nanay, na kahit papano eh kailangang gumawa ng paraan, nag-try ako makiusap. “Naku, taga-Laguna pa kami, hindi naman kami makakabalik na next week para lang sa watch. Baka pwedeng ngayon na?” Tamang-tama dumaan yung manager who overheard me. “Sige, bigyan mo na si Mam,” sabi nya. Wow, ang bait!

So nung nag-oorder na ako, sabi sa kin ng crew kung ilan daw Chuckie meals. “Pwedeng tatlo?” tanong ko kasi shempre kelangan bilhan din sina Leland at Josh. Si James naman walang say sa ganyan kasi hindi naman sya pwedeng mag-watch. Ngumiti yung crew, oo daw kasi approved na nung manager.

Kaya ayun, si Deden, si Geff at ako, puro Chuckie meals ang kinain. (Si James kasi naka-tube feeding and hindi kayang kumain ng maayos through the mouth kaya sa van ko sya pinakain). Dahil lang sa watch :P Ang isa pa palang natuwa ako, ang drinks na kasama ng Chuckie meals, hindi softdrinks (gaya ng ibang fastfoods) kundi cold chocolate milk! Now that’s a good thing for kids. Approved na approved sa nanay na ito! Tinulungan pa ako nung crew na magdala nung isang tray papunta sa table namin. Maganda ang training nila, in fairness.

Lastly, may I recommend the Asian Chicken salad nila. Panalo! (Daniel’s comment when he saw the salad container “Ay alam ko yan, yan yung sa brownout!” hahaha). Kasundo ko ang timpla ng vinaigrette dressing and I love the overall taste kasama yung mga veggies, chicken and fruit (mandarin orange segments). First time ko kasi nag-order sa KFC ng salad. Usually sa Wendy’s ako bumibili … kasi habol ko yung jello hehehe.

Basta, two thumbs up sa akin ang KFC kahapon. Very nice customer service. Sa susunod na mags stop-over ulit kami sa Caltex station na yun, whenever that may be, we’ll be sure to come back. to the KFC branch there. Now that is effective marketing strategy!

Saturday, November 13, 2004

Computer-less

Hay ano ba ituuuu! Sira pa rin ang monitor ng PC ko. Magwa-one week na sa computer technician hindi pa rin ibinabalik sa akin. Hindi pa nila yata nahahanapan ng spare parts. Good thing nakahiram ako sa sister ko ng monitor nung isang araw kaya kahit papano, nagagawa ko ang mga article assignments ko.

Buti na lang may option itong blogger na pwedeng baguhin ang date posts. Kaya kung may regular readers nitong blog ko na makakapansin, biglang may lilitaw na post na several days ago ang nakalagay although recent ko lang na-post. Eh kesa naman maipon sa iisang araw yung mga naka-save kong pang-chika, hinihiwalay-hiwalay ko kunyari ang dates. Para din hindi mawala ang essence ng time (kahapon, kanina etc.) sa mga happenings na kinukwento ko.

Anyways, thanks for visiting and I hope you’re all doing great today!

Tuesday, November 09, 2004

UPLB kong Mahal

I always love going back to Los Banos. Kanina, nag-interview ako ng isang ka-batch ko nung high school sa Pleasant Village for an article I'm doing. Afterwhich, diretso ako sa College of Human Eco para dalawin ang high school kaberks kong si Angie. Hindi kasi kumpleto ang punta ko ng LB kung hindi ko makikita kahit isa sa mga barkada ko.

Tapos on to IRRI to visit a fellow pinoywriter. Tuwa naman ako kasi madali na ring dalawin si Inez. We had a great time telling stories and catching up on each others' lives sa IRRI cafeteria. Sarap talagang humagalpak ng tawa with a good friend.

Final stop ko, sa Maahas where the family of another set of friends lives. Shempre dun na ako naki-dinner. Parang nanay ko na rin ang nanay nila and it's really a second home to me. Kahit nga asawa ko, malimit dumaan doon. Sulit ang day-off from house chores ni Mommy!

Hay, kelan kaya kami makakabili ng bahay sa Los Banos at nang dun na talaga makatira! Sobrang at home talaga kami sa place na yun.

Senti mood ... longing for our own nest in LB ... hoping it would be sooner than later ... Waaah! For now, dalaw-dalaw malimit. Ika nga ng isang article na na-forward sa akin dati "Basta meron ang UPLB na babalikan at babalikan mo." At ganun na nga ang ginagawa ko, every chance I get.
Napansin ko lang ...

Nung papasok na ako ng Megamall kahapon, dun sa Bldg. B malapit sa Supermarket, magkaiba pala ang entrance ng mga babae at lalaki. Dun sa mga pang-guys, isang security guard lang ang nakabantay at diretso lang ang pasukan. Dun sa pang girls, may lamesa at may division na tali -- with bags and without bags. Hahaha, katawa talaga dahil na-anticipate na siguro nila na mga babae naman talaga palagi ang may karay-karay na bag tuwing lalabas ng bahay.

Wala lang :)

Tuesday, November 02, 2004

Todos Los Santos

May text akong natanggap two days ago. Ang message: “Save urself d trouble w/ traffic at cemeteries. DO NOT VISIT ur departed loved 1s anymore. Instead, ask dem 2 VISIT u. Its more personal and meaningful.” Tawa tuloy ako ng tawa. Ngii! Katakot pag nagkataon.

Pero may point yung text ha. Kasi if we are to talk about visiting say, Manila Memorial Park ng October 31 or November 1, hinding-hindi na talaga ako mahihila dun! I’ve experienced going there once ng ganong mga dates at ayoko nang umulit! From Sucat interchange pa lang, aabutin ka ng more than 1 hour para makarating sa gate ng sementeryo, tapos another hour just to get in and find a place to park! Tapos pag dating mo sa puntod, ang lamok na nga, ang lamig-lamig pa! Not to mention the very smelly and dirty comfort rooms na malapit dun sa plot kung saan nakalibing ang father in law ko. Kaya sabi ko kay hubby, next time, mas maganda sigurong dalawin na lang namin ang tatay nya nang walang okasyon.

Dito naman sa province on the other hand, ok dumalaw sa patay. Bukod sa hindi ganun karami ang gumagamit ng kotse papunta doon na ibabalandra lang sa daan, mas madaling mag-tricycle or jeep na lang papuntang sementeryo. Pag dating doon, enjoy pa ang tambay sa puntod kasi marami kang makaka-kwentuhang mga kakilala, dating kapitbahay, kamag-anak at kaibigang matagal mo ng hindi nakikita. Puntod-hopping kumbaga hehehe.

Bonus pa kahapon yung nalaman naming, may liquor ban na pinatupad ang mayor. Ayos! At least kahit magsidatingan ang mga maglalasing na medyo nakainom na, nahulas-hulasan na sila ng malamig na hangin habang naglalakad papunta doon kaya matino-tino nang kausap ang karamihan. Walang basag-ulo, masaya ang lahat.

Kayo, kamusta ang bakasyon nyo?

Related Posts with Thumbnails