Help Make a Difference

Monday, September 22, 2003

Yehey! Nag-start na new season ang Survivor! Ewan ba at sa lahat ng reality shows, ito lang at ang Amazing Race ang talagang pinapanood ko. Kahit pa merong mga rumors na maraming peke sa production – like hindi naman daw talaga ginugutom ang mga players at etching lang ang mga hirap nila dun, enjoy pa ring panoorin. At least yung challenges mukhang totoo naman. Nakakabilib lang kasi what people would do just to win a game. Naalala ko isang season, merong mga naglagay ng fresh fish (as in hindi luto at siguradong super lansa) sa bibig nila, aside from dun sa hawak ng kamay, during a challenge para mapadali ang paglipat ng mga isda from one container to another. La lang, naa-amaze lang talaga ako sa capacity for a lot of things ng human race.
On --novelas

Nauso at nauso ang chinovelas, hindi ako na-hook sa Meteor Garden fever. Hindi tuloy ako maka-relate sa mga kwentuhan ng iba kong kaibigan hehehe. Ang nakakatawa,, dahil singkitin ako, palagi akong nabibirong “San Chai” kahit hindi ko sya kilala noon. Pati pamangkin kong 3 years old, sa kakapanood ng yaya nya ng MG, nung dumalaw dito bahay ang unang bati sa kin eh “Auntie Wuth, Tan Tai!” Tawanan tuloy lahat.

Tapos last week, nung nagsimula yung “My Love, Cindy” (ang corny ng title!) sa GMA, pinanood ng mga anak ko. Pa’no sa advertisement, daming clowns and parade ang pinakita. Setting pa was a theme park. Kala ng mga tsikiting, pambata. Yung lead character na si Cindy, medyo sumpungin at palaging may kaaway kaya laging “bad trip” ang disposition.

Nung weekend, dahil maghapong nasa bahay ang mga makukulit kong anak, hindi maiwasang mapagalitan ko ng ilang beses sa dami ng mga kalokohan. Puro boys kasi kaya laging mukhang wrestling arena ang bahay namin. Bandang hapon, after another “sabunan” blues, biglang nagsalita ang panganay ko “Mommy, alam mo kamukha mo si Cindi!” Isip ko, ah kasi singkit na naman katulad ni San Chai. Ngek, may kasunod pa pala kasi humirit pa ang batang wais, “Kasi lagi kang galit!” Ayun natawa tuloy ako. Ang galing talagang mag-dissolve ng sermon nitong mga ito. Tsk, tsk, tsk, ang labas tuloy minsan, uto-uto na ako :D

Pero ha, fantastic talaga ang trends dito sa Pinas! Dati mexican chuva ang kinababaliwan, ngayon mga Asian naman. Oh well, at least getting closer to home. Although frankly, hindi ako pala-panood ng mga tele-novela. Nabo-bore ako kakahintay ng ending! Dati nun, hooked na hooked ang biyenan ko sa Mara Clara so wa akong magawa kundi makinood din. Aruuu, katagal matapos! At least yung mga foreign ones, may lifespan talaga, hindi yung pipigain at ida-drag ng mga writers habang type ng tao hanggang hindi matapos-tapos.

Heniways, tama na sa kin ang weekly obsessions kong Charmed, The Pretender at Survivor. Pag lumampas pa dun, baka wala na akong magawang trabaho sa bahay!

Thursday, September 18, 2003

Last week napanood ko yung ilang episodes ng Extra Challenge. Ok ang naisip nilang concept, ginawang taong-grasa ang mga artista tapos pinagala sa kalye doing typical homeless-person things. Di ko ata kaya yun -- namalimos, natulog sa damuhan sa QC circle, pinahuli sa pulis at nagkalkal sa tambakan ng basura! And to top it off, bawal maligo for the whole duration of the challenge. As in! Nanlilimahid sila ng ilang araw.

Kahit may discouraging moments eh go na go talaga yung mga challengers para tapusin yung game. Hmmm, magkano kaya binayad sa mga yun to do all those things?

Pero in fairness, mukhang marami talaga silang realizations na naranasan. Ibang klase na siguro talaga yung ikaw mismo ang makaranas na layuan at pandirihan ng tao dahil madumi at mabaho ka. At ang mamalimos ng pera para may pambili ka ng makakain at the end of the day. Man, that was something!

Bumilib ako sa pinagdaanan nila!

Nga lang, nakakalungkot isipin na merong mga totoong tao na ganun ang mismong pinagdadaanan sa araw-araw. Na reality pa rin sa bansa natin na maraming taong-grasa at mga palaboy ng kalye ang araw-araw eh nahihirapang maghanap ng ikabubuhay nila :( Hay, kelan nga kaya magkakaron ng magandang pagbabago? Kakalungkot ...

Thursday, September 11, 2003

Katawa naman ang pangalan ng bagong bagyo -- Pogi! Ganun na ba kaunti ang choices ng Pag-Asa? Sabagay, ok na rin kasi may humor, Pinoy na Pinoy ang dating. Naaliw lang ako sa comment ng isang kaibigan ko: nung umulan daw sa kanila ang sinabi nya "Andyan na si Pogi!" Biglang tingin sa kanya ang asawa nya at may pagdududang nagtanong "Ano? Sinong Pogi ha?!" hehehe

Ayan pati pangalan ng bagyo, pwede na pala ngayong pagsimulan ng away.

Wednesday, September 10, 2003

Ang weird na ng anak ko waah! Magli-limang taon pa lang pero kolokoy na sobra. Kahapon kasi takbo sya sa kin at nagsabing "Mommy may visitor dun sa baba!" Tanong ko "Sino?" Nanlalaki ang matang sumagot "Si Lola Ocean!" Eh di biglang kumunot noo ko. Papano kakamatay lang ng Lola Osyang ko last month, pano naman bibisita yun ano?!

Ang lokong bata humirit pa "Ay sabi sa yo Mommy, hindi patay si Lola Ocean" with matching patango-tango. Hindi ko alam kung matatawa ako o maloloka. Pagbaba ko sa 1st floor, ayun kausap ng nanay ko yung isang kamag-anak naming matanda na puti ang buhok. Pagtingin ko kay Deden, ngingisi-ngisi lang. Ay sus!

Monday, September 08, 2003

PETITION PARA MAG-RESIGN SI LACSON

May mga ka-egroup ako na nagpadala ng link kung saan pwedeng mag-sign dun sa petition para mag-resign si Sen. Lacson. Balak ko na talagang mag-sign kaso sinilip ko muna yung mga previous signatures. Naman! Tama ba namang hanggang doon eh gagawan pa rin ng kalokohan ng ibang Pinoy? Pa'no, merong mga naka-sign na Jose Pidal, King of Brunei Abdulah, Yaser Arafat, Ping Lacson (?!) -- at di lang isang beses ha, marami!, at kung sino-sino pang alam mo namang di magsa-sign dun!

Masisisi nyo ba ako kung na-turn off na lang ako mag-sign? Kasi pakiramdam ko eh walang katuturan ang gawin yang bagay na yan. Sa tingin nyo kaya mare-recognize pang valid yan kung maraming signatories eh puro kagaguhan (excuse the word pero wala akong ibang maipang-describe) lang? Sorry pero di ko sasayangin at ibabandera ang pangalan ko sa isang bagay na sa opinion ko eh walang pupuntahan.

Hay kakalungkot! Kaya nagkakaganito ang bansa natin eh!

Wednesday, September 03, 2003

O registration na daw para sa election. At dahil ang voting precinct kung saan kami naka-register mag-asawa eh sa Alabang pa, binalak namin ipalipat dito sa Laguna. Para naman hindi yung kelangan pa naming lumuwas para lang makaboto. Eh nung huling eleksyon nga, dinedma ko na lang ang botohan dahil napapagod akong magbyahe. Si mister na lang ang lumuwas.

Kaya ayun, yung pinsan kong nagtatrabaho sa munisipyo (nasa baryo kami at mga 5 minutes ride din ang pa-bayan) tumawag sa kin para sabihing mondays to fridays daw eh open hanggang 8 pm ang registration center. Tamang-tama umuwi ng maaga ang husband ko at hinatak kong pumunta ng munisipyo ng ala-sais ng gabi. Sakay kami ng jeep. Pagdating namin dun, walang tao! Naku naman, salubong tuloy ang kilay ko. Nagtanong pa kami sa mga naka-tambay na pulis dun sa katabing outpost. Naku eh nakaalis na daw. Nag-comment pa yung isa "Aba'y bakit hanggang alas-otso ang nakalagay dine?" sabay turo sa isang nakapaskel sa dingding. Aba'y bakit nga kaya kung di naman pala masusunod?! Gagawa-gawa sila ng extended time para sa mga walang oras pumunta ng office hours, di rin naman susundin. Grrrr!

At para aliwin na lang ako, sabi ni Geff lakad daw kami papunta dun sa may kanto at bumili na lang ng isaw. Hay naku, nadagdagan tuloy ang uric acid ko sa katawan. Pero in fairness, masarap yung isaw!

Nung isang linggo pa nangyari ang lahat ng yan. Hindi pa ulit kami bumabalik para magpa-rehistro. Ay linstok, since hanggang December pa pala yan, maghintay na lang sila kelan ulit kami pwedeng pumunta. Ang lagay eh kami pa ang mag-a-adjust ng schedule namin para sa kanila? No way!

Related Posts with Thumbnails