Monday, May 22, 2006

Hay, gastos, abala etc. etc.!

Last Friday, umalis si hubby na hindi naitali ang nakawala naming aso. Mautak ‘tong alaga namin, kaya laging nakakawala sa chain nya. Eh di ko na sya kayang itali kasi ang laki na at nanda-damba. Once, muntik na akong masugatan sa kamay dahil biglang takbo habang hawak ko yung chain. Kaya di na ako nag-attempt ulit.

Ok lang naman sana na pagala-gala sa loob ng bakuran kaso once na may magbukas ng gate, karipas ng takbo palabas. Saka naninindak ng mga bisita eh minsan ayaw na tuloy pumasok ng bahay namin yung mga takot sa aso.

Nung hapon, despite my warnings sa makukulit kong anak na huwag na muna mag-bike sa labas kasi nga kakaulan din lang, sumige ng labas ng gate. At dahil naglilinis ako ng mga electric fans sa likod habang pasilip-silip kay James sa kwarto, di ko na sila nahabol. Naririnig ko na lang silang nag-iingay dun sa may lane sa labas.

Mamaya pa, ayan na, pasok ang Joshua at umiiyak. Ni-try daw nyang i-chain si Panda para papasukin. Grrr, ang tigas ng ulo na daddy lang nya ang pwedeng gumawa nun. Ayun dahil gustong gumala pa ng sutil na aso at hila ni Josh ang chain, binalikan sya sabay kinagat sa upper arm. Lambot ako nung nakita ko gaano kalalim nung wound.

Fortunately, sa likod lang ng village namin ang RITM, pwedeng lakarin pag dun sa back gate nila dadaan. Tawag ako sa mga inlaws ko para may magbantay sa ibang bata. Dinala namin ng sis-in-law ko si Josh para patingnan sa doctor.

Ang saya, pagdating namin ng ER, deserted! As in walang katao-tao. Ang daming pasyente tapos walang personnel. Later on, nalaman naming may na-admit daw na may meninggococcemia earlier. Ngar, kaya pala nag-disappear ang mga staff, umiiwas ata dun sa site.

Kahit pala may anti-rabies shot na ang aso, pero nakakalabas sya ng gate ng bahay at pwedeng ma-infect ng ibang aso, kelangang paturok ang nakagat. Eh mabuti na yung sigurado kasi fatal ang rabies, kaya sige na, kahit magkano gastos, kelangan may assurance kami na safe si Jo.

Ang funny incident dun, yung papel ng instructions para sa patient, naka-bold yung HUWAG PAPATAYIN ANG HAYOP NA MALUSOG. Tawa ng tawa yung hipag ko kasi siguro daw maraming yun ang unang ginagawa.

Dumating kami doon, wala pang 5pm, nakauwi kami past 9pm na :( Hay, pinasunod ko pa si hubby (buti maagang nakauwi) kasi kulang ang dala kong pera. Ayun, more than P2k ang nagastos namin sa 9 na turok! Kelangan pang bumalik ng apat na beses dun for follow up injections.

Kaninang umaga, habang tulog pa sina James at Deden, ibinilin ko kay Leland tapos dinala ko ulit sa RITM si Josh. Hay, daming tao. Ang dami pala talagang incidence ng dog at cat bites! Inabot din kami ng more than one hour bago sya naturukan. Ayun P500+ na naman. Three more sessions to go ... waaah!
Crazy over Lee

Kung si James eh kakampi ko sa pagiging fan ng Corrs, nakupo, high na high ang asawa ko lately dahil natuto na i-appreciate nitong dalawang malaki ang kanyang favorite na si Lee Ritenour.

For the past two weeks, halos araw-araw na pinapanood nina Leland at Josh yung DVD concert na Overtime. Hindi lang yun, nangulit-ngulit pang ipag-download ko daw sila ng mp3s from Limewire. Kaya ayun, bago matulog sa gabi, naka-prepare ang speakers sa may ulunan nila at magdamag tumutugtog ang Night Rhythms, A Lil’ Bumpin, She Walks This Earth etc.

Waah, pati ako minsan tuloy, nahuhuli ko na ang sarili kong nagha-hum nung mga kanta nila! At least, wala naman akong sound effects gaya nilang mag-aama … *tene-niw, pam-pam, pao-pao!* Hahaha.

Si Deden? Kay Josh Groban pa rin daw sya :p
Good buy

Sa wakas! Sa tinagal-tagal ko ng naghahanap, nakakita rin ako! Nung elementary pa kasi ako, pinasalubungan ako ng tatay ko galing abroad ng Kenwood walkman na may separate speakers. Yung speakers, hindi de-battery, hindi rin de-kuryente, basta isasaksak mo sa walkman, ayos na, di mo na kelangan ng earphones, marami pang makakarinig ng music. College na ako nung nasira yun.

Ever since nagkaron ako ng mp3 player more than a year ago, hanap ako ng hanap ng ganun sa mga electronics stores. Kasi na-realize ko, magiging useful sya lalo na pag brownout tapos kelangan makinig ng news either from the mp3 player (na may fm receiver) o sa walkman (na may am at fm). Eh wala lagi. Ang ino-offer sa kin malimit ng mga tindera yung pang ipods na speakers na kelangan ng battery saka almost P2k ang prices. Yoko nga!

Tapos nung recent bagyo, two days kaming walang kuryente. Imagine the torture na wala kang mapakinggang news kung asan na ang bagyo at ano ang damages, unless mage-ear phones ka pa. Eh kakatamad yun dahil marami rin namang dapat gawin sa bahay na di pwedeng may karay-karay kang walkman.

Then Monday last week, success! Nag-browse kasi kami ni hubby sa mga stores sa Galleria kasi kelangan ko din ng ericsson cable para sa celphone. Instead na yun ang mahanap ko, nakakita ako ng passive speakers (yun pala ang tawag dun!) for only …. dyaran! P265!!! Pilit akong kinukumbinse ng saleslady na yung tag P1800 na pang-ipod daw ang bilhin ko kasi maganda ang tunog at hindi daw mahina ang output. Eh ang ganda din ba ng presyo! Told her, di ako maselan sa sounds, basta napapakinggan at di kakain ng kuryente o battery, solve na ko.

Ayun, umuwi kaming aliw na aliw ako hehehe. Tapos the very next day, ni-set up ko sya sa ibabaw ng ref at habang nagluluto ako, isinaksak ko yung mp3 player ko na ang mga laman right now eh yung latest songs ng Corrs. Ayus, ang happy ng cook!

Nung napansin ng mga anakis, ngar, talagang may-I-set-up ang mga tsikiting sa ibabaw ng table habang nagla-lunch kami para daw may sounds. Ayun, the past few days, sinolo na ng mga makulit. Pinakargahan ng mga Lee Ritenour songs yung mp3 player ng tatay nila at maya’t-maya sila ang gumagamit. Ayos din kasi rechargeable yung player ni hubby kaya super tipid namin sa kuryente ngayon …. well, radio-wise ;-)

Saturday, May 06, 2006

Bulate story

Sa lahat ng mga anak ko, etong si Josh ang tila parati na lang gutom at puro pagkain ang nasa isip. Tipong kakakain lang naming lahat ng dinner, after mga 30 minutes, punta yun sa bread box at magpapalaman ng tinapay o kaya magpapaluto ng hotdog at gusto pa daw nya ulit kumain ng kanin. Eh ang dami na nyang kinain na meal. Minsan naman, ang daming oorderin sa McDo o Jollibee ... at nauubos nya! Most of the time, sya na ang mag-ooffer na magtimpla ng juice sa pitcher o magluto ng hotcakes (yep, at 10 y.o. budding chef na ining batang matakaw). Ang siste, di naman tumataba!

Just the other day, nagbabyahe kami papuntang Laguna. Halos kakatapos lang namin mag-lunch sa bahay before kami umalis. Sa highway, nung nakita ang Petron station, request na naman sya na mag-drive thru daw.

Napag-usapan tuloy naming mag-asawa na "Ano kaya try nating purgahin itong batang ito? Baka may bulate?" So sabi ko kay Jo, "Anak bukas bibilhan kita ng Combantrin." Sagot nya, "Anong flavor?" Ngek!

Wednesday, May 03, 2006

Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal

Ang galing talaga ng Pinoy! Nakanood ako ng play na ito two nights ago sa PETA theater sa QC. Superrrr nakakatawa pala talaga yung mga punchlines at dialogues. Ang gagaling mag-project ng mga actors and actresses. Nakakaaliw manood. Hindi ka mabo-bore kahit pa more than two hours yung palabas.

A word of warning lang, maraming "shocking" languages and scenes (na kung sa sine eh ichu-chugi siguro ng MTRCB) na malamang hindi kaya ng powers ng mga conservative na Pinoy. Pero pramis, bato ang hindi matatawa kahit isang beses man lang.

The cast were very accomodating. Pagkatapos ng play, nag-meet and greet sila sa mga audience. Nagpa-picture kami with Eula Valdez (maganda nga pala ang singing voice nya and ang sexy!) and Wilma Doesnt (na ke kulit pala talaga sa personal pero kaaliw kausap).

Hay, I really need to buy a bluetooth dongle or mobile-to-pc cable para maka-upload ako dito ng photos from my phone...

Tapos na yung run sa PETA pero babalik sila sa CCP in June. Gusto ko manood ulit! Kasi daw this time, interactive na, merong audience participation. For sure, mas nakakatuwa yun. Sana mauto ko itong si husbandry na ipanood ako. Kaso malaking percentage eh di kami makakanood ng sabay kasi walang maiiwan sa mga bata :( Hay, wala pa rin kami ulit yaya!

PS: Dun kami nag-dinner ng mga friends ko sa Pizza Hut Bistro (oo bistro!) sa tapat ng St. Lukes. Konti lang daw ang branches nila na ganun. Nakakatawa kasi para kaming na-twilight zone dahil pagpasok namin eh mala-fine dining ang set-up ng tables nila complete with table cloth, wine at candles. Binibiro nga namin yung waiter na dapat complimentary na yung wine kasi dini-display nila sa tables hehehe.

Food tip: Ang sarap ng shrimp and mushroom pasta with garlic sauce!!! Ayan, ginugutom na naman ako ...
Related Posts with Thumbnails