Help Make a Difference

Tuesday, November 29, 2005

Stupid Law!

Nung Linggo ng gabi, pauwi na kami ng kapatid ko sa bahay. May kasabay kaming limang nursing students na naka-white uniforms at IDs. Nung nagbayad ang mga bata, nagreklamo agad ang driver, “Kulang bayad nyo! Walang discount ngayon kasi Linggo!”

Sumingit pa yung barker “No istyudent peyrs por satordi, sandi en halidi!” Naawa ako dun sa mga bata dahil sila pa ang napahiya. Where is the justice in that? Obvious na obvious na galing sila sa klase, tapos mababawasan pa ang mga baon para pandagdag sa pamasahe. Sino namang engot ang magsusuot ng all white (with stockings pa!) kung may pinuntahang gimikan di ba?

Again and again, I lament the thoughtless actions of those who are sitting pretty in some government positions who make laws without thinking them through. Oo mahirap ang buhay at kailangang kumita ng mga driver dahil mahal ang krudo ngayon. Pero ang consequence ba naman dapat noon eh magulangan ang mga studyanteng pinaghihirapang pag-aralin ng mga magulang nila? That is simply unfair!

Tagal ko ng pet peeve itong issue na ‘to dahil sa isang personal experience several months ago. Ang nakakainis, hanggang ngayon, walang nangyayari kahit pa nagpadala na ako ng reklamo sa LTFRB. Hay, ganito na lang ba lagi ang buhay sa Pilipinas? Dehado ang maliliit? :(

Thursday, November 24, 2005

Unforgettable weekend

Etong nakaraang Saturday at Sunday siguro ang isang weekend na kakaiba sa dami ng nangyari sa ‘kin. Nakakalokang, nakakaasar na nakakaaliw at nakakatuwa. San ka pa?!

Saturday ng madaling-araw, nag-prepare na ako ng mga overnight things ng buong family kasi dun kami sa Alabang matutulog. Since we planned to leave by 5 a.m. at si James eh natulog ng 4 a.m., hindi na lang ako natulog. Bago ko nagising etong asawa ko at mga anak at bago kami maka-karga ng lahat ng abubot sa van, past 6 a.m. na tuloy.

Blooper #1

Sa highway, nagsabi si Josh na nawi-wiwi daw sya. So dumaan ng gas station etong si husbandry. Nauna silang dalawang bumaba habang naghahanap pa ako ng tissue sa bag ko. Pagkalabas ko ng pinto ng ladies’ room, nakita ko ang van na wala na sa parking lot at umaarangkada na papuntang highway ulit.

Panic ako kasi wala akong dalang celphone at wallet kaya takbo talaga ako para humabol all the while incredulous na hindi nila napansing wala pa ako dun!!! Tapos nakita ko yung brake lights. Nakasimangot na ako pag bukas ko ng pinto habang tawa pa ng tawa ang asawa ko kahit nagso-sorry. May comment pang “Nagulat naman ako at nakita kita sa rear view mirror na humahabol.” At sa lagay na yun, nagtaka pa sya bakit ako andun! Akala daw nya nakahiga ako sa backseat at hindi agad nag-penetrate sa kanya yung “si mommy, si mommy!” ni Leland. Ang pinakapang-asar, pag-upo ko, humiga si Deden sa lap ko, nakangiti magkabilang-tenga. Talaga bang pagtawanan pa ako, hmp!

Blooper #2

Nung hapon, magmi-meet kami dapat ng brother ko sa Megamall ng 3 pm para pumunta ng Lyric main office. Magpapa-trade in kasi kami ng piano kaya kelangan pumili ng kapalit. Pagbaba ng van sa underpass ng Crossing, sumabog ang isang gulong! Medyo nakaidlip pa naman ako kaya gulantang tuloy to the max nung marinig ko yun tapos gumewang ng konti yung van. Buti talaga ang lakas ng presence of mind ni hubby kasi pinindot agad nya yung hazard habang itinatabi nya yung sasakyan. Hindi ko na maisip pano kung may bumangga sa min sa likod!

In short, habang nagpapalit ng gulong etong asawa ko, pinatayo ba naman ako sa likuran para kawayan ang mga dumarating na sasakyan to veer left. Argh, feeling usok model! Eh antagal kaya nun! Tapos me mga mama pang may tililing na either kinakawayan ako o todo ngiti habang hinahabol ako ng tingin galing sa mga dumadaang bus. Linstok, ka-concious! Me nag-uzi pang 2 MMDA. Afterwards, sabi ni Noy, iba pala feeling ng may nakabantay na MMDA kasi napapabilis ang trabaho hehehe. At ang pinaka-nakakatawang ginawa nya, nag-sorry sa kin pag-iwan nung umaga sa gas station. Ayan daw at nakarma sya hahaha. Sabi ko hindi na sa akin nanggaling yun ha!

What’s weird lang, nung pauwi na kami nung gabi, dun sa underpass naman sa may Cubao, meron ding sasakyan na nagpapalit ng gulong. Kaya naisip kong hindi kaya may sira ang tuktok na naglalagay ng sharp objects sa daan? Kasi hindi naman basta na-flat yung gulong namin eh, sumabog talaga. Hmmm … Naalala ko tuloy earlier na may isang MMDA (before dumating yung 2 pa na nag-miron) na nagtanong sa ‘min “Ano, tatawag na ako ng tow truck?” Parang may naamoy akong modus dun bigla ah. Anyway, from then on, talagang na-praning ako at mega-remind kay Noy to steer clear of the right hand sides of the underpasses.

So-so moments #1

Sa dami ng pianong pagpipilian, ang tagal bago nakapili ang kapatid ko. Sya na ang hinayaang kong mag-decide kasi sya ang music teacher. Pero na-discover kong kahit pala reconditioned lang ang piano, sooooobrang mahal!!! Buti na lang nanay namin ang magbabayad :p Still, mega-tawaran pa ang ginawa namin para naman hindi mag-overshoot ng budget. Pati etong future sis-in-law ko, nakisali na sa tawaran. Ayun, mas magaling pa makipag-bargain kesa sa akin. Ayos, malakas ang convincing powers!

Tapos nakakita ako ng violin na kulay pink! At meron pa syang flowers-flowers na design. Cute na cute ako. Pero nung ni-request kong mahawakan at matugtog, inay, tunog aparador! Ika nga ni brotherhood, parang ataul na hinihila. Saka ba’t daw gusto ko ng kulay Barbie, eh sa favorite color ko yun eh! hehehe. Ay naku, babay na lang sa kanya. Sana lang one day, maisipang maglabas ng ganung kulay din ang Cremona o Hoffner. At sana by then magaling na akong tumugtog!

Happy moments #1

After sa Lyric, tumuloy na kami sa UPD Bahay ng Alumni para umattend ng dinner ng Christian org namin. Nakakatuwang makita ulit yung mga friends naming matagal ng hindi namin nakakasama. I even had a pleasant surprise nang malaman kong 2 sa friends namin way back nung college students pa lang kami, eh nagkatuluyan din. We really had a fun time with a lot of people that night kaya sulit ang maghapong mga aberya.

Happy moments #2

Sunday, umattend ako ng jamming session ng mga kabarkada kong Corrs fans. Shempre binitbit ko ang aking violin na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin matugtog ng mahusay :p Sherwin was so nice to tutor me again ng mga techniques. Wish ko lang eh makatugtog din ako kahit back-up violin lang sa isa sa mga songs one of these days.

One great thing that afternoon (aside from the nakakabusog na kainan), nakisali ako sa pagtugtog ng Erin Shore using the tinwhistle, dalawa kami ni Faye. At least kahit man lang yung piece na yun, medyo alam ko na tugtugin. At nang marinig ko ang recorded version (courtesy of Joyce’s mp3 player), grabe ang galing!!!

Blooper #3

Sinundo ako ni Noy at Deden from the jamming tapos tumuloy kami ng SM Southmall para bumili ng additional electric fans para dito sa bahay. Nakow, bago naka-pili ke tagal-tagal tapos nag-iinarte pa si bunso na “gutong-na-gutong na ako!”. Buti kumalma ng binilhan ko ng donuts at iced tea.

Since motor lang ang tinesting at hindi na pina-assemble ni hubby yung 2 maliit na fans, pagdating dito sa bahay, argh, kulang ng lock yung rear guard nung isa! Eh nabuksan ko yung mga kahon, nakaalis na si hubby for Manila ulit. Hay naku, parang ang lapit ng Las PiƱas dito sa parte ng mundo namin sa Laguna. Kaya ayan, hanggang ngayon di magamit yung isa :(

Friday, November 04, 2005

Tagalog Bible

Marami kaming versions (King James, NIV etc.) ng Bible dito sa bahay, nga lang puro English. Dalawa lang ang Tagalog at parehong New Testament lang ang laman.

Ngayon, may sinusulat akong Tagalog writeup na gusto kong mag-base sa isang verse sa Old Testament. Lagot, wala akong reference! Madali man i-translate galing sa English, mas maganda pa rin yung official wordings na nasa Tagalog Bible. Kaya bigla akong napa-search sa internet.

At ngayon ko lang na-discover na merong website pala na madali mong mahahanap ang kahit anong verse sa Bible ke Tagalog man o English! Punta lang kayo sa Philippine Bible Society, type in the Language & Version, choose between Old and New Testament, key in the name of the book, chapter & verse na hinahanap mo and voila! Ayan na sya! Ang galing-galing!

Ang medyo weird dito eh bakit ngayon ko lang ito nalaman! *kamot-ulo* Kasi last week lang nasa office ako ng PBS sa Sta. Mesa for a writers' fellowship. At ang isa pang coincidence, itong writeup na ginagawa ko, eh para sa isa sa mga publications nila. Ang masasabi ko lang, ang galing ni Lord at itinuro sa 'kin agad saan ko makikita ang hinahanap ko.

And btw, kaka-launch lang recently ng PBS ng Tagalog Bible Para Sa Makabagong Filipina. Ang girly ng cover, pink! Favorite color ko! Meron na akong pang-Christmas gift sa sarili ko, sa nanay ko, sa sister ko .... :)

I encourage all Pinays out there to get a copy for themselves. Promise ang ganda kasi may inspiring articles in between na sinulat ng mga writers na Pinay. May nabasa ako dun about single blessedness and kahit may asawa na ako, na-uplift pa rin ako dahil maganda yung i-share sa mga friends kong nag-iisip na kung bound to singlehood nga ba sila.

Wednesday, November 02, 2005

Undas

Medyo malungkot ang todos los santos namin ngayon. Kasi hindi nakauwi yung sister ko dahil naka-bed rest at delicate ang pagbubuntis. Hindi tuloy kami kumpletong magkakapatid sa pagtambay sa puntod ni Tatay.

At least etong tatlong bata, tuwang magsusunog ng kung anu-ano sa mga kandila. At dahil medyo nabo-bore akong nakaupo lang dun ng matagal, I decided na maglibot-libot sa sementeryo. Na-realize ko kasing sa tanda ko ng ito eh hindi pa pala ako nakakaikot dun ever since. Balak ko ring magtingin-tingin kung saan nakalibing ang mga kamag-anak naming hindi ko na-attendan ang libing.

Maliit lang naman etong town namin so hindi ka mawawala sa hindi kalakihang sementeryo. Isinama ko si Leland at marami akong nakitang mga kababaryo naming nagsisipagbantay din ng puntod.

May isa akong malayong tiyahin na itinuro sa kin ang nitso ng mga kamag-anak namin. Medyo na-shocked lang ako kasi sa isang nitso, lampas sampu ang nakasulat na pangalan tapos dahil wala ng space, hindi na nakalagay dun ang date ng kapanganakan at kamatayan.

Napatanong tuloy ako ng “Paano ho nagkasya lahat ng mga taong yan dyan?!” She looked at me like “Hello, sang planeta ka ba nanggaling?” Pero talaga, wala kasi akong definite idea paano pinagkakasya ang sangkaterbang bangkay sa iisang nitso! Inisip ko nga, since ba bulok na yung iba, pinu-push na lang sa dulo pag may ipapasok na bagong kabaong? (Suri, ang morbid ng post na ititch!)

Sagot ng tiya, “Eh kasi Ineng, pag may bagong ililibing, mga naka-pitong taon na rin naman yung dati, kaya kasya na sa sako. Isinisilid na lang. Pagkapasok ng ataul, saka ulit ipinapasok yung ibang sako.” Ahhhh, oki.

Hindi ko na na-follow up yung tanong kasi nahiya na ako pero naisip ko, aba ang roomy pala ng loob ng nitso kung kasya dun ang isang buong ataul tapos mga sampung sako ng remains! Ngar, ano ba ereng pinagsasabi ko.

Family Bonding

Nung pauwi na kaming mag-anak (ako, hubby at tatlong kids, si James naiwan sa bahay) bandang 8pm, nag-suggest akong maglakad na lang kami para naman exercise din. Tantya ko para lang kaming nag-balik-balik from dulo to dulo sa tatlo o apat na floors ng Megamall. Malamig ang hangin at maraming taong naglalakad din.

Aba, enjoy naman ang mga kiddos! Dumaan pa kami sa isang bakery para bumili ng mga pang-breakfast kinabukasan. Sabi ko kay Josh, i-multiply niya yung P7.50 sa apat na pamasahe sana namin. After niya masagot, kako “Kita mo, yung P30 na natipid natin, naipangbili pa natin ng mga bread!” Parang narinig ko yung “Ting!” sa utak niya when he answered “Oo nga ano?!”

Kaaliw, invigorating yung lakad namin. Pagdating pa sa bahay, banat ni Deden “Next na punta natin sa cemetery, walk ulit tayo ha. Kasi three pa lang exercise ko, kelangan four!” Nun kasing nag-parade sila sa school, nilakad din nila halos yung kahabaan ng town. Eh since twice na nya nagawa yun, kelangan may partner walk din daw yung sa amin. Napaisip tuloy ako kung may sense ba yun hahahaha.

Tuesday, November 01, 2005

Libreng May Silbi!

Kahapon, nag-reunion ang batch namin ng Kawayan Camp. Yun ang inter-campus summer camp ng IVCF for college students. So imagine gaano na rin katagal since studyante pa kaming lahat. Close ang batch namin at ngayong paalis na papuntang Amerika ang dalawa sa aming mga kaibigan, nag-plano kami ng get-together.

Dun kami nagkita-kita sa Dad’s Megamall. Isinama naming mag-asawa si Leland since birthday niya sa Nov. 2 so parang treat na rin for him. Medyo may kamahalan din pala ang buffet dun! Pero na-satisfy naman ang cravings ko ng Japanese food na matagal ko ng nami-miss. Si Leland naman, sobrang hina talagang kumain, hindi man lang bumalik for a second serving eh full na rin ang bayad sa kanya. Para tuloy ayaw kong buksan ang wallet ko nung nakita ko yung bill :p

Sabi naman ni husbandry, isipin ko na lang daw na yun na rin ang celebration ng aming anniversary last month kasi nga naman may pasok sya that day kaya di rin nakauwi ng Laguna at di rin kami magkasama. Sige na nga!

Ang pampalubag-loob, bawat order pala nung bottomless iced tea, na P150 pala per glass (Que horror! Akala ko eh mahal na yung sa mga fast foods na P55 ang bottomless!) eh may free na puppy na stuffed toy. Cute naman in fairness. Tatlo ang inuwi namin.

Nakakatuwa na nung nakita ni Deden, kanya daw yung blue puppy at itatabi niya matulog. True enough, pagsilip ko sa kwarto nila kagabi, yakap-yakap ni batang tulog yung toy. Waw, sa tinagal ng panahon na hindi na-attached sa stuffed toy etong si bunso, ngayong nag-seven years old saka napahilig!

Bottomline, at least nagkaron ng purpose yung free toy na yun at simply because of that, hindi na ako masyado nanghinayang sa ibinayad naming hehe. Saka ko na i-add dito yung picture ni Deden pag na-develop na yung film.
Related Posts with Thumbnails