Libreng May Silbi!
Kahapon, nag-reunion ang batch namin ng Kawayan Camp. Yun ang inter-campus summer camp ng IVCF for college students. So imagine gaano na rin katagal since studyante pa kaming lahat. Close ang batch namin at ngayong paalis na papuntang Amerika ang dalawa sa aming mga kaibigan, nag-plano kami ng get-together.
Dun kami nagkita-kita sa Dad’s Megamall. Isinama naming mag-asawa si Leland since birthday niya sa Nov. 2 so parang treat na rin for him. Medyo may kamahalan din pala ang buffet dun! Pero na-satisfy naman ang cravings ko ng Japanese food na matagal ko ng nami-miss. Si Leland naman, sobrang hina talagang kumain, hindi man lang bumalik for a second serving eh full na rin ang bayad sa kanya. Para tuloy ayaw kong buksan ang wallet ko nung nakita ko yung bill :p
Sabi naman ni husbandry, isipin ko na lang daw na yun na rin ang celebration ng aming anniversary last month kasi nga naman may pasok sya that day kaya di rin nakauwi ng Laguna at di rin kami magkasama. Sige na nga!
Ang pampalubag-loob, bawat order pala nung bottomless iced tea, na P150 pala per glass (Que horror! Akala ko eh mahal na yung sa mga fast foods na P55 ang bottomless!) eh may free na puppy na stuffed toy. Cute naman in fairness. Tatlo ang inuwi namin.
Nakakatuwa na nung nakita ni Deden, kanya daw yung blue puppy at itatabi niya matulog. True enough, pagsilip ko sa kwarto nila kagabi, yakap-yakap ni batang tulog yung toy. Waw, sa tinagal ng panahon na hindi na-attached sa stuffed toy etong si bunso, ngayong nag-seven years old saka napahilig!
Bottomline, at least nagkaron ng purpose yung free toy na yun at simply because of that, hindi na ako masyado nanghinayang sa ibinayad naming hehe. Saka ko na i-add dito yung picture ni Deden pag na-develop na yung film.
Tuesday, November 01, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment