Wednesday, November 02, 2005

Undas

Medyo malungkot ang todos los santos namin ngayon. Kasi hindi nakauwi yung sister ko dahil naka-bed rest at delicate ang pagbubuntis. Hindi tuloy kami kumpletong magkakapatid sa pagtambay sa puntod ni Tatay.

At least etong tatlong bata, tuwang magsusunog ng kung anu-ano sa mga kandila. At dahil medyo nabo-bore akong nakaupo lang dun ng matagal, I decided na maglibot-libot sa sementeryo. Na-realize ko kasing sa tanda ko ng ito eh hindi pa pala ako nakakaikot dun ever since. Balak ko ring magtingin-tingin kung saan nakalibing ang mga kamag-anak naming hindi ko na-attendan ang libing.

Maliit lang naman etong town namin so hindi ka mawawala sa hindi kalakihang sementeryo. Isinama ko si Leland at marami akong nakitang mga kababaryo naming nagsisipagbantay din ng puntod.

May isa akong malayong tiyahin na itinuro sa kin ang nitso ng mga kamag-anak namin. Medyo na-shocked lang ako kasi sa isang nitso, lampas sampu ang nakasulat na pangalan tapos dahil wala ng space, hindi na nakalagay dun ang date ng kapanganakan at kamatayan.

Napatanong tuloy ako ng “Paano ho nagkasya lahat ng mga taong yan dyan?!” She looked at me like “Hello, sang planeta ka ba nanggaling?” Pero talaga, wala kasi akong definite idea paano pinagkakasya ang sangkaterbang bangkay sa iisang nitso! Inisip ko nga, since ba bulok na yung iba, pinu-push na lang sa dulo pag may ipapasok na bagong kabaong? (Suri, ang morbid ng post na ititch!)

Sagot ng tiya, “Eh kasi Ineng, pag may bagong ililibing, mga naka-pitong taon na rin naman yung dati, kaya kasya na sa sako. Isinisilid na lang. Pagkapasok ng ataul, saka ulit ipinapasok yung ibang sako.” Ahhhh, oki.

Hindi ko na na-follow up yung tanong kasi nahiya na ako pero naisip ko, aba ang roomy pala ng loob ng nitso kung kasya dun ang isang buong ataul tapos mga sampung sako ng remains! Ngar, ano ba ereng pinagsasabi ko.

Family Bonding

Nung pauwi na kaming mag-anak (ako, hubby at tatlong kids, si James naiwan sa bahay) bandang 8pm, nag-suggest akong maglakad na lang kami para naman exercise din. Tantya ko para lang kaming nag-balik-balik from dulo to dulo sa tatlo o apat na floors ng Megamall. Malamig ang hangin at maraming taong naglalakad din.

Aba, enjoy naman ang mga kiddos! Dumaan pa kami sa isang bakery para bumili ng mga pang-breakfast kinabukasan. Sabi ko kay Josh, i-multiply niya yung P7.50 sa apat na pamasahe sana namin. After niya masagot, kako “Kita mo, yung P30 na natipid natin, naipangbili pa natin ng mga bread!” Parang narinig ko yung “Ting!” sa utak niya when he answered “Oo nga ano?!”

Kaaliw, invigorating yung lakad namin. Pagdating pa sa bahay, banat ni Deden “Next na punta natin sa cemetery, walk ulit tayo ha. Kasi three pa lang exercise ko, kelangan four!” Nun kasing nag-parade sila sa school, nilakad din nila halos yung kahabaan ng town. Eh since twice na nya nagawa yun, kelangan may partner walk din daw yung sa amin. Napaisip tuloy ako kung may sense ba yun hahahaha.

No comments:

Related Posts with Thumbnails