Help Make a Difference

Tuesday, December 28, 2004

Family Day Out

Nagpunta kami sa Enchanted Kingdom kahapon. Dun na ni-celebrate ng sister ko ang 5th birthday ng kanilang unico hijo. Shempre kasama sa pasyal ang mga makukulit na pinsan, specifically, mga anak ko :P

Ang damiiiing tao! Hay, inabot lang naman kami ng syam-syam sa mga pila bago makasakay ng rides or even sa food service! Ang tagal namin sa linya ng Rialto. Pagdating sa palabas, medyo hindi kasing impressive kesa dun sa mga dating napanood na namin. What's funny was, first time ni Deden nakanood doon. Ngayon lang kasi umabot ang height nya sa minimum requirement.

So nung palabas na kami, deadma ang dalawang kuya. Medyo blah nga naman ang napanood nila. Nagkatawanan na lang kaming lahat nung biglang magsalita si Deden. "Wow, ang galing! Gumagalaw ang seats! Na-enjoy ako!" hehehe. Iba nga naman pag first time. And at his tender age of six, madali pa syang ma-impress.

Sayang lang sold out na ang tickets dun sa Discovery Theater. Intrigued pa naman kami sa sinasabing 4D movie nila. Oh well, marami pa sigurong pagkakataon in the future.

First time kong nakasakay sa Rio Grande. The past times kasing nasa Enchanted kami, palaging sobrang haba ng pila, tinatamad akong tumayo ng mahigit isang oras para lang sa isang ride. Eh hindi ko na matanggihan ang mga tsikiting ko na samahan sila. So sige, fall in line kami. Ack, ke tagal! Pero enjoy na rin nung nakasakay na kami sa raft. Napuruhan ng splash sina Leland at Daniel habang kami ni Joshua eh mostly pants lang ang nabasa and lower back. Palit damit tuloy pagkatapos or else baka sipunin ang mga bata.

The whole clan (including our mom, brother ko at gf nya, and parents ng brother in law ko pati mga helpers) all went to line up sa ferris wheel (ano nga bang pangalan nung ride na yun?). Magkakasunod ang sinakyan naming gondolas and nakakaaliw tingnan ang mga bata, lalo na si Matt (pamangkin ko) na tuwang-tuwa kapag nandun na sa itaas.

Shempre ang grand finale, sa Space Shuttle. Ang tapang ni Josh, sumama sa akin. Proud ako sa anak ko! Hindi ko nga narinig sumigaw eh. Ako ang tili ng tili habang umiikot ang coaster sa mga loops hahaha. Pagkababa namin, ang reaction lang nya, "Mommy, sumakit ulo ko."

Next time, sana pag punta namin doon, hindi peak season. Ewan ko ba at palaging natataon na November at December kami malimit makabalik ng Enchanted. Kelan kaya ako makakarating doon na ang pila, hindi lalampas ng 5 minutes. Or walang panahong ganun?

Oh well, neverthelesss, we had fun.

Wednesday, December 22, 2004

Dalawang araw na lang ...

... Pasko na! Waah, hindi pa tapos ang Christmas shopping ko para sa mga inaanak at pamangkins. Hay, ang hirap kasing makahanap ng oras na isang puntahan na lang para mamili. May mga nabili na akong konti tuwing byahe ko pa-Manila pero hindi ako makatodo shopping dahil de-bus ako umuwi. Abaw, mahirap yatang magbitbit ano.

Kaya bukas, buti na lang at makakasabay ko si husbandry pauwing Laguna kaya may driver ako sa wakas. Hopefully, makahanap ako ng magagandang gifts (na reasonably priced) para sa mga tsikiting. Iiks, isa pang battle yang budgeting ngayon. Sa hirap ng economy ng Pilipinas, mga presyo lang ang tumataas pero ang sweldo hindi, tsk, tsk, tsk. Sana magkasya ang budget ko. Ang dami pa namang inaanak nitong asawa ko, ack!

Sunday, December 19, 2004

What a night!

Kahapon din, grand alumni homecoming ng high school ko. Nag-celebrate kasi ng 75th year anniversary. Kaaliw, ang daming pumunta, pati mga very very old batches from the 50’s and 60’s may representatives.

Nakakatuwang makita ang mga ka-batch ko noon. Hindi halos nagbago ang itsura at kakulitan nung iba although we all have grown a little older since we graduated high school 16 years earlier. Merong may kasamang asawa at mga anak. Merong mga single pa rin hanggang ngayon.

Either way, we had a very nice time laughing at silly jokes our class clowns have been cracking. Walang katapusang posing sa mga pictures and greetings sa mga dating naging teachers. Grabe, andun pa ang marami naming Ma’ams at Sirs. Walang kaupas-kupas, silang-sila pa rin.

Ang highlight ng gabi, nung nag-announce ng winner dun sa endowment fund raffle. Habang unti-unting nire-reveal ang number ng winning ticket, napa-comment yung batch organizer namin “Uy mga tickets ng batch natin nagsisimula sa 25!” At ng in-announce finally ang pangalan ng winner, pandemonium ang table namin dahil batchmate namin ang nanalo ng Corolla Altis!!! Nasa abroad nga lang yung tao. So some of us got to talk to her over the celfone. Hindi sya makapaniwala. And we’re all so happy for her. It was a perfect way to end a great get-together.


Reklamador

Kahapon, maaga natapos ang Christmas program ng bunso ko sa school. Dahil may oras pa ako ng konti bago ako pumunta ng Los Banos for my high school’s grand alumni homecoming, nag-decide akong bumili muna ng sapatos sa Liliw, Laguna since isang sakay lang naman.

Sa dami ng shoe stores doon, shempre palipat-lipat ako ng tindahan para makapili ng mas maayos. On the 10th or so store, nag-reklamo na ang batang makulit na kasama ko “Mommy, an dami-dami namang lakad natin! Pagod na ako sa pag-walk. Gutom na gutom na ako! Hindi mo ba ako papa-eat?”

Naku ayan na nga ba ang sinasabi ko, bukod sa sapatos, gagastusan ko rin ang kain ni kolokoy. So we ended up in a snack house at nag-order ng spaghetti. While waiting for our food, hirit ulit ang bata “Ang init-init naman dito. Nipapawis na ako.” Saka ko lang napansin na, oo nga naman, bakit ba hindi bukas ang mga ceiling fans nung snack house? Request akong pakibuksan and after that, nagtahimik sa wakas si bunso.

Aliw naman akong panoorin si bata dahil pagdating ng spaghetti, talagang inubos ang food nya. Hahaha, nagutom nga kakalakad! After eating, wala na syang reklamo habang hila-hila kong pumasok sa iba pang mga shoe stores.

Pagsakay namin ng jeep pauwi, sumandal sa akin and tumahimik. Maya-maya pagsilip ko, nakapikit na. Hehe, tinulugan ako! Hay ang bonding moments nga naman, kahit kailan, pwede.

Friday, December 17, 2004

Tulong please

Hello mga kababayan! Magtatanong lang po kung sino senyo ang may kilalang Pinoy nurse/s na nasa US o Canada ngayon na pwede kong maka-email? I have an assignment kasi na magsulat tungkol sa buhay ng mga nurse sa abroad and gusto ko sana may ma-interview ng konti para naman mas maging malawak ang pagkaka-intindi ko ng pinagdadaanan nila doon ngayon. Please have them email me at writermom@hotpop.com kung willing silang mag-share ng experiences nila. Hindi ko ilalagay ang real names nyo kung yun ang inaalala ninyo.

Salamat :)

Monday, December 13, 2004

Volunteers Needed

In case you'd like to share a little of your time through volunteer work, World Vision is still in need of volunteers for the next two weeks in the repacking of relief goods for the typhoon victims in Quezon province. They are very much lacking in manpower due to the huge volume of relief goods they are receiving.

Their office is open 24 hours. Please call 372-7777 if you need more information or visit www.worldvision.org.ph. World Vision is located in Quezon Avenue, just a little distance after the "kanto" of Roosevelt. Right side if you're coming from EDSA.

Thank you so much! Your help is greatly appreciated!
Blocked

Grrr, na-block ang Globe Gizmo sim ni Leland last Friday night. Ito kasing si Joshua, pinakialaman ang cel ni kuya nya at pinagtangkaan palang buksan habang kumakain kami ng dinner sa baba. Ayun pag-akyat ni kuya sa kwarto, “Enter PUK” na ang nakalagay sa screen.

What’s worse, nung kinuha namin ang papel na supposedly naglalaman ng PUK codes, pagbukas namin, blanko! Tsk, ano ba naming kalokohan ng Globe ito! So tawag ako sa customer service. Hindi daw nila mapo-provide by phone ang codes kasi wala silang access. Punta daw ako ng service center.

Since sayang yung load nung sim, which is around P80 pa, I went to the Globe Business Center in San Pablo City the next day. Sa tinagal-tagal nila akong pinaghintay, sasabihin lang, “Ma’am hindi ma-retrieve. Iwan nyo na lang ang number nyo and itatawag namin senyo bukas.” I gave them my landline and cel #.

Eto, naka-2 days na, wala pa ring tawag. Sabi ni hubby, let it go na lang. Pero ang kinaiinis ko, bakit ganun sila? Admittedly may fault ang anak ko for trying on pin codes sa phone ng may phone. Pero hindi ba kasalanan din ng Globe na walang lamang PUK codes yung paper na super-sealed pa naman sa loob ng sim kit? Tapos ngayon abala pa para sa akin ang pumunta ng business center nila para mag-follow up! And take note ha, wala daw landline number doon na pwedeng tawagan dahil they only entertain walk-in customers.

So now that they reneged on their word na dapat tatawag sila to let me know the status of the code, gusto ko silang sugurin ulit dun sa office nila and give them a piece of my mind. Oh sure, madali lang bumili ng bagong sim. Pero I feel na kung lahat ng mga ganitong instances eh babale-walain ng customers, lalong magiging palpak ang services ng mga telecom companies na ito. Kung walang magre-reklamo or magfa-follow up, wala silang gagawin to improve the system or attend to their customers’ initial complaints.

Argh, I’m pissed!

Monday, December 06, 2004

Porma

Waah, nagbibinata na ang panganay ko! Leland turned 11 last November and ang bilis nya tumangkad. Yesterday, isinama ko sa department store and bought him a pair of maong pants kasi maiksi na ang mga maong nya tapos ayaw naman isuot yung mga khaki-colored slacks nya na ok pa ang length.

At, hindi kami umalis ng store hanggang hindi ko ibinibili ng white tshirt na may cool print daw. So hanap kami. Sabi ko bakit white. Basta daw, mas maganda daw pag white shirt. Buti may nakita kaming maganda na agree kami pareho sa design.

Hay eto na, the “tween years” na ito. Nagsisimula na syang ma-conscious sa porma. Si Joshua kaya, kailan susunod. Ack! Wag muna sana at baka mamulubi ako. Buti na lang magpa-Pasko na, malamang maraming gifts na namang damit ang mga ito galing sa mga titas nila. Nyay, sana lang type nila para walang reklamo ...
Related Posts with Thumbnails