Help Make a Difference

Monday, August 30, 2004

Olympics

Naku pagkatapos kong napanood yung kalahati ng opening ceremonies (nakatulog na ako sa antok kasi naman 3 am nagsimula!), hindi ko na nasubaybayan ang mga games. Nanghinayang ako kasi hindi ko nakita yung lighting ng torch. Pero impressed ako dun sa paghahandang ginawa ng mga Greeks lalo na yung parang statue na mukha na naghiwa-hiwalay sa ere.

After that, pahapyaw na lang palagi ang silip ko sa channel 4 dahil mahirap sumingit kina Dora the Explorer at Blues Clues (current craze ng mga anakis ko). Buti na lang naabutan ko yung gymnastics exhibition the other night. Kaaliw manood ng ganun. Isa pang gusto kong mapanood, yung synchronized swimming. Di ko naman natyempuhan. Sana mag-replay na lang ulit and by then, sana magkataong libre ang TV sa kwarto namin. Huli na ako sa balitang isports!
Naghahabol

Tsk, nalulungkot naman ako, hindi ko naasikaso ang mga blogs ko the past week. Bukod sa medyo natambakan ako ng article deadlines -- ilang araw lang naman akong puyat, sinabayan pa ng migraine kaya dancing alphabets ang itsura ng letters and words sa computer monitor -- ayan at masakit ang buong katawan ko. Hay, I need an Omega Pain Killer fix!
True Story

Sa isang egroup, may isang post : “Sony Erickson P800 for sale. Email me if interested.”

May nag-reply: “I’m interested. Pero pwede bang P700.00 na lang?”

Ang bagsik!!!

Thursday, August 19, 2004

Kikil

Nanood ako kahapon ng Amazing Race. Yung destination nila eh sa Africa, dun sa Kilimanjaroo. Tatlo yung batches na nagsisakay sa mga bus papunta sa isang baryo. Yung first batch, siningil ng $5.00 each. Yung second batch, hiningan ng $150.00! Parang arkila ang nangyari para hindi na maghintay ng ibang pasahero. Yung last batch $3.00 lang per person ang hiningi nung konduktor.

Ang masaklap, naubusan ng fuel itong 2nd bus. At may mga pinabili ng gas kung saan yung driver. Takbo to the max yung mga inutusan and nakabili naman. Ang siste, sinabihan yung mga Americans na kelangan bayaran nila yung additional $20.00 para daw dun sa fuel.

Pagdating dun sa baryo, grabeng kulit nung mama para maningil dun sa mga foreigners ng additional $10.00 per group. Kahit ako, nainis na kasi todong pananamantala na yun. As in hindi sila tinigilan hanggang hindi nagbayad tapos ang bastos pa nung African. Sobrang pagiging oportunista naman nun.

Bakit ko nakwento ito? Kasi sumagi sa isip ko na ang last pit stop ng Amazing Race eh dito sa Pilipinas. (Actually tapos na daw, nakapunta na dito last May pa ata pero late nga ang telecast). I'm cringing just thinking what if ganun din, may makita sa TV na nang-oonse ang mga Pinoy? Eh andami pa namang ganun ang ugali basta kayang makaloko ng foreigners. Kakahiya di ba? I really hope pag napakita na yung part na andito na sa Philippines yung mga contestants, walang madagdag na masamang impression sa atin.

Tuesday, August 10, 2004

Sanggol

Napanood nyo ba kagabi ang Correspondents sa channel 2? Hay, ilang beses lang naman akong muntik maiyak sa sobrang kawawa ng mga batang na-feature dun. May isang nanay na kakapanganak lang and nung inuwi yung baby sa bahay, may apat pang anak ang naghihintay doon. Tapos pinakita na kumakain yung mga bata na ang ulam lang eh ketchup!

Then there was this family with 11 kids (my goodness!), 4 ang dumedede pa at ang gatas na tinitimpla nila, malabnaw para magkasya dun sa mga baby at toddlers. Hindi pa infant formula kasi hindi daw nila afford. Yung ibang mga anak naman, kanya-kanyang prepare para mag-school. Kawawa naman, gusot-gusot pa ang mga uniforms. Hindi agad sila makaalis kasi hinintay maluto yung sinaing, afterwhich binudburan ng nanay nila ng tig-iisang kutsara ng asukal as ulam. Diyos ko nakakadurog ng puso!

Sobrang nakakalungkot na talaga itong problem ng population natin. Kung sino pa yung mga walang pampakain at pampaaral ng mga anak, sila pa ang maraming supling. Kulang na kulang pa ang kaalaman about family planning. Hindi mo rin masisisi minsan yung mga taong hindi naman naturuan paano nga ba ma-control ang sunod-sunod na pag-aanak. Inisip ko nga, dapat nga ba common sense lang yun? Pero kay rami din naming taong nakapag-aral na nabubuntis ng wala sa oras ‘di ba?

Tsk, kaya nga agree ako dun sa two-child policy proposal eh. Sabi naman nung congressman na may panukala noon, hindi daw pilitan. Nga lang may incentives kapag sumunod. Sana lang maipatupad. Pero bago pa yun, sana din mas sipagan ng gobyerno ang pagtuturo ng family planning. The problem lang is, katoliko ang presidente natin kaya iwas-pusoy sya sa strict implementation. I have nothing against Catholics mind you, but I just wish na kung ang turo ng simbahan eh pro-life, maging masigasig silang turuan ang mga believers nila ng natural methods.

Kami apat ang anak. Sa hirap ng buhay ngayon, talagang iisipin at pagpaplanuhan mo anong mga dapat gawin para ma-ensure na maganda ang future ng mga bata. That’s why I chose to be ligated nung pinanganak ko si bunso. With a special child pa in the family, nag-decision kaming mag-asawa na stop na dapat para mapag-ukulan ng sapat na attention ang mga bata. Ang pangarap kong magkaroon ng anak na babae, babawiin ko na lang kapag nagkaron ako ng pamangkin sa mga kapatid ko or pag nagka-apo na ako. Kesa naman sa kagustuhang magka-babaeng anak eh hindi maitaguyod ng maayos ang pamilya namin ‘di ba?

Monday, August 09, 2004

Text ka dyan!

Nung weekend, dun kami nag-overnight sa Alabang sa mga in-laws ko to see my sis-in-law and her son who’s visiting from Guam for a few days. Sunday, uwi din kami pabalik ng Laguna.

Habang naglo-load si mister ng van, hindi ako makaalis sa tabi ni James dahil baka mahulog sa sofa. So pinakuha ko na lang yung extra pajama, diapers, wipes at powder dun sa bag. Eh nai-load na sa sasakyan. Naku pagbalik ni hubby, walang pajama at powder kasi daw di nya makita, at di na dala yung container kundi isang pirasong wipe lang. Tinamad na namang maghalungkat sa mga gamit!

Nung pasakay na ako sa van, andun si pajama sa car seat eh ang hirap namang suotan yung bata na one-hand lang ang gamit ko. So pawis-pawis na ako bago ko naisuot yung pajama kay James habang hawak ko din sya. Tapos nakita ko hindi pa nakatanggal yung seatbelt ng car seat ni James. Medyo naasar na ako so nasabihan kong “Paano ko kaya maiuupo ang bata dito? Kaya ko kayang tanggalin yung seat belt release na hawak ko si James?” Abaw, nairita pa ang mokong kasi daw madali lang naman daw yung gawin.

Since dun kami ni James sa likod ng driver’s seat nakaupo, mega-simangot at irap ako habang nagmamaneho ang mokong. On the way kami sa Festival Mall para i-pick up ang nanay, na kasama naman ng family ng sister ko, para sumabay sa amin pauwi. At dahil traffic, ka-text ko ang sister ko updating her kung nasan na kami.

The next time tumunog yung cel ko, nagulat ako kasi galing kay hubby yung message. Ang laman “I jst want u 2 knw, ur da fairest image frm a rear view miror. lab u. (may kasama pang smileys)” Ngek, burado tuloy ang inis ko. Pagsulyap ko sa rear view mirror, nakangisi ang loko. Sabi sa kin “O ba’t nakangiti ka na? Sino bang ka-text mo?” Pigil-pigil ang tawa ko, sabay sabing “Wala! Secret admirer!” Kainis, hagalpak sya ng tawa. “Che! Nagsasayang ka ng text! Hindi na kita lo-loadan next time hala.” sabi ko. Lalong lumakas ang tawa ni kolokoy.

Hay naku, nakakatawa talaga kami. Hanggang ngayon, kayang-kaya nya akong patawanin kahit asar na asar ako sa kanya. I’m really blessed to have a husband who has this sense of humor na jive na jive sa mga moods ko. Ayan, looking forward na naman ako, ano na naman kayang bagong pakulo nun next time :D

Tuesday, August 03, 2004

Kwentong Autoload at E-Load

Convinced na ako. Sa lahat ng home-based businesses ngayon, etong autoload na ata ang pinakamadaling gawin. Ako pa, eh hindi ako marunong mag-sales talk kaya nagsawa na ako sa kakasali sa mga networking chuva na kelangan mong magbenta ng kung anu-ano para kumita ng pera. Biro n’yo, nakapag-member na ako dati sa Amway, Vera Luz (yung soaps ek-ek) etc. at na-denggoy na rin kaming mag-asawa sa Powerhomes. Resulta? WALA KAMING KINITA KAHIT ISANG KUSING, ABUNADO PA!

Kaya nung ni-suggest ng sister ko itong autoload, (since nga naman sa bahay lang ako malimit at lumalabas lang pag kailangang mag-interview ng mga tao para sa mga articles ko) nagdalawang-isip ako. Sabi ko, baka mamya wala na namang mangyari so pag-iisipan ko pa. That time wala din akong pang-capital – kelangan bumili ng isang openline na celphone para makapag-dual sim ng para sa Globe at Smart, tapos bili rin ng retailer sims from both service providers, at initial loads na tig P500 each. Ang mabait kong kapatid, ni-loan-an ako ng pang-start up. So ‘di na ako naka-hindi.

Now, two months into the business, na-realize kong ang dali nga pala! Naglagay lang kami ng banners ng Globe at Smart sa gate, ayun kung sinu-sino na ang kumakatok para magpa-load. Oo, hindi ganun kalaki ang kita (nasa baryo lang naman kasi kami so granted hindi ganun karami ang customers) pero enjoy pala yung marami kang nami-meet na tao (kitam, sa liit ng baryo namin, marami pa rin akong hindi kilala!) at ang pinaka-importante, hindi ko kailangang lumapit sa kanila para bilhin ang produkto ko! Eh yun ang hate na hate ko about the selling business, yung pag-aalok. Ang sensitive ko pa naman sa rejections.

Ang pinaka-puhunan ko lang, yung kuryente pag-charge ng phone saka advance payment sa U2 (upline na naglalaman sa load wallet) para may pang-retail. Ay at saka yung exercise ko maya’t-maya pagbaba ng hagdan namin para makalabas ng bahay -- 19 steps po yun kaya minsan hingal din ako to the max pero great for the heart daw yun so sige lang. Projection ko, in six months’ time or less, mababayaran ko na agad yung sister ko.

Nakakabilib ang technologies natin ngayon ano? Ten years ago, di ko aakalaing magiging halos sinko isa ang celphones dito sa atin. Di ba nung unang labas ng mga cel eh konti lang ang kayang bumili dahil sa sobrang mahal? Eh ngayon, kahit elementary students may cel na! At ang pinagtataka ko lang, merong mga nagpapaload sa akin na halos araw-araw trenta ng trenta pesos. Mga estudyante yun ha. Iniisip ko nga, sino-sino kaya ang pinagtiti-text ng mga batang yun at ang gastos sa load. Kaso alangan naming pagsabihan ko eh hindi ko naman pera yun.

Kaya wake-up call din sa akin na kahit grade 5 na itong panganay ko eh hindi pa namin sya binibilhan ng cel. Sus, pag high school na siguro at kung maganda ang grades nya. Fear ko pa, baka mamya maging mitsa pa ng buhay nya yung may makatipong masamang loob na pagnakawan o kidnapin ang anak ko dahil baka akalaing mayaman.

Ay nalayo ako! So yun nga, sa mga nag-iisip ng pang extra income, try nyo yung autoload. Nga lang, dapat medyo ikaw ang una sa lugar nyo na magkaron noon. Kasi may ibang towns dito sa amin, halos every 5 houses eh naglo-load. Dito sa baryo namin, ang alam ko meron ding iba, mga tatlo ata. Pero ang advantage ko, meron akong banners sila wala. Kaya kahit strangers, dito ang diretso sa gate namin dahil kitang-kita. Sabi nga ng asawa ko “A business without a sign is a sign of no business.” So malaking tulong din yung advertising concept ng signs. Buti na lang binigyan ako ng U2 ko ng libre.

Monday, August 02, 2004

The Bookworm Strikes Again

Mababaw kaligayahan ko. Kapag me extra money ako, unlike most women na ang binibili eh damit, sapatos o anything for kakikayan, ako --- libro! At kay swerte ko naman dahil last Tuesday, nag-interview ako sa Los Baños ng isang mommy for one of my articles at tamang-tama, sale sa The Practical Shop. Naku, buy-one-take-one ang mga pocketbooks at buy-two-take-one naman ang mga children’s books (mga brand new na made in Indonesia tapos tamang-tama kay James for visual stimulation). Marami ring art books for kids na below P30 lang ang prices. Eh di ano pa, napagastos ako to the max. Pero super happy ako sa mga purchases ko. At tuwa din ang mga anak ko sa mga pasalubong ko. (These days kapag galing ako somewhere, hindi na sila nagtatanong ng “Anong toy ang bili mo Mommy?” kasi alam nilang hindi ko sila papasalubungan nun. Sa dami na ng kalat nila sa kwarto! Ngayon ang mga tanong “Me bili ka pong bagong books?” hahaha. Nasa training din pala yun!)

Nung natapos ko na ang draft, gustong makita nung interviewee ko and offered na i-meet ako halfway from where we both live. At dahil hanggang nung Saturday ang book sale, sabi ko punta na lang ulit ako ng Los Baños kasi may babalikan akong books. Ngak, nagastusan ulit ako kasi inisip ko, saan naman ako makakakita ng P45 na Ken Follett tapos me libre pang Jackie Collins na kasama? I also bought some Wilbur Smiths and Janet Daileys. Sangkatutak na naman ang dala ko pauwi. May bitbit na nga akong canvas bag para may sure akong paglalagyan na matibay. Ayun, puno lang naman sya hehehe.

All in all, I got 25 children’s books and 14 paperbacks (most are almost brand-new!) for a measly sum of P700 more or less. Ayan, looking forward akong isa-isahing basahin ang mga yun. And ang nakakatawa, ako na normally nanghihinayang sa P150 worth of roses na dinadala pauwi ng asawa ko (sobrang practical ko na ba?) eh hindi nagdalawang isip bilhin lahat ng books na yun. Uy pero sobrang appreciated ko yung uwi nyang Rosemary plant last week! Hahaha, ako nga daw ang classical example ng spendthrift na tao.


Sa Babalik

Hay na-miss ko ang mga blogs ko. One week akong di maka-computer dahil sa hard disk kong nag-crash. Buti na lang ayos na. Kinailangan na syang palitan. Tsk, tsk, ubos ang mga files ko. Burado lahat! May mga na-save akong konti sa diskette, ayun corrupted naman yung iba.

Tapos nawala din lahat ng email addresses ng mga contacts ko sa Outlook Express address book. Kaya yung mga ka-email ko dyan sa tabi-tabi, please do forgive me kung hindi ko na nasagot yung mga private emails nyo ha. Please email me back na lang kasi di ko alam saan huhugutin ang mga addresses nyo.

Hay buhay!
Related Posts with Thumbnails