Help Make a Difference

Thursday, November 27, 2003

Susmio! Bad hair day ako!

Allow me to make kwento ng aking mis-adventures kaninang umaga….

Inabot ba naman ako ng halos 1 hour na paikot-ikot ng San Pablo City just to withdraw money (need to pay bills, buy groceries and give 13th month pay sa maid namin) from an ATM! BPI has 3 branches in San Pablo. Kaso yung nasa Rizal Ave. 3 days nang (since Tuesday) offline dahil daw sa connection chuva. So I went to the M. Paulino branch. Naku wala na daw pera ang machines kaya magre-reload pa. Tanong ko, anong oras ho matatapos ang reloading? Abah ang sagot ng sikyo "Ay hindi pa naglo-load at wala pang pan-load." Huh? Bangko, walang pang-load???? Dun daw ako sa Landbank pumunta.

So punta ako ng Landbank (mga 4 blocks away). May nakalagay na papel sa screen ng ATM machine announcing "Nagre-reload ng pera." Tanong ako sa sikyo, kelan po ba matatapos yan? Sagot? "Ay one hours (take note, floral este plural form ang ginamit nya) pa." Ngek!

Naalala ko me isa pang branch ang BPI sa Regidor St. (juice ko kabilang dulo ng San Pablo itoh!) kaya pumunta ako dun. Kaso kahit naka-green ang ilaw sa ATM nila, hindi daw ma-withdrawhan ng pera. Ngek talaga. Tanong ulit ako sa sikyo saan may ibang Expressnet ATM. Dun daw sa Allied Bank kaso babayad daw ako ng charge. Ok fine, maka-withdraw lang magbabayad na ako ng P11.00. Kaso Bancnet naman pala ang Allied!

Naisip ko, PNB is Megalink so connected sa Expressnet. Balik ako sa M. Paulino St. and pumasok pa ako sa PNB just to ask a teller and make sure Expressnet capable nga ang ATM nila. Oo daw. So labas ulit ako at pumila na.

Nanay ko po! Abutin ba naman ako ng more than 20 minutes sa pila dahil andaming matanda na nagpapaturo kung paano gamitin ang ATM cards nila. Yung mga nauna sa kin sa pila, dun sa mga dalaga nagpaturo. Mga apat na matanda yun. Eh yung kasunod ko na lola, nagsabi na rin sa akin na sasabay daw sya sa loob ng booth at turuan ko daw sya. At dahil kawawa nga naman, eh di pinauna ko na gumamit nung machine with matching instructions.

So ayun, si lola naka-withdraw ng pera. Ako? Hindeeee! Sabi ng machine "Your bank is not currently connected with this ATM." Waaaah! Sa tinagal-tagal kong naghintay, wala pa rin pala!!!!

Tapos biglang naisip ko, since BPI Family yung nasa Regidor pwede akong mag-over the counter withdrawal! Balik ang Ruth sa Regidor branch. Pudpod na paa ko kakalakad. Hindi naman makapag-tricycle dahil puro one way din ang daan, aabutin ako ng syam-syam papunta sa mga pupuntahan. Hay naku, since inter-branch transaction daw (Alabang branch kasi ako) kelangan ko kausapin ang manager.

Ayun hiningan ako ng IDs. Bigay ako ng driver's license, TIN at SSS cards ko. Daming tanong! Tapos nung mukhang satisfied na sya, mag-fill up daw ako ng withdrawal slip. So fill-up naman ako. Pagbalik ko sa desk nya (may kalayuan din dun sa pirmahan table ng forms) sabi ba naman, iba daw ang signature ko. Ulitin ko daw, at kagaya dapat nung nasa driver's license ko. Balik na naman ako dun sa table ng forms. Eh nagkamali ako sa pag-fill-up ng account number ko, nagkaron ako ng erasure. Pagbalik ko sa manager, waaaah talaga! Bawal daw erasure kaya fill-up daw ulit ako.

Muntik ko ng kunin lahat ng withdrawal forms at dalhin lahat dun sa desk nung manager para hindi na nya ako pabalik-balikin. Mukha ba akong mandarambong??? Feeling ata nya lolokohin ko sya kaya ako pinapahirapan ng todo, eh sa kin naman talaga yung ATM card ano?! Napaka-inconvenient na nga ang ginawa ng BPI sa kin. For 3 days walang ma-withdrawhan sa mga branches nila tapos pagdududahan pa ako. Litsugas talaga!

Heniway, ayun pagkatapos ng lahat ng pahirap, pinapunta na ako sa teller at pwede na daw akong mag-withdraw. Pagkakuha ko ng money, sumakay na ako ng jeep at tumuloy ako ng PLDT (malayo na talaga ito, di kayang lakarin) para magbayad.

Pagkalabas ko ng PLDT office, me isang tricycle ba naman na biglang nag U turn sa tapat ko at tamang-tamang may sumalpok sa kanya na isang motorcycle. Ngarrr, ang lakas ng impact! Tumalsik yung mama na naka-motorcycle pero hindi naman ata nasugatan kasi nakatayo pa agad and confront bigla dun sa tricycle driver.

Hay ang puso ko! Mga 3 meters away lang ako sa sidewalk. Maryosep talaga. Kaya kahit medyo nginig ang tuhod ko, pumara na ako ng jeep at sumakay pabalik ng bayan.

Nag-grocery ako sa Sioland tapos pumunta ako ng Expressions to buy some school supplies. Eh nagutom na ako sa dami ng ginawa ko, pinasama ko muna sa package counter yung binili kong school supplies sa loob dahil mabigat masyado kung bibitbitin ko lahat para bumili saglit ng Pearl Cooler sa Greenwich. Abah ulit, sabi ba naman ng guard "Mam lalabas na ba kayo ng Expressions? Kasi bawal magpa-iwan ng gamit dito kung wala na kayo sa loob ng Expressions." @#$%&* naman! Bumili naman ako sa kanila, wala silang konting pakunswelo na bantayan lang ang gamit ko ng ilang minuto! Sabi ko sandali lang naman at may bibilhin lang ako saglit. Aba utang na loob ko pang pumayag sya! Grrr, kainiiiiiis!

And that was just the half of my day. Hay wag ko na nga ikwento ang kalahating araw ko, magmumukhang nobela na naman ito. Ang saving grace na lang eh, may nakuha na akong iinterviewhin for my article.

Hay basta, feeling ko kanina, para akong trumpong pinaikot-ikot ng mga tao sa San Pablo. At least ngayon, nakaupo na ako sa harap ng computer at dadaanin ko na lang sa paglalaro ng Bookworm para mawala na ng tuluyan lahat ng tensyon na inabot ko....

Monday, November 24, 2003

Kahapon, umuwi kami ng Laguna galing Manila ng mga ala-una na ng umaga. Inabot kami ng syam-syam sa byahe kasi ba naman na-flatan kami ng gulong sa South Expressway. Nung nararamdaman na ng asawa ko na me kakaiba (me clack-clack-clack na sound) ni-check nya sa labas and malapit na nga daw bumigay yung gulong. So iginapang ng takbo hanggang Calamba toll gate para daw maliwanag pagpapalit ng gulong. Abah, wala pang 2 minutes na mabagal takbo namin sa right shoulder, me kasunod na kaming toll way patrol! Ang bilis rumesponde ha.

Tapos nung mga 100 meters from the toll gate, bumigay na yung gulong. Buti slow ang takbo nung sasakyan kaya malakas na hiss lang ang narinig namin. Tumigil din yung tow truck. Nung lumalapit na yung isang mama, sabi ko kay mister, "Hindi ako magbabayad ng isang libo dyan ha!" Baka kako maningil ng harang. Eh nakarinig na ako dati ng mga storyang racket ng mga tow trucks.

Turned out they (3 sila) changed the tires and nagastusan lang kami ng P150. Tagfi-P50 silang 3. Sabi kasi bahala na daw kami. Ok na rin daw sabi ng asawa ko kasi mas mahal pa nga daw kung sa gasoline stations. Sabi ko sa kanila nung brother ko, ang tamad nila. Sagot sa kin at least di daw sila nahirapan at pinagpawisan. Hus, kala ko pa naman papairalin ang machismo, wala pala! hehehe

At least nakauwi din kami ng matiwasay at walang nangyaring masama.

Friday, November 21, 2003

Hatinggabi na, gising pa ang makulit kong bunso. Naghahanap ng cartoons. Sabi ko walang cartoons sa gabi, sa umaga lang. Nag-isip sya at sabay sabing “At pati sa hapon?” dahil nanonood nga pala sya ng Zoids pagkagaling ng school. Eto ang sumunod na mga palitan ng salita:

Mommy: Oo pati sa hapon meron palang cartoons.
Daniel: Eh sa gabi, drama lang? (drama tawag nya sa mga telenovelas)
M: Opo.
D: (nag-isip ulit) Eh Mommy, pati sa umaga meron drama! Pigtapos ng Katri meron! Kasi meron silang nisasabing Seyora!

Hehehe, yun pala ang pamantayan nya ng drama, yung merong tinatawag na Senyora.

Tuesday, November 18, 2003

Nanay Blues

Argh! Ang sakit na ng likod ko! Nakaka-apat na oras na ako hindi pa rin tapos! Ang ano? Ang project ng anak ko!

Kasi naman kung bata lang ang papagawin mo, tapos lahat ng kaklase nya eh nanay nila ang gumawa, kawawa naman ang kalalabasan ng project ng anak ko. Eh ang teacher naman hindi tinitingnan ang effort ng bata kundi ang ganda ng isinubmit. Wa akong choice! Waaah!

Last year nung grade 1 pa lang ereng si Josh, may project na ganito rin, Big Book ang tawag. Kumbaga, kelangang mag-submit ng isang malaking story book gawa sa kartolina at drawings etc. Last year, ang gastos ko. Ipinag-surf ko pa ng fairy tale sa internet at isa-isang ni-format ang pages para ma-print ng malaki ang graphics at text. Ayun hindi pa man tapos mag-print lahat (24 pages ba!), naghingalo na ang ink ng printer ko. Nakah, nasa P1,500 pala isang cartridge! Shempre hindi ko alam dati kasi libre lang naman ang ink pag bumili ka ng printer, eh ayan, naubos tuloy.

This year, ayoko ng mag-aksaya sa ink. Nag-isip ang nanay kung saan mas matipid. Eh di bumili ako ng dalawang kopya ng isang fairy tale coloring book. Pinili ko yung The Sly Fox and the Little Red Hen para naman maiba at hindi yung mga popular stories at baka lahat ng classmates ni Josh eh mala-Disney lahat ang i-submit.

Ayan, pagdating ng bahay, nilabas ko ang mga water colors at ang mga kabago-bago kong biling paint brushes (na gagamitin ko pa naman sana sa totoong painting). Inumpisahan kong i-water color ang mga drawings para ang po-problemahin ko na lang eh pagpi-print ng text na malalaki. Nakupo! Ang hirap din pala! Maya't-maya kelangan kong tumayo para lang magpalit ng tubig at nakakangalay sa likod at sa kamay.

Asus, eto at 4 hours later eh mga 75% done pa lang ako. Ahhh, gusto ko ng mag-give up! Kaya nag-computer muna ako at ng makapahinga ng konti.

Hay naku, ang hirap maging nanay talaga! Eh no choice kasi kawawa ang bata kung di mo tutulungan. Oy di ako kunsitidor ha. Kapag regular assignments naman, pinapabayaan ko ang mga batang magsagot ng sarili. Tanungan lang ako pag may hindi alam. Kaso pag projects talaga, at dahil mataas ang nakatayang grade, ayan damay si nanay. Ayoko namang mawala sa pilot section ang anak ko ano.

Oh well, kahit papano, fulfilling naman at masaya na ako pag makita ko bukas, este mamya na pala, ang ngiti ni Josh at tapos na ang project nya. Hay, teka nga at makainom muna ng Alaxan.....

Monday, November 17, 2003

Kurtina sa mga Bus

Kakagaling ko lang sa Manila kahapon. Napansin ko, wala nang mga kurtina ang karamihan sa mga bus. Buti naman! Sa magkasunod na holdapan nung isang linggo dahil sa mga kurtinang iyan, nakakatakot na tuloy magbyahe sa bus. Eh no choice naman ang mga simpleng tao (not to mention walang datung pambili ng sariling sasakyan) kundi mag-commute.

Kasama ko ang isang anak ko kahapon. Nasakyan namin ang isang Tritran bus na may transparent na pinto sa loob ng bus sa bandang gitna. Comment agad ng anak ko “Wow, ang high-tech naman ng bus na ito!” Natawa na lang ako sa sinabi ng katabi naming mama, “Kasi dun sa kalahati ordinary fare, walang aircon dun.” Ngek! Pero di ko naman ma-confirm kung totoo nga. Eh para nga naman saan kaya yung pang-hati na yun? Nahiya naman akong magtanong sa kundoktor at baka sabihan akong tsismosa :P

Wednesday, November 12, 2003

Yung VCD player namin mga 1 month na, di gumagana. Pag umuuwi asawa ko ng weekends walang time naman magpaayos. Awa na ako sa anak kong special child kasi TV at VCDs lang kaligayan nun eh pag late na sa gabi, nagtyatyaga sa mga news programs. Kanina, sa sobrang asar ko (kinakatok ko na nga yung player baka matauhan at umandar) binuksan ko na yung takip at nagkalikot ako sa loob. Abah! Umandar! Linstok talaga, tagal na di magamit tapos me kakalabitin ka lang pala sa loob para umandar. Feeling McGyver tuloy ako :D

Monday, November 10, 2003

Hay ang sarap talagang magtrabaho ng tahimik. Eto ako ngayon, gumagawa ng mga article drafts ng alas kwatro ng umaga. Kakakuha ko lang sa ref ng isang malamig na siopao. Tinamad na akong mag-microwave kaya sige, ok lang kung malamig kainin. Busog pa rin yun hehehe.

Friday, November 07, 2003

Napanood ko last week sa Entertainment Tonight yung California bush fires. Grabeng destruction! Ang natuwa ako eh nakita kong active si Governor Arnold Schwarzeneger at super supportive sa mga firefighters. Napa-email tuloy ako sa isang kaibigan ko sa San Francisco. Kinumusta ko kung malayo nga ba sila dun sa mga bush fires at napa-comment na walang-wala sina Erap at FPJ kay Arnold S. Sagot ng loka kong friend? “Eh pa’no sina Asiong Salonga at Panday lang yun, eh dito sa ‘min, Terminator!” hehehe Tawa ako ng tawa.

Wednesday, November 05, 2003

HARANG NA ITO AH!

Sa mga PLDT subscribers: Naranasan nyo na bang gumamit ng 114 for directory assistance lately? Ay naku asar na. Pa'no ang maririnig mo eh "For paid directory assistance, please call 187. Only P3.00 per call." Naman para magtatanong ka lang ng numero ng telepono eh may bayad na? Ba't ganun. Wala man lang kunswelo sa kanila eh ang yaman-yaman na nga nila.

La lang, naisip ko lang, bakit kaya kelangan ng magbayad ng mga tao para lang magtanong ng numero. Hala, mamaya pati yung yellow pages nila at printed directory eh kelangan mo ng bilhin. Teka, hindi naman kaya dito lang sa probinsya yang sistemang yan?

Ah basta, na-disappoint lang ako.

Monday, November 03, 2003

UNDAS SA PINAS

Hay tapos na naman ang todos los santos. Nakakaaliw talaga mga tradisyon sa Pinas. Pati pagdalaw sa patay eh nagmumukhang piyesta. Particularly, ang ikinatutuwa ko eh nagiging rason ito para magkasama-sama ang mga magkaka-pamilya at nagkikita-kita ang mga dating magkakakilala.

Siguro nasasabi ko yan dahil andito ako sa probinsya, baryong-baryo ang dating. Madali lang pumunta sa sementeryo dito. Walang gaanong mayayamang tao na makikipag-away dahil lang sa parking slots. Mas marami ang traysikel na nakapila at nagsasakay ng hindi maubos-ubos na mga pasahero. Umuwi ang mga kapatid ko at sama-sama kaming nagpunta at tumambay sa puntod ng tatay namin at ng mga lolo’t lola. Enjoy pa ang mga anak kong magpulot ng sticks at sunugin sa sangkatutak na kandila.

Marami kaming kamag-anak at dating kababaryo na dumaan. Habulan ng kwento tungkol sa buhay-buhay. Nakakatuwang makita ang mga malalayong pinsan namin na ngayon ay mga dalaga’t binata na, eh nung huling kita ko hanggang beywang ko lamang. Naramdaman ko tuloy biglang ang tanda ko na pala!

Pero sa Maynila, hindi na ako uulit dumalaw ng puntod kapag undas. Naranasan ko ng makasama ng pamilya ng asawa ko na pumunta sa Manila Memorial Park sa Paranaque kung saan nakalibing ang biyenan kong lalaki. Ayun, inabot kami ng halos isang oras para makahanap ng parking, tapos pagkalayo-layo pa sa puntod yung napuntahan namin. Kinailangan pang magpabalik-balik sa sasakyan para lang madala lahat ng gamit dun sa pupuntahan. Eh magdala ba naman ng banig, mga unan at canvas roof with matching poles, hingal tuloy ang asawa ko pagbitbit. Sya lang ang lalaki eh. At dahil overnight ang gusto nila dun, nilamok lang naman at nilamig kami ng todo. Bandang alas-dos ng umaga, nag-aya na akong umuwi dahil hindi makatulog ang baby namin noon. Ayun, hinatid na lang kaming mag-ina ng asawa ko sa bahay sa Alabang.

At yun na ang una at huli kong adventure ng todos los santos sa sementeryong Maynila. Hinding-hindi na ako uulit! Mas masarap pang pumasyal doon ng walang okasyon dahil tahimik at maganda ang paligid. Walang kalat, walang ingay, walang mga nakaharang na mga latag ng banig sa daraanan mo.

Kaya kahit saang anggulo ko tingnan, napaka-swerte pa rin ng mga taga-probinsya. Dito, ramdam mo ang tradisyon. Walang away, walang tutukan ng baril kapag nagkainitan ng ulo, walang problema kundi ang pangungulila sa mga minamahal na yumao. Ayan, na-miss ko na naman ang ng todo ang tatay ko….
Related Posts with Thumbnails