Help Make a Difference

Tuesday, January 23, 2007

Ang Daga, Bow!

Very early last Sunday, bandang alas-tres na ng umaga at hindi pa natutulog si James, gising pa rin kaming mag-asawa. Si Nonoy, kaka-tube feed lang kay James sa sala na nakaupo lang sa carseat at nanonood ng TV. Ako, nasa kwarto at nagbabasa ng book.

Suddenly, may squeaking sound sa may aircon sa ulunan ko. Split-type kasi yun kaya may butas ang wall sa likod kung saan dumadaan ang tubes ng Freon etc. galing dun sa main makina sa labas. Ilang araw na nakaraan nung napansin ni Noy na may butas (around 1 inch diameter) yung duct tape na nakatakip dun sa butas. Since hindi pa ulit kami nakakabili ng duct tape, di muna nya natakpan.

Tapos biglang napansin na yung isang filter ng aircon, wala na. Duda nya, may dagang nakapasok tapos nginatngat kasi baka gagawing nest. Then yun nga, nung madaling araw nung Sunday, nakarinig kami ng squeaks. Maya-maya, may nalaglag na bubwit! Eh di medyo tili na ako ng konti and ran for a plastic bag para mapulot ni Noy at maitapon sa labas.

Magfo-four na ng umaga yun when we decided, i-vacuum na lang natin yung aircon. Kasi kako baka mamya nanganak na nga yung nanay daga at kung kelan tulog na kami eh may magbagsakan pang bubwit sa mukha namin. Itinaas namin yung dalawang kutson (yep, wa kami bed frames kasi baka mahulog pa si James eh malaking problema pa) at tiniklop ang bedsheets para ma-clear ang floor. Habang ina-assemble ni Noy yung vacuum cleaner, may nakita akong ulo ng daga sa side hole nung aircon. Sabi ko pa, “Ay Daddy, look, tinitingnan tayo!”

So kumuha pa ako ng Raid Insect Killer at ni-spray-an ko yung magkabilang openings sa sides ng aircon para ma-groggy man lang ang mga daga at mas madaling mahulog if ever. Naglagay pa kami ng fly paper trap sa may floor para just in case bumagsak sila, hindi na makakatakbo dahil didikit sila dun.

So ayan na, tinanggal ang harapan na takip ng aircon, tumuntong sa monoblock chair si Noy at dahil maiksi ang hose ng vacuum, pinahawak nya sa kin yung machine para itaas ng konti at nang maabot nya yung mga vents. Unang nahigop yung bunches ng filter na mukha ngang ginawang pugad ng linstok na daga.

Mamya pa, dun naman sa kabilang hole sa left side ng aircon, nakita ko na naman yung ulo ng “daga”. Imagine my horror nung bigla syang tuluyan lumabas at nag-slither pababa. (Shet, tumataas na naman balahibo ko habang nagta-type nito!!!!) Before pa sya lumagpak ng tuluyan sa floor, nakasigaw na ako ng malakas. Si Noy, akala pala nakakita lang ako ng daga kaya late reaction pa sya. Pagsigaw ko ulit ng “Ahaaas! Eeeeeeeek!” talon sya sa chair, tinulak ako palabas ng pinto, nabagsak ko yung vacuum cleaner at sabay kaming tumalon sa sofa. Looking back, nakakatawa ang itsura namin malamang noon kasi natawa si James sa amin.

For the first time in my life, noon ako nakaramdam pano manginig at magsalpukan ang magkabilang tuhod at mangatal ang buong katawan. Kitang-kita namin from the sofa kung pano nag-writhe sa floor yung ahas before sumiksik dun sa isang kutson.

Nagising ang maid namin saka si Joshua, sigaw agad ako na wag lalabas ng kwarto. Kumuha si Noy ng mop, pinakuha sa maid yung itak sa labas ng bahay at binantayang huwag makalabas ng kwarto yung ahas.

Meanwhile, nanginginig ang kamay kong nag-dial ng Rescue number dito sa Muntinlupa. Sows, wala daw silang mobile that time! So tawag ako sa bumbero, mukhang nagising ko pa yung nakasagot at iritableng sinagot ako ng hindi sila nanghuhuli ng ahas. So much for public service!

Finally, nung natawagan ko ang Barangay Putatan, pumayag silang pumunta sa bahay namin. Although malayo yung station, kaya inabot din ng mga 30 minutes bago sila nakarating. All the time na naghihintay kami, sinasabihan ko talaga si Noy na huwag i-attempt na sya ang pumatay kasi baka matuklaw sya. Eh nakataas daw ba ang ulo ng ahas pag sinisilip nila!!!

Finally, dumating ang mga taga-barangay, apat na mama. Ayun fearlessly nilang pinasok at pinukpok yung snake ng mga dala nilang mahahabang kahoy. Sanay na sanay! Buti na lang sila ang natawagan namin. Nung hinila nila palabas ng kwarto yung ahas gamit ang stick, nginig na naman ako nung nakita ko. Litsugas, more than 3 feet long pala! Tapos sabi pa nila yun yung poisonous kind kasi reddish brown ang kulay.

My God, buti talaga at hindi pa natulog agad si James that time! I can’t imagine pano gagawin namin kung tulog kaming lahat tapos bumagsak sa mukha namin yung ahas eh directly nasa ibabaw lang ng ulunan ng bed yung aircon.

Ayun, at five in the morning, nagdidikit kami ng packing tape sa lahat ng butas ng aircon sa loob at labas ng bahay. Alas-syete na kami ng umaga nakatulog sa sobrang pagod. That night, before kami matulog ulit, pinatakpan ko na ng kumot yung buong aircon dahil sobrang na-trauma talaga ako.

Bakit may ahas sa area namin? Kasi marami pang vacant lot sa subdivision na ito. At two weeks ago lang, may nagsunog ng tall grasses dun sa bandang itaas namin. Duda ko nga, siguro may pinasok ang bahay ng ahas kaya nagsunog sila sa malapit sa kanila. That time, unfortunately, nagbabaan naman ang mga ahas sa part namin kaya kami ang napuntahan.

Isa pang factor, one month na kasing nakakulong si Panda (aso namin) ever since nanganak sya nung December at nangagat ng kaibigan ng maid namin. (That’s another long story pero pramis, may katatangahan talaga yun babae kaya sya nakagat). Kaya hindi na sya makagala sa yard kahit sa gabi. Eh magaling pa naman yun manghabol ng mga palaka at daga before.

So ayun, ang ending, si Panda, (na-nadelay lalo ang pagdispatcha namin) pinapalabas na lang namin sa gabi para mag-patrol ng surroundings. Iniiwan na lang na bukas yung gate ng cage para makapasok sya sa loob pag magdedede na yung mga tuta. Sa umaga, balik cage na lang ulit sya. Naku kelangan lumaki na yung mga tuta para yung matitira sa amin eh ma-train na ng mas maayos.

Hay! Until now, praning pa rin ako pag nakakakita ng mga butas-butas dito sa loob ng bahay :(
Related Posts with Thumbnails