Help Make a Difference

Tuesday, September 21, 2010

Eraserheads Limited Edition CD Set from Greenwich!

Sigurado akong mae-excite yung mga kaibigan kong E-heads fans...

Just click the photo to enlarge and read the mechanics. Enjoy! :)

Wednesday, September 01, 2010

Unang Yakap Campaign

Sana meron na nito noong nagbubuntis pa lang ako sa mga anak ko. Siguro, nag-insist akong mahawakan ang baby (kahit gaano ako kabangag sa anesthesia) at mag-breastfeed right after ko manganak doon pa lang sa delivery room. Sa kanilang apat, yung pangalawang anak ko lang ang naipatong sa dibdib ko after ko s'ya nilabas. Ngayon, s'ya yung pinaka-active sa kanilang magkakapatid. Pinakamalakas ang resistensya at mahilig sa sports. Tingin ko, may bearing yun.

Sana din, nalaman ko noon na hindi naman pala dapat pinapainom ng tubig ang baby sa first six months kasi mas maganda kung purely breast milk lang. Sana may napakita akong proofs sa mga kamag-anak naming pakialamera nakakatanda at iba ang pilit ipinapagawa sa akin noon. 

Sana lahat ng mga young moms ngayon, mapanood ang video na ito. Maganda talaga na may mga ganitong information campaigns. Kudos DOH!

Related Posts with Thumbnails