Help Make a Difference

Wednesday, October 27, 2004

Globe Gizmo for Kids

Hay, kay tagal na akong inuungutan ng panganay namin na bilhan na daw namin sya ng celphone. Kaso may history sya ng kalimot (ang dami na nyang nawalang gamit sa school!) although ngayong grade 5 na sya wala na gaano, unlike nung grade 1 at 2 pa lang sya (nakawala ng signature jacket at cap plus ilang lunch boxes aside from other things). Medyo afraid akong iwala lang ang celphone eh ang mahal pa naman nun!

Buti na lang may promo ang Globe ngayon! Kakabili lang ng friend ko ng Nokia 3315 phone kit para sa anak nya last week sa halagang P799.00! Naloka ako. Magandang pagkakataon ito! Kasi next week, magbi-birthday si Leland (11 years old) kaya I think pwedeng-pwedeng pang-gift yun sa kanya. Nyay wag lang sanang iwawala. I'm hoping this will teach him to be more responsible instead.

Sa mga may post-paid Globe accounts, pwede kayong mag-avail din ng promo. One Gizmo fone kit per plan daw. Since prepaid kaming mag-asawa, I've asked my sister na ikarga sa account ng bro-in-law ko para makabili kami. Ipinadala ko na nga yung ID ni Leland sa kanila (compulsory yun pag bibili ka). Sana by tomorrow mabili na nila. Hanggang Oct. 31 na lang daw yung promo eh so hurry-hurry kayo if interested.

I can't wait to see my son's face when he finally gets his gift. He will flip out for sure. Teka, napapaghalatang mas excited pa ang nanay ... hehehe.
Midnight Snack

... eto ako kumakain ng banana cake at umiinom ng Milo sa harap ng computer ng alas tres ng umaga.

Ito kasing si Deden, kakapanood ng Blue's Clues, tagal na kong kinukulit na magluto daw kami ng banana cake gaya nina Mr. Salt at Mrs. Pepper (if you're not familiar with this Nick Jr. show, sila yung mag-asawang kusinero ni Steve hehehe). Manduhan ba naman ako halos araw-araw ng "Mommy, madali lang, lalagay ka lang ng flour, tapos eggs..." Hah! As if ganun kadali yun!

Kahapon, dahil nagu-guilty na ako sa sobrang ka-busy-han ko sa mga article deadlines ko the past 2 weeks, pinagbigyan ko. Buti na lang meron talaga akong recipe ng banana cake na matagal ko na ring hindi nabi-bake.

At para matuwa si bulilit, sya yung pinag-mash ko ng bananas. Ack, wala pang 2 minutes, pagod na daw sya. Mas enjoy syang amuy-amuyin yung cinnamon powder at tikman ang baking soda.

Nung nilagay ko na sa oven ang baking pan, nakupo, hinila ang silya papuntang stove at babantayan daw nyang maluto. Kasi daw sa Blue's Clues madali lang naman naluto. Buti nauto kong manood muna ng TV at baka mangalay syang nakatanghod dun sa cake.

Ayun, naluto din sa wakas at success ang aming experiment! Ayan, dahil wala sina kuya niya (sem break at nagbabakasyon sa mga lola sa Alabang), ang daming cake tuloy sa lamesa namin ngayon. Kaya eto, minimiryenda ko ang isang piraso para mabawasan :D

Thursday, October 21, 2004

Calling

Kanina, nag-text ang brother ko "Ate san exactly ba yung Maldives?" Aba'y ewan ko! Napabuklat ako tuloy ng Encyclopedia ng 'di oras. Ayun nasa ibaba ng Sri Lanka daw sabi sa description. A republic composed of around 2000 islands pala yun. Kuha pa ako ng Atlas para makita ko sa World Map. Nyay tuldok-tuldok lang pala, malaki pang tingnan ang Babuyan Islands ng Pilipinas!

So text ako kay little brother (who happens to be taller than I am now and is already a faculty staff in UP Diliman's College of Music) ng info with matching tanong na "Bakit, pupunta ka dun?"

May nag-offer daw sa kanya kasi na mag-work doon as a performer (in fairness, magaling tumugtog ng classical guitar ang kapatid ko!) and $1500/month ang offer, libre na lahat. Kaso parang ayaw daw nya kasi kung isolated yung place, malamang malungkot dun. Magre-refer na lang daw sya ng ibang friends nya na musicians kung sinong may gusto.

Text back ako ng "Aba'y ipag-pray mo muna at baka d'yan ka pala yayaman hehehe"

Sagot n'ya "Hindi ko kayang iwan ang mga estudyante ko. Dito muna ako, gusto ko munang mag-share ng talents ko sa kanila."

Naks! Proud naman ako sa kanya. UP na UP alumni ang dating, una ang bayan bago ang ibang bansa. (Ack, parang nage-echo ang boses ni Rufa Mae sa background at sinasabing "Para sa Bayan 'tooo!" hahaha). Perhaps yun nga ang calling nya for now.

I remembered what this teacher said whom I interviewed just the other day para sa isang article ko. Sabi n'ya sa akin "Gusto ko, pagharap ko sa Diyos, masasabi kong hindi ako nagkamali sa pinili kong propesyon dahil ibinuhos ko ang lahat ng aking makakaya." At pakiramdam ko, ganun din ang iniisip ng kapatid ko kanina :)

Wednesday, October 13, 2004

Discoveries

I’ve heard it said time and again that it’s good to be learning something new every day. That is true. Kahapon, marami akong naging pagkakataon para mangyari yan.

Nagpunta ako ng Manila para mag-interview ng isang taga-DOLE (Dept. Of Labor and Employment). All I knew was the name of the building and that malapit ang office nila sa Letran. So sumakay ako ng bus papuntang LRT Buendia. Pagkababa doon, nanibago ako sa LRT dahil marami palang kaibahan ang sistema nila kesa sa MRT kung saan ako sanay. Bihira kasi ako magawi sa part na yun ng Manila na naka-commute eh.

Matagal na since nakasakay ako ng LRT at yun eh palaging may kasama pa ako. Kaya nakakawindang ng konti nung umakyat ako sa stairs only to find out na wala palang overpass doon papunta sa kabilang side kung saan ako sasakay ng pa-Central Station. Hay baba na naman ako ng hagdan at tumawid ng kalsada tapos akyat na naman. Nung dumating na yung train, nakita kong maluwag yung bandang unahan ng first car so takbo ako para dun pumasok sa pinto nun. Ack! Napagalitan ako ng guard kasi daw pang-senior citizens daw at mga may dalang bata dun. Malay ko ba!

So pinapunta ako sa kabila ng rope kung saan parang sardinas ang mga nakatayo. Naisip ko lang, sayang naman yung mga bakanteng upuan dun sa bandang unahan habang pinapawis kaming nagsisiksikan. Tsk, tsk, tsk.

Anyway, pagbaba ko ng Central station, nilakad ko hanggang Intramuros. Takot ko lang mag taxi at kung saan pa ako iligaw nun! At least kahit malabo ang mata ko kung maglalakad ako, kita ko ang landmarks ng dinadaan ko. Ayun natumbok ko ang Letran at sa pagtatanong-tanong habang naglalakad, natunton ko rin ang office ng DOLE.

Nung paalis na ako, binalak kong mag-LRT ulit hanggang Baclaran para mag-switch trains sa MRT dahil pupunta ako ng Ortigas kung nasaan ang office ng publication na sinusulatan ko. Buti na lang tinuruan ako ng kaibigan kong nasa DOLE na instead magdalawang sakay ako, punta na lang ako sa harap ng Metropolitan Theater at pumara ng bus pa-Cainta dahil dumadaan daw yun sa tabi mismo ng Galleria. Wow! Ngayon ko lang nalaman yun! Kaya oks na oks ang byahe ko kahit medyo na-traffic bandang Quiapo, hindi ko na kinailangang maglakad ng malayo papuntang Galleria dahil dun mismo ako ibinaba sa tabi. Eh kung nag-MRT ako, hay ang layo na naman ng Alay Lakad ko sana!

It pays to try new things. Now I know another way from Manila to Ortigas without having to go through two rides and lots of walking. Sulit!

Monday, October 11, 2004

Wanted: Blogging Filipino Mommies

Nananawagan po! :) If you're a Pinay and a mom and maintains a blog and would be willing to be interviewed for an article about blogging for a national magazine, please email me at writermom@hotpop.com within this week. Kailangan ko kasi ng interviewees and saan pa ba ako dapat maghanap kundi dito sa cyberspace. Kaya please mga nanay, patulong naman o. I'll be asking you a few questions lang naman.

Thanks in advance! (Hay di ako maka-post ng malimit lately dahil lunod pa rin sa deadlines.)

Tuesday, October 05, 2004

Maps and Atlases

Sa Montessori, kahit preschool pa lang, meron ng subject na Geography. No wonder itong si Deden ko, panay ang banggit ng pangalan ng mga continents.

Noong napanood namin ang Amazing Race at dito sa Pilipinas kinuhanan ang ibang scenes, lalong naging interested si Deden tungkol sa mga places. Tanong sya ng tanong saan daw ba ang Palawan? So kinuha ko na yung Atlas namin at pinakita yung buong page na mapa ng Philippines. Nyay, hindi na naubos ang tanong kasi saan daw yung Puerto Galera, saan daw yung kina Matt-Matt(kung saan nakatira ang sister ko at family nya) at saan ang Manila Zoo etc. etc. Bawa't ituro ko, masinsinan nyang tinitingnan ang puwesto. Ngayon tanungin mo saan kami nakatira and he will point to Laguna without hesitation.

Nung isang linggo, nakakita ako sa Booksale ng Children's Atlas. Walang second thoughts, binili ko para kay Deden. Tuwa naman sya nung nakita yun pero pagbukas, ang unang sabi "Bakit walang big picture ang Philippines?" Nung pinakita ko yung map ng buong mundo, disappointed pa sya na "Ay, ang liit-liit naman!" Puro kasi world map ang nakalagay bawat page with different categories discussed like vegetation, land conditions etc.

Pero nung nakita na nya ang mga demographic stats like iba't-ibang kulay ng countries kung saan malaki ang population, or ano ang climates doon etc., nakupo, tanungan blues ulit.

What's surprising was nung dumalaw ang isang pinsan ko last week at pinakita nya yung Atlas nya, "Tita look o, ang water galing sa mountains, tapos dadaan sa waterfalls, tapos sa rivers, tapos sa lake, tapos sa river ulit, tapos pupunta na sa ocean!" Parang teacher na nagle-lecture tungkol dun sa mga illustrations. Nakakatuwa! Inabsorb talaga ang mga tinuro ko.

Ang ultimate patawa, when we were having dinner last night, napansin ko kinukumpol nya yung food nya into shapes. Mamya, ayan na ang tanong "Mommy, look, anong country ito?" To humor him, sumagot ako "Australia?" Aba natuwa! "Correct!"

"Ok eat your food na," sabi ko. "Teka lang, one pa. Ito, what's this?" Hmmm, mukhang Pilipinas so sagot ako ng "Philippines?" Aba correct ulit si Mommy! Eh nung pangatlo na, "This one, anong continent ito?" Ngek, medyo mahirap i-discern yung shape so sagot ako ng "North America?" Hala, mali. "Nope, 'di mo kita? Asia ito!"

Naku, very creative, pati pagkain naisipang gawing mapa! By the way he just turned six today. Hay naglalakihan na ang mga anak ko!
Related Posts with Thumbnails