Tagalog Bible
Marami kaming versions (King James, NIV etc.) ng Bible dito sa bahay, nga lang puro English. Dalawa lang ang Tagalog at parehong New Testament lang ang laman.
Ngayon, may sinusulat akong Tagalog writeup na gusto kong mag-base sa isang verse sa Old Testament. Lagot, wala akong reference! Madali man i-translate galing sa English, mas maganda pa rin yung official wordings na nasa Tagalog Bible. Kaya bigla akong napa-search sa internet.
At ngayon ko lang na-discover na merong website pala na madali mong mahahanap ang kahit anong verse sa Bible ke Tagalog man o English! Punta lang kayo sa Philippine Bible Society, type in the Language & Version, choose between Old and New Testament, key in the name of the book, chapter & verse na hinahanap mo and voila! Ayan na sya! Ang galing-galing!
Ang medyo weird dito eh bakit ngayon ko lang ito nalaman! *kamot-ulo* Kasi last week lang nasa office ako ng PBS sa Sta. Mesa for a writers' fellowship. At ang isa pang coincidence, itong writeup na ginagawa ko, eh para sa isa sa mga publications nila. Ang masasabi ko lang, ang galing ni Lord at itinuro sa 'kin agad saan ko makikita ang hinahanap ko.
And btw, kaka-launch lang recently ng PBS ng Tagalog Bible Para Sa Makabagong Filipina. Ang girly ng cover, pink! Favorite color ko! Meron na akong pang-Christmas gift sa sarili ko, sa nanay ko, sa sister ko .... :)
I encourage all Pinays out there to get a copy for themselves. Promise ang ganda kasi may inspiring articles in between na sinulat ng mga writers na Pinay. May nabasa ako dun about single blessedness and kahit may asawa na ako, na-uplift pa rin ako dahil maganda yung i-share sa mga friends kong nag-iisip na kung bound to singlehood nga ba sila.
Friday, November 04, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment