Unforgettable weekend
Etong nakaraang Saturday at Sunday siguro ang isang weekend na kakaiba sa dami ng nangyari sa ‘kin. Nakakalokang, nakakaasar na nakakaaliw at nakakatuwa. San ka pa?!
Saturday ng madaling-araw, nag-prepare na ako ng mga overnight things ng buong family kasi dun kami sa Alabang matutulog. Since we planned to leave by 5 a.m. at si James eh natulog ng 4 a.m., hindi na lang ako natulog. Bago ko nagising etong asawa ko at mga anak at bago kami maka-karga ng lahat ng abubot sa van, past 6 a.m. na tuloy.
Blooper #1
Sa highway, nagsabi si Josh na nawi-wiwi daw sya. So dumaan ng gas station etong si husbandry. Nauna silang dalawang bumaba habang naghahanap pa ako ng tissue sa bag ko. Pagkalabas ko ng pinto ng ladies’ room, nakita ko ang van na wala na sa parking lot at umaarangkada na papuntang highway ulit.
Panic ako kasi wala akong dalang celphone at wallet kaya takbo talaga ako para humabol all the while incredulous na hindi nila napansing wala pa ako dun!!! Tapos nakita ko yung brake lights. Nakasimangot na ako pag bukas ko ng pinto habang tawa pa ng tawa ang asawa ko kahit nagso-sorry. May comment pang “Nagulat naman ako at nakita kita sa rear view mirror na humahabol.” At sa lagay na yun, nagtaka pa sya bakit ako andun! Akala daw nya nakahiga ako sa backseat at hindi agad nag-penetrate sa kanya yung “si mommy, si mommy!” ni Leland. Ang pinakapang-asar, pag-upo ko, humiga si Deden sa lap ko, nakangiti magkabilang-tenga. Talaga bang pagtawanan pa ako, hmp!
Blooper #2
Nung hapon, magmi-meet kami dapat ng brother ko sa Megamall ng 3 pm para pumunta ng Lyric main office. Magpapa-trade in kasi kami ng piano kaya kelangan pumili ng kapalit. Pagbaba ng van sa underpass ng Crossing, sumabog ang isang gulong! Medyo nakaidlip pa naman ako kaya gulantang tuloy to the max nung marinig ko yun tapos gumewang ng konti yung van. Buti talaga ang lakas ng presence of mind ni hubby kasi pinindot agad nya yung hazard habang itinatabi nya yung sasakyan. Hindi ko na maisip pano kung may bumangga sa min sa likod!
In short, habang nagpapalit ng gulong etong asawa ko, pinatayo ba naman ako sa likuran para kawayan ang mga dumarating na sasakyan to veer left. Argh, feeling usok model! Eh antagal kaya nun! Tapos me mga mama pang may tililing na either kinakawayan ako o todo ngiti habang hinahabol ako ng tingin galing sa mga dumadaang bus. Linstok, ka-concious! Me nag-uzi pang 2 MMDA. Afterwards, sabi ni Noy, iba pala feeling ng may nakabantay na MMDA kasi napapabilis ang trabaho hehehe. At ang pinaka-nakakatawang ginawa nya, nag-sorry sa kin pag-iwan nung umaga sa gas station. Ayan daw at nakarma sya hahaha. Sabi ko hindi na sa akin nanggaling yun ha!
What’s weird lang, nung pauwi na kami nung gabi, dun sa underpass naman sa may Cubao, meron ding sasakyan na nagpapalit ng gulong. Kaya naisip kong hindi kaya may sira ang tuktok na naglalagay ng sharp objects sa daan? Kasi hindi naman basta na-flat yung gulong namin eh, sumabog talaga. Hmmm … Naalala ko tuloy earlier na may isang MMDA (before dumating yung 2 pa na nag-miron) na nagtanong sa ‘min “Ano, tatawag na ako ng tow truck?” Parang may naamoy akong modus dun bigla ah. Anyway, from then on, talagang na-praning ako at mega-remind kay Noy to steer clear of the right hand sides of the underpasses.
So-so moments #1
Sa dami ng pianong pagpipilian, ang tagal bago nakapili ang kapatid ko. Sya na ang hinayaang kong mag-decide kasi sya ang music teacher. Pero na-discover kong kahit pala reconditioned lang ang piano, sooooobrang mahal!!! Buti na lang nanay namin ang magbabayad :p Still, mega-tawaran pa ang ginawa namin para naman hindi mag-overshoot ng budget. Pati etong future sis-in-law ko, nakisali na sa tawaran. Ayun, mas magaling pa makipag-bargain kesa sa akin. Ayos, malakas ang convincing powers!
Tapos nakakita ako ng violin na kulay pink! At meron pa syang flowers-flowers na design. Cute na cute ako. Pero nung ni-request kong mahawakan at matugtog, inay, tunog aparador! Ika nga ni brotherhood, parang ataul na hinihila. Saka ba’t daw gusto ko ng kulay Barbie, eh sa favorite color ko yun eh! hehehe. Ay naku, babay na lang sa kanya. Sana lang one day, maisipang maglabas ng ganung kulay din ang Cremona o Hoffner. At sana by then magaling na akong tumugtog!
Happy moments #1
After sa Lyric, tumuloy na kami sa UPD Bahay ng Alumni para umattend ng dinner ng Christian org namin. Nakakatuwang makita ulit yung mga friends naming matagal ng hindi namin nakakasama. I even had a pleasant surprise nang malaman kong 2 sa friends namin way back nung college students pa lang kami, eh nagkatuluyan din. We really had a fun time with a lot of people that night kaya sulit ang maghapong mga aberya.
Happy moments #2
Sunday, umattend ako ng jamming session ng mga kabarkada kong Corrs fans. Shempre binitbit ko ang aking violin na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin matugtog ng mahusay :p Sherwin was so nice to tutor me again ng mga techniques. Wish ko lang eh makatugtog din ako kahit back-up violin lang sa isa sa mga songs one of these days.
One great thing that afternoon (aside from the nakakabusog na kainan), nakisali ako sa pagtugtog ng Erin Shore using the tinwhistle, dalawa kami ni Faye. At least kahit man lang yung piece na yun, medyo alam ko na tugtugin. At nang marinig ko ang recorded version (courtesy of Joyce’s mp3 player), grabe ang galing!!!
Blooper #3
Sinundo ako ni Noy at Deden from the jamming tapos tumuloy kami ng SM Southmall para bumili ng additional electric fans para dito sa bahay. Nakow, bago naka-pili ke tagal-tagal tapos nag-iinarte pa si bunso na “gutong-na-gutong na ako!”. Buti kumalma ng binilhan ko ng donuts at iced tea.
Since motor lang ang tinesting at hindi na pina-assemble ni hubby yung 2 maliit na fans, pagdating dito sa bahay, argh, kulang ng lock yung rear guard nung isa! Eh nabuksan ko yung mga kahon, nakaalis na si hubby for Manila ulit. Hay naku, parang ang lapit ng Las Piñas dito sa parte ng mundo namin sa Laguna. Kaya ayan, hanggang ngayon di magamit yung isa :(
Thursday, November 24, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ano ba yan, napaka-unforgettable talaga.
Post a Comment