Stupid Law!
Nung Linggo ng gabi, pauwi na kami ng kapatid ko sa bahay. May kasabay kaming limang nursing students na naka-white uniforms at IDs. Nung nagbayad ang mga bata, nagreklamo agad ang driver, “Kulang bayad nyo! Walang discount ngayon kasi Linggo!”
Sumingit pa yung barker “No istyudent peyrs por satordi, sandi en halidi!” Naawa ako dun sa mga bata dahil sila pa ang napahiya. Where is the justice in that? Obvious na obvious na galing sila sa klase, tapos mababawasan pa ang mga baon para pandagdag sa pamasahe. Sino namang engot ang magsusuot ng all white (with stockings pa!) kung may pinuntahang gimikan di ba?
Again and again, I lament the thoughtless actions of those who are sitting pretty in some government positions who make laws without thinking them through. Oo mahirap ang buhay at kailangang kumita ng mga driver dahil mahal ang krudo ngayon. Pero ang consequence ba naman dapat noon eh magulangan ang mga studyanteng pinaghihirapang pag-aralin ng mga magulang nila? That is simply unfair!
Tagal ko ng pet peeve itong issue na ‘to dahil sa isang personal experience several months ago. Ang nakakainis, hanggang ngayon, walang nangyayari kahit pa nagpadala na ako ng reklamo sa LTFRB. Hay, ganito na lang ba lagi ang buhay sa Pilipinas? Dehado ang maliliit? :(
Tuesday, November 29, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Sinabi mo pa,Ruthie. Ewan ko ba kung bakit hindi nila pinag-isipang mabuti ang ukol dito. Sa totoo lang kahit pa Saturday o Sunday pa nga ay may mga students pa ring pumapasok sa school.
Kainis din talaga ang ilang nasa gobyerno, walang consideration talaga.
Anyways, kumusta ka na?
God bless!
Post a Comment