Halloween ka dyan!
A few weeks ago, na-discover ko sa aking mga violinist fwends na meron palang device na pangkabit sa violin para hindi masyado malakas ang tunog. Mute daw ang tawag dun. Very ideal pag meron kang marereklamong kapit-room (sa mga boarding houses for example, di ba Joy-cee?) na OA mangatok kapag nagpa-practice ka ng tugtog.
Nung una, naisip kong hindi ko naman kailangan yun dahil hindi naman nakadikit yung bahay ng kapitbahay namin sa amin. Although nililipad talaga ng hangin yung sound. Dati nga comment ng brother ko, rinig daw yung pagti-tinwhistle ko hanggang dun sa kanto sa kabilang kalsada. Eh tinwhistle pa lang yun!
Tapos lately, ang nagiging ideal time para sa kin na mag-practice ng violin eh bandang gabi na, tipong past 9 or 10pm pag nag-retire na ang mga bata sa kwarto nila at kami na lang ni James ang gising. Na-realize ko na medyo malakas lalo ang tunog pag tahimik na ang paligid. Buti sana kapag hapon kasi maingay ang daan ng mga vehicles dun sa tapat (tabing national road kasi kami).
So kanina, tinext ko ang brother ko na hanapan ako ng violin mute sa JB (may discount card kasi sya dun). Tanong nya bakit ko daw kelangan. Kako kasi minsan gabi na ko nakaka-practice eh nakakahiya sa kapitbahay dahil ang dami pang sabit. Ang sagot ba naman "Siguro akala nila meron ka dyang hinihilang ataul at pinapa-aga mo ang Halloween. Maiisip tuloy nilang dumadalaw si Mang Johnny" (yung kapitbahay naming kamamatay lang a few months ago). Mokong talaga yung kapatid ko, para tuloy akong sirang tawa ng tawa habang nagbabayad sa cashier sa grocery store kanina.
Now I know, bukod sa kengkoy kong asawa, may isa pang obvious na pinagmanahan ang mga anak ko sa pagiging pasaway! :p
Wednesday, October 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Uso talaga ang patawa ng brother mo, alam niya kung kailan dapat gamitin (he,he,he).
Siguro pinakanagmana sa mga kakengkuyan ng bro at hubby mo ay si Pilosopong Deden.
Hello Deden, gusto mo pa ba ng POLO?
Naku Lani, pag nakita mong magkasama yang mag-tiyo na yan, makukulitan ka talaga. Sutil kasi ng brother ko, type na type mang-asar ng pamangkin. Kako nga, pag nagka-anak sya, malamang tepok sa alaska sa mga anak ko hehehe.
Si Deden, walang tinatanggihan basta minty candy hehehe ;-)
Hahaha, ang kulet ng brother mo!!
-Kei
Post a Comment