Sneaky
Nung Sabado, sa Megamall kami nag-lunch ng dalawa kong tsikiting. Papunta kasi kami sa isang get-together ng mga ka-egroup ko sa smartparenting. Since meryenda lang ang food dun, naghanap muna kami ng makakainan ng lunch.
Sabi ni Josh gusto nya ng pizza while Deden wants chicken. Eh di ba sale so ang daming tao. Nung nakita kong wala masyado tao sa loob ng Pizza Hut, sabi ko dun na lang kami. We just ordered one regular pizza, yung apatan na chicken wings saka dalawang regular iced tea. Gusto pa sana ni Josh ng bottomless eh for sure di naman sulit sa amin yun dahil mahina kami uminom.
Mentally, I calculated na aabutin ng P400+ yung bill. Kako di bale, minsan ko lang naman ma-treat itong mga bata sa labas kasi malimit puro gastos sa pa-check ups ni James ang bina-budgetan ko.
Nung dumating yung bill, medyo nagulat ako kasi P500+. Pero since nagmamadali kami dahil baka ma-late dun sa pupuntahan namin, hindi ko na masyado natingnan yung resibo. I paid P510.00 and may sukli pang P4.00. Kinuha ko lang yung receipt tapos tumayo na ako, iniwan ko yung coins. Etong si Deden, dinampot at ihuhulog daw nya sa kanyang “alakansya”. Dahil nga gusto ko na umalis, di na ako nag-argue. Sorry na lang yung nag-serve at nawala pa yung konting tip. Oo kuripot ako sa mga ganun dahil alam kong may service charge na naman silang kinuha eh.
In retrospect, buti na rin pala hindi na naiwan. Ni-double check ko kasi yung charges dahil nga I had a niggling feeling na ba’t parang sobra ata ang binayaran ko eh hindi nga ako gaanong nabusog! Nung tiningnan ko na sa bahay yung resibo (ina-account ko kasi ang mga gastos namin sa isang notebook at the end of each day), feeling ko na-holdap ako ng walang kalaban-laban. Bakit? Kasi doble-doble ang extras! Grrr!
Eto ang specifics ha:
Regular cheesy bacon pizza w/ cheesy crust = P249.50
Chicken Wings (4 pcs.) = 99.00
2 glasses of iced tea at P35@ = 70.00
Service Charge = 41.75
Sub-Total = 460.25
VAT = 41.84
Local Tax = 4.18
Total Amount = P506.28
(Kapag may taga-Pizza Hut na kukwestyunin ako, ibabandera ko sa kanila yung resibo!)
Akala ko ba yang VAT bill na yan eh Nov. 1 pa uumpisahan?????????? (Mga Kaze, N.S. o, hehehe) tapos eto at pinapatupad na pala. I mean, I’m all for paying taxes and giving what is due, (yes, including services charges) pero sobrang underhanded naman ata na maglalagay sila na ganito ang amount ng isang product sa menu tapos pagdating ng bill, 20% dun hindi mo naman kinain?! Unfair naman ata di ba?
Paano pala yung mga taong kakain sa kanila tapos eto lang ang dalang pera, thinking it’s enough pag nag-compute based on the menu di ba? Ano, paghuhugasin nila ng pinggan?
I’ve eaten in Pizza Hut before pero nung Saturday ko lang talaga napansin yung exorbitant extra charges nila. Bago lang kaya yun? Kung ano pa man, sneaky pa rin ang dating. Buti pa sa ibang fast foods like Jollibee, McDo or ChowKing, kung ano ang nandun na price, yung lang talaga ang babayaran mo. O iba na rin pala ngayon?
Hay, the rantings of a practical mom …. pagbigyan nyo na po …. nakaka-frustrate kasi sa Pilipinas, ang hirap na nga ng buhay, lalo pang pinapahirap ng mga kayang manlamang :(
Tuesday, October 18, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment