Saturday, May 06, 2006

Bulate story

Sa lahat ng mga anak ko, etong si Josh ang tila parati na lang gutom at puro pagkain ang nasa isip. Tipong kakakain lang naming lahat ng dinner, after mga 30 minutes, punta yun sa bread box at magpapalaman ng tinapay o kaya magpapaluto ng hotdog at gusto pa daw nya ulit kumain ng kanin. Eh ang dami na nyang kinain na meal. Minsan naman, ang daming oorderin sa McDo o Jollibee ... at nauubos nya! Most of the time, sya na ang mag-ooffer na magtimpla ng juice sa pitcher o magluto ng hotcakes (yep, at 10 y.o. budding chef na ining batang matakaw). Ang siste, di naman tumataba!

Just the other day, nagbabyahe kami papuntang Laguna. Halos kakatapos lang namin mag-lunch sa bahay before kami umalis. Sa highway, nung nakita ang Petron station, request na naman sya na mag-drive thru daw.

Napag-usapan tuloy naming mag-asawa na "Ano kaya try nating purgahin itong batang ito? Baka may bulate?" So sabi ko kay Jo, "Anak bukas bibilhan kita ng Combantrin." Sagot nya, "Anong flavor?" Ngek!

2 comments:

Pepe said...

ganyan din yung mga inakay ko, "bottomless" ika nga...:)

HiPnCooLMoMMa said...

bigla akong natuwa na meron din palang Josh na bottomless pit, parehong pareho sila ng style, pati age parehas din, yun nga lang parang wala yatang bulate yung Josh ko kasi kitang kita kung san napupunta food na pinagtri-tripan nya...at 10 yo, he is 110 lbs, at oo diet sya ngayong summer at kung di ba naman, aba baka may anak nakong "dumbo"

hopping from MommyBa =)

Related Posts with Thumbnails