Hay, gastos, abala etc. etc.!
Last Friday, umalis si hubby na hindi naitali ang nakawala naming aso. Mautak ‘tong alaga namin, kaya laging nakakawala sa chain nya. Eh di ko na sya kayang itali kasi ang laki na at nanda-damba. Once, muntik na akong masugatan sa kamay dahil biglang takbo habang hawak ko yung chain. Kaya di na ako nag-attempt ulit.
Ok lang naman sana na pagala-gala sa loob ng bakuran kaso once na may magbukas ng gate, karipas ng takbo palabas. Saka naninindak ng mga bisita eh minsan ayaw na tuloy pumasok ng bahay namin yung mga takot sa aso.
Nung hapon, despite my warnings sa makukulit kong anak na huwag na muna mag-bike sa labas kasi nga kakaulan din lang, sumige ng labas ng gate. At dahil naglilinis ako ng mga electric fans sa likod habang pasilip-silip kay James sa kwarto, di ko na sila nahabol. Naririnig ko na lang silang nag-iingay dun sa may lane sa labas.
Mamaya pa, ayan na, pasok ang Joshua at umiiyak. Ni-try daw nyang i-chain si Panda para papasukin. Grrr, ang tigas ng ulo na daddy lang nya ang pwedeng gumawa nun. Ayun dahil gustong gumala pa ng sutil na aso at hila ni Josh ang chain, binalikan sya sabay kinagat sa upper arm. Lambot ako nung nakita ko gaano kalalim nung wound.
Fortunately, sa likod lang ng village namin ang RITM, pwedeng lakarin pag dun sa back gate nila dadaan. Tawag ako sa mga inlaws ko para may magbantay sa ibang bata. Dinala namin ng sis-in-law ko si Josh para patingnan sa doctor.
Ang saya, pagdating namin ng ER, deserted! As in walang katao-tao. Ang daming pasyente tapos walang personnel. Later on, nalaman naming may na-admit daw na may meninggococcemia earlier. Ngar, kaya pala nag-disappear ang mga staff, umiiwas ata dun sa site.
Kahit pala may anti-rabies shot na ang aso, pero nakakalabas sya ng gate ng bahay at pwedeng ma-infect ng ibang aso, kelangang paturok ang nakagat. Eh mabuti na yung sigurado kasi fatal ang rabies, kaya sige na, kahit magkano gastos, kelangan may assurance kami na safe si Jo.
Ang funny incident dun, yung papel ng instructions para sa patient, naka-bold yung HUWAG PAPATAYIN ANG HAYOP NA MALUSOG. Tawa ng tawa yung hipag ko kasi siguro daw maraming yun ang unang ginagawa.
Dumating kami doon, wala pang 5pm, nakauwi kami past 9pm na :( Hay, pinasunod ko pa si hubby (buti maagang nakauwi) kasi kulang ang dala kong pera. Ayun, more than P2k ang nagastos namin sa 9 na turok! Kelangan pang bumalik ng apat na beses dun for follow up injections.
Kaninang umaga, habang tulog pa sina James at Deden, ibinilin ko kay Leland tapos dinala ko ulit sa RITM si Josh. Hay, daming tao. Ang dami pala talagang incidence ng dog at cat bites! Inabot din kami ng more than one hour bago sya naturukan. Ayun P500+ na naman. Three more sessions to go ... waaah!
Monday, May 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment