Harang
Hay pasukan na naman. Bukod sa malaking bayarin for tuition fees, ang dami-dami pang miscellaneous na dapat budgetan. Andyan na ang uniforms, school supplies, textbooks etc.
Nung isang araw, bumili ako ng tela sa school ng mga bata para sa ipapatahing pants nila. Since tatlong barako ito, lampas 10 yards ang kelangan. Eh pasadya daw ng school yung kulay so no choice kundi dun mo bilhin ang cloth. Fine, wala na kaming magagawa about that kahit pa feeling ko overpriced yung tela nila.
Pero nung nagtanong ako about the books, aabutin ng almost P10k ang kelangang bayaran kung sa school ka bibili! Naisip ko na tumingin muna sa National Bookstore alin ang available titles nila dahil for sure mas mura naman doon kesa sa school.
Nung humihingi na kami ng list of books, ang sagot sa amin nung isang teacher, "Dun sa bulletin board ng guard, kopyahin n'yo na lang kasi hindi kami nagbibigay." Hala, sumakit lang naman ang binti ko pagtapak sa bench para i-support ang kapirasong papel na pinagsulatan ko. Ang dami pa namang dapat ilista.
Since meron sa list na dun lang sa school mabibili, hubby and I decided na yun muna ang bayaran. Nung nagpa-assess na kami ng fees, kumuha ng mga list per grade level yung teacher at saka doon nilagyan ng prices yung mga bibilhin namin sa kanila tapos inabot sa amin. Naasar asawa ko at nagsalita ng "Magbibigay din pala kayo ng kopya pinahirapan nyo pa kaming isulat yung nasa bulletin board!" Eh kasi daw yun lang mga dun bibili ang binibigyan nila. Hello?! Lahat naman siguradong may bibilhin dun dahil merong mga bagay na sa kanila lang available like the handbooks and journals ng students. Gah!
Nakabili kami ng ilang piraso sa NBS. At ang price differences eh around P50-70 per book. To think na around P1k din pala ang patong nung school sa mga dapat naming bilhin. Unfortunately, it looks like meron pa rin kaming bibilhin from them kasi hindi lahat ng titles eh meron sa labas. Unless, pumunta kami directly sa publishing houses. Kaya lang malayo eh so parang di naman sulit yung matitipid mo kung ubos naman oras mo sa travel at gas.
Still, sana kino-consider naman ng school na gusto lang makatipid ng konti ng mga parents kaya we wanted to take our option to buy muna sa labas. Ang hirap ng buhay ngayon ano! Eh ang dating sa amin, masama pa loob nila na di sa kanila bibilhin lahat. Hay!
Thursday, June 08, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Isa 'to sa mga bagay na naikukumpara ko ang Sg sa Ph. Dito, pag sa school ka bumili ng books and uniforms, guaranteed mas mura kesa sa labas. Well known malady na sa mga schools sa 'tin yang ganyang mga raket. Very depressing that parents resigned to that fact of life. Fat chance that the government will initiate something kaya maganda siguro kung magkakaroon ng parents association para ituwid ang mali.
Hay naku, tuwa nga ako at high school na si Aldrin. Sa bangketa ng Recto ako nakabili ng books, may second hand at may brand new din. Imagine, nakatipid ako ng P867. Oh well, ibawas natin ang transpo at food, ok pa rin nakatipid ako ng P700. Aba, saan ka makakapulot ng ganung halaga. Yipee,,, ok pala pag high school na ang kiddo mas madaling makakuha ng books.
Talagang matindihan ang gastusan natin ngayong pasukan. Wala namang magagawa kundi gumastos (hehehe).
Talagang mahirap nakakagat ng aso. Alam mo dati noong di pa kami natira sa Bulacan di ako takot sa doggies. Pero noong nasa Bulacan na kami, ang daming malapit lang sa lugar namin ang namatay sa rabies. Kakaawa pa nga iyong 1 young girl doon, halos 1 month na siyang nakagat ng aso noong nag-apekto ang rabies sa kaniya. Ang dami kasing askal doon. At kapag may namatay sa pamilya sa rabies, lahat sila ay binakunahan, napakalaking gastusan talaga. Pero hindi talaga dapat patayin ang aso kapag nakakagat, kailangan kasing obserbahan sila.
Kami rin tipid sa radio. Itong anak ko super hilig sa music kaya may transistor siyang de-battery. Mahigit isang taon na ay di pa rin ubos ang 2 AA batteries, tipid talaga.
Wala lang nagpaparamdam lang sa iyo :) Sa haba ng sinabi ko wala lang ano?
Nasa estudyante lang yan. Magaral ng mabuti, yan ang importante. Gud luck sayo!
Post a Comment