Mantika
Kalat na kalat ngayon ang mga Virgin Oil ek-ek. Kakanood ko lang kanina sa news na mag-ingat sa mga peke. May mga manufacturers palang naghahalo ng ibang oils dun sa virgin oil para ma-dilute para nga naman mas marami ang kita nila. Ang sasama ano? Kay dami talagang mahilig mandaya ng kapwa, tsk, tsk, tsk.
Pero noon ko pa napansin yun! Kasi yung mommy ng mga friends ko, gumagawa sya ng homemade virgin oil. Binigyan nya ako ng isang bote dati para daw i-try ko kay James kasi nga, marami na syang kakilala na natulungan daw nun.
Etong nanay ko, binigyan din ng isang pinsan nya ng isang bote ng virgin oil, commercialized at may label na maganda. At dahil malamig dito sa amin sa probinsya, natural ang karamihan ng mantika nakakatulog, (pwera sa corn oil at olive oil sa aking observation) lalo na ang mga coconut oil na ginagamit sa kusina. Nagulat ako isang umaga, tulog-mantika ang virgin oil ni mader! Sinilip ko yung sa amin, wow, clear as water. Fluid na fluid kumbaga.
Tapos ang sister ko, binilhan din si nanay ng isa pang bote. Commercialized pa rin at may seal of approval from Dr. Conrado Dayrit (whoever he is). Ack, tulog din! Ke mamahal ng benta nila tapos hindi naman pure ang laman. Kainis. Buti na lang itong nasa akin, libre na nga, genuine pa!
Ang ikinatutuwa ko dun sa nagbigay sa akin, tinuturuan nya ang mga kakilala nyang may ailments para gumawa ng sarili nilang virgin oil. And she’s very kind to warn them na huwag gumawa ng maramihan tapos hindi sigurado ang quality. Kung may oorder daw, saka lang gumawa ng marami-rami pero ang mag-focus sila, yung pang-sariling gamit.
And believe me, dini-describe pa lang nya sa akin ang process (purely by hand), napapagod na ako. Ang tamad ko talaga sa mga ganung work :P Pero siguro, kapag nakitaan ko talaga ng big change si James after the one tablespoon a day na binibigay ko sa kanyang virgin oil, baka sakaling sipagin na akong gumawa. But for now, yung next bottle na kakailanganin namin, bibilhin ko muna dun sa tita ko hehehe.
Saturday, November 27, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Kahit Papa ko pinaparesearch ako about virgin oil dahil nga maganda nga raw ang effects nya. Hmmmm, I hope you can share more of your insights about virgin oil as you use it. Sana mabigay mo sa 'kin yung number ng tita mo para maka-order kami kahit 1 lang muna :)
uy!! buti nalang nabasa ko ito...yung nanay ko kasi mahilig sa mga virgin oil ek-ek e. di sumagi sa aking isipan na puwedeng dayain yun...
anyway, thanks for the warning!! :D
/kristen
Hi Liz! Wala pa akong personal “testimony” on virgin oil eh. Hindi ko pa makita ang effect kay James ko. Actually, siguro kasi hindi ako consistent magpainom sa kanya (guilty!) kasi mas malimit akong mag-add ngayon ng corn oil when he’s tube feeding dahil pampadagdag calories yun according to our pedia. Wala akong data kasi on virgin oil calories eh. But my mom says ang pinaka-magandang effect na nakita nya, ginawa nyang conditioner sa buhok! Hahaha. She found na nakakalambot daw ng buhok kapag naglagay sya sa hair before taking bath. Which means una ang oil kesa sa shampoo. Personally, I haven’t tried that out yet kasi satisfied pa naman ako sa Creamsilk :D
I’ll ask my tita kung gumagawa pa sya or yung mga tinuruan na nya ang nagsu-supply sa kanila. I haven’t visited them lately eh. Kaso taga-Los Banos yun kaya di ako sure pano kayo magta-transact ng bilihan nyan. Anyway, I’ll find out first kung magkano na ngayon and other info. Tapos email kita :)
Hi Kristen! You’re welcome! Oo, ingat kamo si Mommy mo sa mga fake. Baka maging harmful sa health pa yun kasi kung may added na ibang oil, baka makataas ng cholesterol levels eh.
Post a Comment