I Love Puerto Galera!
Kakagaling ko lang (ulit!) ng Puerto Galera last Monday-Wednesday. Shempre annual mommy’s vacation (hahaha ang lagay eh iba pa yung punta ko dun ng February) dapat bago matapos ang summer at magsimula ang klase ng mga anakis ko. Ang bait talaga ng asawa ko dahil palagi akong pinapayagang mag-unwind. He understands the stress I go through everyday with our four boys :D. S’ya kasi kagagaling din lang ng VOP last Holy Week naman. Hindi kami pwedeng umalis ng sabay for several days dahil alternate kaming mag-alaga sa special child namin eh. Sumama sa ‘kin ang dalawa kong pinsan and isang pamangkin na 15 years old. Super enjoy!
Sa Valley of Peace kami nag-stay (as usual dahil love ko ang VOP) and aliw na aliw ang mga kasama ko dahil maganda ang ambience ng resort na yun. Our first afternoon there was spent sa pamamasyal sa town at pagbili ng kung anik-anik. Naki-usyoso din kami sa ukay-ukay at nabilhan ko si hubby ng gusto nyang cargo pants na madulas ang tela. No Boundaries ang tatak and I guess it’s a steal at P300 lang, eh mukha pa syang bago. Nung gabi lang kami nag-dip sa pool. Hay sarap! Yung init ng araw buong maghapon, na-absorb ng tubig kaya maligamgam ang water sa pool. Nag-jacuzzi din kami kaya todo relax ang mga katawan. Knock-out kaming lahat pagtulog.
Tinanghali kami ng gising the next day hehehe. Ayun past 10 a.m. na kami naka-alis for Muelle port where we rented a boat for P500. Pumunta kami ng Long Beach at dahil first time nag-snorkeling ang mga pinsan ko, amazed sila sa ganda ng corals at dami ng mga fish. Nag-rent pa kami ng small bangka (for another P150) para i-tour kami sa bandang gitna ng dagat para mas maraming corals ang makita. Hahawak ka lang sa rope habang tumatakbo ang bangka tapos snorkel to the max na. Ayun, ang na-sunburn sa kin ng todo, forearms ko kasi yun lang ang naka-expose ng matagal habang nag-a-ala Discovery Channel tour kami ng live. Ang ganda-ganda talaga! I guess hindi ako magsasawa ever na balik-balikan ang Puerto dahil sa mga corals at isda doon.
Hapon, shopping galore na naman kami. Tuwa ako when I found Puerto Galera shirts na pambata tapos ang print si Nemo! At affordable ang prices in fairness. I bought my kids one each.
Ngayon pa lang, nagbabalak na etong mga pinsan ko na bumalik dun next year. For sure daw magugustuhan din ng mga anak nung isa at iba pa nilang pamangkins. Dapat daw kasama na buong angkan nila at angkan namin. Mag-pinsang buo at bestfriends kasi ang nanay nila at nanay ko kaya malamang na matuloy yun sa isang summer. Excited na naman kaming lahat kahit ang layo-layo pa hehehe.
My only regret is hindi ko naisama ang mga anak ko dun. Hirap kasing magbitbit ng mga bata kung ako lang. Saka nagpa-sked ng tuli yung 2 kong malaki nung Monday. (Buti na lang tatay nila ang andun dahil baka di ko kinaya!) Last year we were all able to go kasi maluwag ang work sked ni hubby. Pati special child namin nadala namin and he enjoyed the pool and the beach tremendously. Kaso this year, hindi sya maka-bakasyon ng matagal from work kaya paisa-isa kami ng punta. But I’m planning to bring the three kids minus James and daddy around September or October doon. They miss VOP din daw kasi so much. Hay nakaka-konsyensya!
Sa mga gusto pang humabol sa summer break, inquire or reserve na sa Valley of Peace! Just contact Jeff Aquino, the manager, at 0916-3847697. Happy summer!
Sunday, May 09, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment