Sunday at Villa Escudero
At last! For the first time, narating ko rin ang Villa Escudero sa Quezon province! Nag-aya ang sister ko kaya go naman kami. Kasama ko ang nanay namin and dalawa sa makukulit kong anak. Hirap magbitbit ng maraming bata, eh may trabaho pa naman ang Daddy kaya 2 lang ang kaya ng powers ko. Nagpaiwan na si Kuya sa bahay since kasama naman sya last week sa annual trip ng mga teachers sa school ng nanay ko. Nakarating sya ng Baguio at Vigan.
Anyways, so ayun, we arrived there mga 11:30 am. Ack, P950 per person pala dun. Kapag bata, kalahati ang bayad. Included na dun sa tickets ang carabao cart ride, buffet sa waterfalls, use of the pools and museum tour. Hmmm, pwidi na rin.
Una naming ginawa, sumakay ng carabao cart papunta dun sa loob. Nakakatuwa ang views. Well-maintained ang lawns and maraming statues made to look like barrio people reinacting everyday things like babaeng nagtitinda ng mga kakanin, isang bata na nagpapakain ng mga alagang baboy, mga magsing-irog na nakaupo sa benches etc. Basta marami, nagkalat here and there.
Dun sa place kung saan tumigil yung kalabaw, nakita namin si Aiza Seguerra. “Cute” nga sya, very petite. Simple ang dating, naka white lang na polo saka naka-shades. Gusto ko nga sanang mag-ask kung pwede pa-picture with her yung mga bata kaya lang nahiya ako. Sabagay hindi naman ako die-hard fan kasi. Pero ibang usapan na yun kung si Dingdong Dantes ang nakita ko. Ako ang magpapa-picture kasama nya, hahaha!
Tumuloy kami sa may waterfalls para mag-lunch. Man-made lang pala sya (hehehe, ignorante ba dating? First timer eh) na may hydraulic chuva na nagpapatakbo ng tubig. Ok naman, maganda yung place. Naka-mojo sandals ako kaya pwedeng-pwede mabasa. Enjoy ang mga bata. Kaya lang yung mga nasa katabi naming tables, minsan napapahiyaw kapag natatalsikan sila ng tubig na nilalaro ng mga kids. Buti wala namang umaway sa amin hehehe. The food was not outstanding though. Ok lang, edible naman but I feel mas masarap pa ang luto ko ng sinigang.
After eating, picture-picture dun sa may falls. Kahit hindi pa kami mga nakapang-swimming, basing-basa na kami kaka-pose dun sa mismong nalalaglag na tubig.
Then off to the swimming pool. Inabot na kami ng 5 pm doon kaya di na kami nakapunta dun sa museum. Kelangan pa kasing bumalik ng family ng sister ko sa Manila. Buti kami at malapit lang ang bahay, less than 1 hour away.
Bago kami makaalis ng tuluyan, katakot-takot uling picture-an. Naubos ko yung 36 shots na film. Mostly mga bata ang kinunan ko. Sometimes nakiki-pose ako with 1 kid while the other takes the shots. Nakakatuwa kasi aliw mag-photographer mga anak ko, even 5 year old Deden.
Nakauwi kami magse-seven na ng gabi. Pagod pero enjoy. Pero kung papapiliin ako between Villa Escudero and Puerto Galera, ay! Hands down, panalo ang Puerto :)
Sunday, May 23, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment