Beware of the AOWA scam
In case di nyo pa naririnig ito, read on …
Around February of this year, naka-tanggap ang mom ko ng tawag galing sa isang appliance store sa San Pablo City. Kesyo nanalo daw sya ng free gift at i-claim daw sa branch nila. My mom received a mini-camera na wala man lang flash. Tapos marami daw silang andun at nagpala-bunutan. Sya lang daw ang nakakuha ng paper na may “You’re entitled to bigger prizes!” while yung iba pinauwi na.
Nakupo, inalok na sya ngayon ng appliance packages. Na pag bumili ng 2 items, may libreng 2. Hindi ko na matandaan ang exact prices na sinabi sa kanya pero na-hooked sya! She gave a downpayment agad na non-refundable daw kaya kelangan in 2 days mabigay na ang full payment para makuha na ang lahat ng items.
Pagdating nya sa bahay, excited pang nagkwento sa aming lahat. Na nag-order na daw sya ng water filter worth P20K+ (na di naman namin talaga kailangan dahil spring water naman ang tubig dito sa baryo namin) at cookware set priced at another P20K+ for only P34K+ with free vacuum cleaner at facial massager worth another P20K+. Nanlambot kaming mag-asawa when we were told na nakapag-deposit na sya and wala ng bawian.
Shempre kahit first time naming naka-encounter noon, ramdam ko agad na scam yun. Naku, gullible pa naman itong si nanay. Sabi nga namin malamang yung mga kasabay nyang bumunot, mga employees lang nung store na nagpapanggap na customers din. Eh since naka-deposit na sya, itutuloy na lang daw nya. That was a Saturday.
Early Monday, nag-withdraw na sa savings nya ang nanay ko ng pambayad sa balanse at bandang hapon, nag-deliver na nga. Sa ‘kin na lang, since hindi ko pera yun at gusto nya talaga, eh di sumige sa transaction. Ok naman yung products pero ang kinaiinisan ko, bakit nila kelangang manloko sa prices. Ang kinalalabasan naman talaga ng total price, eh prices ng 4 items combined. At hindi pa kilala ang mga brand names!
Tapos nalaman namin, another auntie of ours was also duped that way. Ang isa sa mga binili nya is a microwave worth P20K+ daw kuno. Na nasira agad within 6 months of use at nakita ng mga anak nya sa isang store, same brand, same microwave P7K+ lang! Grabe noh?
Eto ang clincher. A week ago, while in Alabang Town Center, may humarang sa aking isang babae saying “Ma’am scratch card po. Baka manalo kayo ng prize.” Hmmm, kumalembang agad ang warning bells sa utak ko. Sabi ko “No thanks, wala akong budget pambili ngayon.”
Sagot agad sya, “Ay mam wala naman ho kayong babayaran, free gift po ito pag nag-match.” At dahil ayaw nya akong paalisin, ni-scratch ko si papel. Ahooo, matched nga ang dalawang puso sa card. Naku napataas pa kilay ko nung nagsalita sya with a wondering voice “Ay, nag-match!” Sabay tawag sa supervisor nya “Sir, Sir! Nag-match ang card ni Mam!”
So lapit sa kin si bisor. Sinabihan ko agad, “Look kung may babayaran dyan, ayoko.” Wala daw at bakit daw ayaw ko ng free gift. Since hindi naman ako nagmamadali, umupo ako dun sa table. Ayan na, binulatlat na ang card at whala! Nakita ko ang pictures ng microwave, water filter, cookware set at colored TV with ridiculously high prices. Nakah, eto na nga bang sinasabi ko eh.
So bago pa ako mapaliwanagan ng bawat isang product, binabara ko na sya. “Meron na kaming microwave. Oo meron na rin kaming filter. Naman, lahat naman ng bahay may TV ano. Etc.” Tapos binanatan ko na ng “Alam mo, nakabili na ang nanay ko sa ganito a few months ago. Ganyan din halos. Kaya nga may ganyan din kaming cookware set eh.” Naasar ata sa kin yung mama, bigla nyang ni-cross out lahat nung items sa card sabay inis na sabing “So ika-cancel na lang natin ito mam?” Eh di sinagot ko ng “Oo naman, sabi sayo ayokong bumili at meron na kaming mga ganyan.” Sabay tayo at alis.
Hah, feeling ko kahit man lang nasayang ang oras ko, nakakuha sila ng katapat na hindi magpapaloko sa kanila. Ano sila masaya????
Tapos nung pinalabas na nga sa Imbestigador yung tungkol sa AOWA na ito, nun lang na-realize at inamin ng nanay ko “Hay, naloko ako!”
Saturday, May 01, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment