Wednesday, May 19, 2004

Ang damot mo!

Hala, after the kinse anyos chuva na commercial, yung sa KFC naman ang nasa hot seat ngayon. Sa isang parenting egroup kasi na member ako, yun ang topic nung isang araw. A parent reacted na mali ang values na tinuturo nung commercial.

Sa mga wala sa Pilipinas at di napanood yun, eto ang kwento: May isang guy na nag-alok ng KFC chicken burger sa buddy nya, describing lahat ng ingredients with shots of the sandwich na mouthwatering nga naman talaga (ayan, parang gusto kong bumili ngayon, as in ngayon na para matikman yun, la lang KFC dito sa may amin). Nung tinanong na nya yung kaibigan nya kung “Gusto mo?” at sumagot si friendship ng “Oo ba!” biglang dinilaan ni guy #1 yung sandwich sa magkabilang sides sabay abot. Syempre di tinanggap ni guy #2. Eh nauhaw si guy #1 kaso wala syang drinks. Nung humingi sya kay guy #2, pina-bubbles nitong huli yung softdrink nya bago inalok.

Truthfully? When I first saw the commercial, natawa ako. Kasi naalala ko ang mga kabalastugan ng mga kabarkada kong guys nung college kami. Nung 1st time din napanood ng husband ko yun, I watched for his reaction, natawa rin, hagalpak pa nga eh. For sure may mga naalala din sya. Eh magka-barkada kami noon ano!

Nung nakita na sya ng isa sa mga anak ko at madiri-diring nagtanong “Mommy, bakit nya dinilaan?!” (with shocked accent), sinagot ko sya ng “Kasi madamot sya, ayaw nyang mag-share. Tama ba yung gawin?” To which my son answered “Hindi po. Bad yun.” I found it a learning opportunity para sa anak ko. Tipong “Ayan anak ang example ng hindi mo dapat gayahin.” I think kids these days are intelligent enough to handle things like that. Naman, with all the sex and violence na nasa movie trailers (Bakit ba hindi yun ang ipagbawal ng mga TV companies? Dun ako asar!), napaka-small time ng damot issue na ito.

Dahil sa natawa kaming mag-asawa, does that make us bad parents? I don’t think so. Gaya nga ng sabi nung isang ka-egroup ko, nasa parents na yan kung paano mo io-orient ang mga anak mo sa mga bagay-bagay na nakikita nila sa mundo. Hindi naman natin sila forever na mashe-shelter sa mga ganyang exposures. Gaya ng mga nangyayari sa school na hindi natin nakikita. Nasa diskarte na ng parents yan paano tuturuan ng magandang asal ang mga bata. Besides, as another member said, the commercial is targeting college students kaya yun siguro ang “pull factor” na naisip ng mga gumawa ng ad.

But it seems nakarating sa KFC ang mga hinaing ng maraming concerned parents. May isang article pa nga daw sa Philippine Star kahapon written by Butch Francisco about it. Kanina while watching TV, I saw 2 new revised versions ng KFC commercial. Wala na yung nilalawayan part, pero andun pa rin yung damot factor. Would it count kaya if I say honestly na hindi sya nakakatawa like the first one? Ewan ba at aliw kasi ako dun sa expression ng mukha at sound nung guy (“Mmmmm!”) na nag-blow ng bubbles sa drink. Again, that doesn’t mean I’m taking the damot factor lightly. Malakas lang ata talaga ang sense of humor ko.

Bottomline, how our kids turn out to be in the future should not be influenced greatly by other factors than the values taught by the parents. Kaya nakasalalay pa rin sa ating mga magulang ang kahihinatnan ng mga anak natin.


No comments:

Related Posts with Thumbnails