Sunday, May 09, 2004

Tudings Pork Chop

Kahapon, galing kaming Binan Perpetual kasi pina-check up naming mag-asawa si James sa neuro-pedia nya. Nung pauwi na kami, nagka-ayaan kaming kumain sa Tudings sa Calamba.

Kilala nyo ba itong resto na ito? May kwento kami tungkol dyan.

Kasi nung 1997, na-ospital si James sa Binan for 40 days. Dahil sa tagal ng stay namin, naikot na ata namin ang bayan ng Binan sa kakabili ng gamot sa 3 branches nila ng Mercury Drug doon, at nakainan na ang mga establishments around the town.

Na-discover namin ang Tudings dahil isinama si hubby ko ng medrep friend nya doon nung dumalaw sa amin sa Perpetual. Isa syang maliit na karinderya na ang sini-serve lang eh fried porkchops, sinangag at sunny side up na itlog plus softdrinks. Pramis, yun lang talaga ang binibenta nila. Pero mapapansin mo na sa inaraw-araw nilang pagbubukas, hindi sila nauubusan ng customers. Minsan nga tatayo ka pa ng matagal sa labas para hintaying may matapos kumain sa loob dahil wala pa atang sampu ang tables nila. Halos araw-araw atang kumakain kami ng dinner doon noon. Ewan nga ba bakit masarap yung fare nila.

Pati sister ko, nung nadala namin doon, nagustuhan din ang Tudings at kahit nung nakalabas na ng hospital si James, dinadayo pa nilang mag-asawa ang Binan from their house in Muntinlupa para lang kumain doon.

Tapos kahapon ayun nga, na-miss ko bigla ang Tudings at finally pinasok namin ang branch nila sa Calamba na nadadaan-daanan lang namin for several months na. After 6 years, nabalikan din namin ang Tudings at sosyal na sila ng konti ngayon. Malawak na ang lugar, marami ng lamesa at marami ng electric fans kaya di na mainit kumain hehehe. Nakakatuwa lang kasi ganun pa rin ang menu nila ---the same old porkchops, sinangag at itlog with softdrinks, the same timpla. Wagi ang lunch namin ni Mister!

O ano, nagutom kayo? Try nyo minsan dun. Aliw ang kain. Affordable pa. Ang alam kong branches nila aside from the original one in Binan is the one in Calamba at may isa na rin sa Muntinlupa. Kain na!

1 comment:

Anonymous said...

i like nyo po sa FB,. search nyo po tudings porkchop
-ed

Related Posts with Thumbnails