No yaya for a month
Umalis na kagabi si yaya. Hinatid ni hubby sa airport. Pagka-alis nila ng bahay, inexplain na namin ng nanay ko sa mga bata na kelangan tumulong na sila sa mga gawaing bahay at wala ng turuan kung sino ang gagawa habang wala si yaya.
Natawa naman ako sa biglang reaction ni Leland, “Mommy, sinong magpa-plantsa ng uniforms namin!” Tunog panic-stricken baga. Pag-isipan daw ba akong hindi marunong mag-plantsa! Ayun kagabi tuloy bago ko maasikaso ang tambak kong deadlines, nakaharap ako sa kabayo at nagplantsa ng mga polo at pants nila for school.
Now I only have to get through the next few weeks of laba-damit, hugas-pinggan, linis-bahay etc. etc. aside from taking care of James and the myriad of things I already do everyday. Ack, malamang ala-Kuya Germs na naman ako nito – walang tulugan!
Monday, December 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
wow.. just don't forget the vitamins!
Post a Comment