Umbrella Search 2005
Hay naku, hindi ko na alam anong klaseng payong ang bibilhin dito sa mga anak ko! Yung nabibili sa palengke, hindi tumatagal ng dalawang linggo kay Leland. Si Josh, maingat nang naturingan sa mga gamit, nakakasira pa rin ng payong. Ke mamahalin o hindi ang bilhin ko, sira pa rin! Hindi ko na nga alam kung maniniwala akong hindi nila ginagamit pang-espadahan sa mga kaklase nila yung mga payong na yun.
Even si Deden, yung little payong niya eh nasira din after 3 months. Samantalang yung dating mga nabibiling mini-payongs for preschoolers, matitibay naman. In fact, tumagal ng tig-isang taon yung kina Josh nung mga kinder pa lang sila ni Kuya. Siguro talagang low quality na ang mga nabibili these days.
Takot naman akong bilhan nung high end na tipong tig-P400 isa (gaya nung Fibrella ko na super tibay) kasi baka mamya iwala naman eh ako ang malamang maiiyak nun!
Three weeks ago, after the nth time na pinakita sa ‘king putol na naman ang mga kapayungan ng tatlong itlog, I decided na sige na nga, hanapan ko nung sinasabing tag-P250 daw sa mga tiangge sa Manila. Sabi kasi ng pinsan ko tumatagal yung binili nya for her kid. Kaso wa akong time lumuwas. Eh one time umuwi si Josh na soaked to the skin pati yung bag at mga gamit nya. Lagi kasing patagong iniiwan ang raincoat pag maaraw sa umaga. Ang kulet, ayaw makinig na unpredictable ang weather ngayon. Buti ‘di nagkasakit.
Tapos last week, pagdaan ko ng Pizza Hut, nasilip ko yung mga payong na naka-display malapit sa door. From experience, I’ve found out na yung mga payong na pinapatatakan ng mga company logos eh medyo matibay-tibay than those that can be bought basta-basta kung saan. So nagtanong ako sa cashier if I can buy without food purchase. Wala akong kasama kasi so hindi ko rin naman mae-enjoy mag-Pizza mag-isa. Pwede daw. I even asked her “Miss, matibay kaya ang mga yan?” Sagot sa kin meron din daw syang ganun at matagal na sa kanya. Sana nga di lang sales talk yun. Anyway, it wouldn’t hurt to try since nga di pa ako makapuntang Manila.
So I went home na bitbit ang isang maliit na red and white payong saka dalawang malalaki (isang black saka isang red and white din) para sa mga bata. Ilang mga nanay ang nagtanong pa sa kin saan ko daw nabili at ang gaganda ng kulay. Ayun naka-convince pa ata akong i-try din nila bumili sa Pizza Hut. In fairness, nung pinagbubuksan ko dun sa store, mukha ngang matibay yung mga bakal as compared dun sa mga nabili ko sa palengke at department store dito sa Laguna. Tamang-tama the very next day, umulan ng malakas kaya nagamit agad nila.
Now, one week later, happy naman ako at buo pa ang mga payong. So far, so good. Saka this time around, siguro na-realize din nitong mga barako kong anak na dapat na nilang ingatan ng todo dahil halos araw-araw eh umuulan at sila rin ang kawawa pag nagkataon.
Fingers-crossed … here’s hoping na umabot man lang kahit end of the school ang mga eto. Garsh, ayoko ng mag-umbrella hunting ulit!
Monday, December 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment