Airline Angst
Etong yaya namin, nagpaalam na uuwi ng Zamboanga for Christmas. Pinayagan ko. Nung tinanong ko ang travel plans nya, balak daw nyang mag-bus tapos diretso na yun tatawid ng dagat from island to island hanggang makarating sa kanila. Naloka naman ako nung sinabi nyang 4 days ang byahe!!! Ngar, yun ngang 12-hour land trip to Sorsogon na naranasan ko many years ago, ayoko ng ulitin, yun pang 4 days?!
Ang pamasahe daw around P3000+ kasi from Davao to Zamboaga pala eh nasa 1k pa ang bayad. Tamang-tama etong si hubby, nabalitaan kung kanino na may low rates daw ang Cebu Pacific. So ni-surf ko sa internet. And true enough, sa home page pa lang ng website nila, andun na ang options to choose your destination, kung one way o round trip saka may pop-up window pag ni-click mo yung “Compute fare”.
Nung tiningnan ko ang pa-Zamboanga, 1 hour 35 minutes lang. Tapos ang nakalagay doon na total fees eh P2288. Kung di ba naman maengganyo kang mag-eroplano na lang! Nung sinabi ko kay yaya, ginusto ng mag-plane na lang kasi nga mura na mabilis pa.
All of Monday and Tuesday of last week, try kami ng try tumawag sa ticketing offices. Ack, puro busy. So ginawa ni hubby, pagluwas niya ng Manila, pumunta na lang directly sa isang branch. Laking gulat naman namin nung sabihin sa kanya na P3500+ daw ang pamasahe kasi ubos na ang economy fares. Eh may magagawa pa ba siya at that point? After all the trouble of going there, hahanap pa ba siya ng ibang airline eh ang hirap na ng bookings dahil nga holiday season. So binili nya yung ticket.
Eto ang kinaiinisan ko: Ok lang sana kung P3500 ang bayarin KUNG yun originally ang ini-expect naming babayaran. Eh wala namang nakalagay man lang sa website ng Cebu Pacific na ibang rates. Nag-email nga ako sa customer service nila. Ayun sumagot after ilang days at pinadalhan ako ng tabulated grid ng mga different kinds of fares nila -- na hindi ko naman maintindihan ang codes! Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko na bakit sa website, isang klaseng pamasahe lang ang nakalagay??? Meron pa silang blinking ad dun na “We offer the lowest fares all year round.” Tapos bibigyan ako ng table na unintelligible. Saka meron naman palang ganun, bakit wala sa website nila yun?
Hay naku! Pagbalik ni yaya sa January, sabi ko i-try namin muna magtanong sa Air Philippines at baka mas makamura. Buti na lang uso na ang e-ticket ngayon! At least hindi ko na kakailanganing magpadala ng money sa province with extra fees pa. Saka ang maganda nito, yung nakapangalan lang ang pwede mag-claim nun sa ticketing office, hindi basta-basta magagamit ng iba. Plus, kung di man matuloy bumalik ang maid at hindi nagamit ang e-ticket, pwede i-refund. Eh kung perang pamasahe yun na pinadala via LBC or Western Union, malamang goodbye na lang yun!
Monday, December 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment