As Seen on TV
Tenth bertday ni Josh kahapon. As one of my gifts, nagpalagay ako ng ad sa isang TV channel. Dito kasi sa min, since maliit lang ang town, iisa lang ang cable provider tapos marami pang vacant na channels dahil di pa daw ganun karami ang mga subscribers.
So yung channel 18, ginawa nilang community channel. Dun nagpapa-advertise yung mga may bagong business, may gusto magkalat ng announcements at greetings etc. Dapat ipapa-reserve mo yung day na gusto mo at babayad ka ng P25 (ayos ang price no?) para yung ad mo mag-appear lang dun maghapon (mula mga 7am hanggang madaling araw na next day, depende ata sa aga ng gising nung operator hahaha).
Eh di nung isang araw, knowing na darating na si mamang kolektor para sa monthly bayad, nag-iwan ako sa maid namin ng extra P25 saka yung written ad para madala na dun sa office. Nilagay ko lang “Happy, Happy 10th Birthday Gabriel Joshua! Love, Daddy, Mommy, Kuya Geffrey, James and Daniel.”
Kahapon ng umaga, pagdating ni Deden galing sa school (pang-umaga lang kasi), diretso yun bukas ng Tv para mag-Cartoon Network. Sabi ko “Anak, lipat mo naman sa channel 18 please.” Usually alam nila pag pinapalipat ko at nanonood sila, ibig sabihin may magandang show na pambata sa ibang channel. Nilipat nya. Pagka-glance dun sa blue na background at kung ano lang sulat-sulat, nilipat nya pabalik sa CN. Sabi ko lipat nya ulit. Sagot sa kin “Wala naman palabas eh!” So sabi ko “Read mo yung nakasulat.”
Nakakatawa yung reaction nya, unti-unting nanlaki ang mata habang binabasa nya yung greetings. “Mommy! Happy Birthday daw kay Gabriel Joshua!” Pagdating nya dun sa bandang ibaba, sumigaw na ng pagkalakas-lakas “Mama! Halika bilis! Tingnan mo ang palangan (tama po ang sfelling ko, ganyan sya magpronounce ng word na pangalan) ko, nasa TV!!!” Nyahahaha. Afterwards, ayaw na ilipat sa ibang channel kasi baka daw mawala eh hindi pa nakikita ni Jo.
Sayang di ko nakita ang reaction ni Josh kasi bumili ako ng medicines ni James sa Mercury. Pagdating ko ng bahay, nakarating na rin yung dalawang malaki. Anyways, malaki naman ang ngiti ni Josh nung nag-thank you sa kin. Natuwa ang mokong hehehe.
Tapos pagdating nitong asawa ko ng gabi, pag-upo nya sa sala, sabi ko ilipat ng channel 18 yung TV. Hay naku, mana sa anak, hindi pinansin yung mga letra sa screen at nilipat din agad ang channel “Walang palabas dun Mommy” exasperated pa ang boses! Sabi ko nga, “Kayo talagang mag-aama, ang tatamad nyong magbasa! Basahin mo ang nakasulat dun!” Naku, saka lang napangiti at tuwang-tuwa sa nakita nya. Hay naku, men!
Saturday, July 09, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment