Monday, July 04, 2005

Simple Joys

Galing kaming pedia-gastro nung Sabado for post-op check up. Healing well daw yung sugat ni James, thank God! I just hope matuyo na ng tuluyan para naman di na ako nawi-windang tuwing nagpapalit ng dressing.

Etong nakakatawa, dumaan kami afterwards sa Megamall. Kako itingin namin ng mas malaking stroller man lang para maipasyal na ulit namin ng mas madalas. Na-outgrow na kasi nya yung tatlong strollers dito sa bahay. At least wala ng tubo sa nose kaya di na gaanong pagtitinginan ng tao. Hirap niya pati bitbitin sa layasan kasi mabigat na saka mahaba na sya eh.

Nung nagsu"sukat" na kami ng strollers, pagkaupo namin sa kanya, sinukahan ba naman! As in overflow hanggang dun sa upuan. Kinailangan pa tuloy ni Daddy niya na tumakbo pabalik ng sasakyan sa parking para kumuha ng extra shirt at mga lampin. Sabi tuloy namin "Talagang pinili mo na yan James ha." Ayun, no choice, talagang napabili kami bigla. Buti na lang mura-mura ng konti yung stroller kasi sale hehehe.

After bihisan, ipinasyal namin sya sa loob ng mall. Grabeng ngiti! Tuwang-tuwa sa mga nakikita nya. Matagal na rin kasing hindi namin sya naipapasyal ng matagal sa labas. Puro hospital-bahay lang kasi lagi for check ups. Ang saya ng bata! Nagkakatinginan na lang kaming mag-asawa kapag tumatawa si James. Gusto ko na ngang maiyak eh. Sobrang nakakatuwa kasi na sa ganung simpleng pasyal, kuntento na ang anak namin.

We do have a lot to be thankful for kay Lord :)

4 comments:

Ruth Floresca said...

Hi AJ! I have lots more where that came from (imagine four boys with different personalities) haha. My son is doing great, thanks for asking :)

Anonymous said...

hi ruth. may ajero po.
im so glad that James is healing up fine.
sensya na minsan minsan lang ako magkaoras to read my emails and other people's blogs. anyway, medyo late man pero deep in my heart im blessed to have known you and Noy and be inspired by your life struggles and triumphs.

Anonymous said...

:) I'm happy for you. Ang bata mas mabilis maka-recover from operation. My son had an operation last 2003 and 2 days pa lang aba patakbo-takbo na. Kakabuwisit lang kasi super alala ako pero masaya din kasi alam ko di siya nahihirapan.
I read your article about Kaye sa Inquirer. Ngayon ko lang nalaman na sumusulat ka rin pala doon. Nice job, Ruth. Keep up the good work!
I will be praying for you and your family especially James.

Ruth Floresca said...

Thanks for the good wishes and prayers May and Mommy Lani! :) Oo nga, mabilis mag-recover ang bata. Lately, when I'm cleaning James' PEG site, di na nya pinapansin, nakakangiti na kahit may butas sya sa tyan :p

Related Posts with Thumbnails