Bomba (daw)
Kainis! Bakit ba may mga taong walang magawa kundi pahirapan ang buhay ng iba??? Kaninang umaga, alas singko pa lang, gising na kami ni Daniel para mag-prepare papuntang UP Diliman para sa weekly violin lessons niya. By 6am, bumiyahe na kami. Sakit pa naman ng ulo ko kasi 2 hours lang ang tulog ko dahil puyat ako kay James :(
Nakarating kami ng Kamias, saktong 9am na kaya sa takot kong ma-late na naman, nag-taxi na kami. Hay, ang P15 sanang pamasahe from Kamias to Philcoa to UP sa bus at jeep, naging P65. Dumating kami ng College of Music, mga 9:15 na. Buti na lang late natapos yung previous class ni Teacher Silke kaya abot kami.
Nakakaaliw pakinggan yung limang six-year olds na sabay-sabay tumutugtog ng twinkle-twinkle sa violins nila. Kaso wala pang 30 minutes, lumabas ng classroom si Teacher at pinapauwi na kami. Cancel daw muna ang klase dahil may na-receive silang bomb threat sa kabilang building ng College of MassCom. Argh, iisang oras na nga lang ang iniluluwas namin (at ginagastusan ng P350+ na pasahe!) tuwing Sabado, naunsyami pa!
Kinatok ko ang brother ko dun sa room nya. Nagtuturo naman yun ng classical guitar. Naku malayo naman daw ang classroom nya dun sa MassCom building saka since absent sya last week dahil sa trankaso, di na daw nya afford mag-cancel ng classes nya. Sus, tigas ng ulo! Kako, mag-ingat na lang sya. Eh ako, natakot na rin kasi lahat ng kasabayan kong parents, naglalabasan na ng college kaya sumabay na kami ni Deden. Naku, nakalimutan ko pang i-text ang kapatid ko ngayon kung nakauwi sya ng maayos sa boarding house nya!
Hay, nakakainis talaga yung mga terroristang nagpauso ng bomb threats. Mga walang kunsyensya! Para tuloy di naman masayang ng todo yung luwas namin, dumaan na lang kami ni Deden ng Galleria para mag-brunch sa Jollibee (ba't ba ang mga bata, hindi mauto sa ibang fast food stores???). Ayun nagastusan ako sa Filbars kasi nakakita ng back issues ng KZone si kolokoy. Eh mura nga naman kasi P25 na lang, saka etong tatlo, binabasa talaga nila from cover to cover ang magazine na yun kahit luma na. Tapos me nakita kaming Star Wars books na hardbound, P150 lang isa! Although Episode I pa ang themes, dahil baliw sa SW ang mga anak ko (pati asawa!), napabili na rin ako. In fairness, full color saka maganda ang paper at tantya ko, hindi lang P500 yun nung bagong labas pa sila.
Umalis kami ng Filbars, wala man lang akong nakitang mabibiling magazine o book para sa sarili ko :P Anyway, yung tuwa ng mga pinasalubungan pagdating namin ng bahay, worth na rin ng pagod. Nakakatawa, pati ang tatay nakikipag-unahan magbasa ng SW books :)
Sunday, July 17, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
OO nga, kakainis talaga ibang tao. Masyadong pahamak, walang respeto sa damdamin ng iba. Sana na lang magkaisip ang mga mokong na iyon na hindi lahat ng tao ay katulad nilang walang magawa sa buhay.
By the way, I read your article about Kaye sa Inquirer. Galing mo talaga, sis. Ngayon ko lang nalaman na pati pala sa PDI ay sumusulat ka. Siguro hindi ko lang nakikita iyong name ng author pero lagi akong nagbabasa ng mga articles sa portion na iyon.
Keep up the good work and thank you sa pag-visit sa blog ko. OO nga kahit nalagasan ng ngipin ang mahalaga maganda pa rin ako (ha,ha,ha).
Take care, dear.
Post a Comment