Smart Subscribers Beware!
Ingat kayong mga Smart users, sobrang disturbed ako dito kaya ipo-post ko. Hindi ko maatim na magsawalang-kibo at wala man lang gawing action kung may ganitong nangyayari. Mabuting ikalat para mas maraming makaalam.
Meron na naman kasing scam na nag si-circulate sa mga Smart subscribers. Dapat maging aware din kayo tungkol dito lalo na yung mga madaling maniwala sa easy money at hindi alam ang Pasaload number na 808. Ayokong meron pang mabiktima ang taong ito.
Naka-receive ang nanay ko ng text last June 28 at 9:37pm -- "Congrats!!! You win 500 load from smart. Type 0919759108 (the sender's number) and triple send to 808 so you can claim ur 500 load now thank u! SMART ZED 155# DTI#354256" Talagang may I place a DTI# pa sya ha!
Buti na lang, malabo na ang mata ni nanay at malimit sa amin na pinapabasa ang mga messages nya. Nakakainis talaga na may mga ganitong manlolokong tao na mahilig manlamang ng kapwa. Tumawag ako sa Smart kanina at sabi nila kapag cel # lang ang sinend mo sa 808, naka-default na ang pasaload as P10. Ang kapal nung sender, triple send pa daw! Sana ma-block na ng Smart ang sim na yun. At least kung bibili ulit ng prepaid sim yung manloloko, gagastos ulit sya.
Hmmm, di kaya raket ito nung mga bumibili ng mga sim for P25-40 sa bangketa??? Naku eh di ang liit nga naman ng puhunan nila!
Kaya ingat po tayo. Wag basta maniniwala lalo na kapag hindi official Smart (or even Globe) numbers ang nakalagay sa sender.
Friday, July 01, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
uy, thanks for the warning. i'll make sure to tell my other friends who are smart subscribers about this. ^_^
/kei
you're welcome kei! :) isa pang "to watch out for" yung texts na nanalo ka daw ng milyon at kelangan tawagan mo si so and so. i received 3 of those and texted the senders "magtrabaho ka nga! huwag kang manloko ng kapwa mo!" hmp, mawindang nga sila :p
haha, my mom got that message the other day. sabi ko sa kanya na wag nang pansinin yon kasi scam lang yon. ^_^
Post a Comment