Help Make a Difference

Friday, September 30, 2005

Quips

Dami talagang funny na tao sa Pilipinas, basta marunong ka mag-observe sa paligid mo, di mo na kelangang magbayad sa panonood ng comedy na sine para lang matawa.

Sa sidewalk na tabi ng MRT station sa Magallanes nung Wednesday, me nakita akong nagtitinda ng puzzles na pambata. Pagsulyap ko sa lamesa nya, merong cardboard sign. Ang lettering? PAZEL. Ayus!

Sa isang bilihan ng barbecue sa San Pablo City, habang nauubo ako sa usok paghihintay ng order ko, pumasok ako dun sa loob ng kainan. Sa pader me menu, at may entry doon na hanggang ngayon di ko pa rin nakakalimutan: FISH FILEY

Dun naman sa isang gate ng isang di naman kalakihang bahay: DON'T MIND THE DOG, BEWARE OF THE OWNER! Naku meron pa kaya silang nagiging visitors? hehehe

At kahapon lang sa t-shirt ng isang babaeng kasakay ko sa jeep, aliw na aliw ako sa naka-print: YOU'VE BEEN A NAUGHTY BOY, NOW GO TO MY ROOM!

Ang peborit phrase ng asawa ko na nakita nya sa flap na nakasabit dun sa bandang ilalim sa likuran ng jeep: THANKS GOD DREAMS COMES TRUE. nyahahaha!

2 comments:

.:k:. said...

Wahaha, pinakagusto ko yung isang bakery sa may QC ata. "Bread Pitt". Bwahahaha!

Ruth said...

Ayos! kaloka nga yun! hehehe Naalala ko tuloy bigla si Brad Pit sa Bubble Gang dati ... "Alien!" :D

Related Posts with Thumbnails