Hiatus ... again
Hay naku, na-miss ko mag-post sa blogs ko! Hirap nitong maraming trabaho. Tapos nagkasakit pa ang tatlo sa apat kong tsikiting. Humabol pa ng trangkaso ang tatay! Buti na lang malakas resistensya ni Mommy at hindi tinablan ng mga viruses :D
Grabe ang daming me sakit ngayon! Si James ang pinaka-grabe. Nagsimula sa sipon at ubo, nahawa kay Deden (ang kulit kasi sabi ng huwag tumambay sa kwarto namin eh), tapos biglang dumiretso sa hika with matching suka ng suka dahil sa phlegm. Hay, gusto ko na ipa-confine sa hospital at ng ma-sweruhan! Baka ma-dehydrate kasi. Ang siste lang, pagtawag ko dun sa tatlong major hospitals sa bayan, walang bakante. Yung isa ang inoffer sa akin yung suite room. Nanayko, 2k+ isang araw! Ngak, baka sa room pa lang, wala na kami maibayad bago makalabas ng hospital.
Tapos dun sa isang hospital naman, ang sabi sa akin "Mam ang available na lang sa pedia ward ... pero ang hihigan, crib." Ngek, para akong na-twilight zone at ni-remind pa ako ng experiences namin sa Chinese Gen. Nung kinuwento ko kay hubby, tawa ng tawa, inaasar daw ako malamang nung nurse :S
Thank God nakuha ng maya't-mayang nebulization ang ubo ni James. Binilhan namin ng rehydration tablets at inhalation solution na matapang-tapang, dalawang sessions lang, lumuwag ang ubo nya. From then, um-ok na ulit sya. Nga lang, si Daddy naman ang sumunod ngek. At least ngayon, ok na ulit silang lahat. Ako .... may back aches, waah!
Tuesday, September 20, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment