Pamana
Aminado ako, pack rat ako. Sobrang sentimentalist na lahat na halos ng memento at maliliit na bagay na may meaning sa akin, kahit pa kapirasong tiket ng ferry (gaya nung unang punta ko ng Puerto Galera), itinatago ko.
Ang itaas ng aparador namin, etong may susian sa ilalim ng isang book case, yung isang buong durabox, saka mga kahon sa sulok-sulok ng bahay namin, siksik sa mga “kalat” ko kung tawagin ni mister. Andun yung mga remembrances ng mga kaibigan ko nung elementary, high school at college, lahat ng mga sulat galing kung kani-kaninong malapit sa puso ko, maging ang mga double breasted shirts ng mga anak ko na ginamit ni Leland hanggang kay Deden nung baby pa sila kasi hindi ko maipamigay dahil binurdahan ko ng calligraphy style na letter F, etc. etc.
Now and then, kukulitin ako ni husbandry, ipagtatapon ko na daw kasi dagdag lang sa space eh di naman ginagamit. Ayoko nga! Hindi ko man sigurado ano nga bang gagawin ko sa mga items na ito in the future, ayokong mawala sila. Weird ba? Hehehe But I do believe na merong tamang panahon para magamit ulit ang isang bagay. Ilang beses ko na na-prove yun.
Ang siste, etong biyenan ko, nung bago pa lang kaming mag-asawa ni hubby, inabutan ako ng isang plastic bag na may laman na maliit na barong at kulay pulang pants. Kay hubby daw yun nung maliit pa at ako na ang magtago. Naku bago pa man ako masermunan nitong si Mr. Tapunero eh hindi ko na sinabing nasa akin.
Nung grade 4 si Leland, kinailangan ng red pants para sa parade nila sa school. Naalala ko si pantalon at pramis, ipinagamit ko sa kanya yun. Tapos. just two weeks ago, may sayaw sina Deden sa Linggo ng Wika nila at kailangan na naman ng red pants. Ulit, hindi na ako kinailangang bumili. Kung hindi lang sobrang makaluma na ang style nung barong, malamang napagamit ko rin sa mga anak ko. Kaso modern na ang designs ng mga barong ngayon eh.
Naisip ko, hmm, mai-file nga ang mga pictures nung tatlo. Kaya ini-scan ko yung mga litrato tapos in-edit ko with the Arcsoft program. Eto ang resulta sa baba. Needless to say, nung tinawag ko si asawa at pinakita sa kanya, ang unang tanong “Same pants?!”
Hay naku, men!
Monday, September 05, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Ang tawag diyan wais na mommy (he,he,he). Pareho kayo ng hubby ko siya ang maraming abubot, iyong mga notebooks niya noong college pa nakatabi pa rin. Kundi siguro inanay sa bahay nila iyong mga notebooks niya noong highschool baka narito pa rin iyon sa aming balay.
hay, if you could only have a bigger space to store your stuff. or if you could only compress them to fit in a small box like what you do with all those digitalized files. im guilty of keeping things that have meaning to me. our family tend to move a lot so most of the things that i kept were lost. lps, 45s and some readers digest and magazines, sketch books from my elementary days. when we moved out of our house, i felt a sense of loss when i can't take most of my "things" with me because there is no space to store them. so its nostalgia when i visit my mom and i rummage through the things and find some piece of stuff that mean something to me. heck i think i cried when i found the old voltes five 45 and played the "i want father" on the record player.
I am guilty of the same thing, pero marami na rin akong "pinaghirapang" itapon. It took me years to part with them. Iba kasi pag sentimental value ang kalaban mo sa pagtatapon o pamimigay. Mabigat, malungkot, at bago ka makapagdecide to part with them, dadalhin ka pa to memory lane... hay...
Post a Comment