Grrr!
Hay naku, apat na araw ng walang dial tone ang phone namin sa bahay. Kaya eto tatlong araw na akong pabalik-balik sa internet cafe para mag-send ng article submissions sa aking mga editors. Kainis, ang laking abala na sa oras, ang gastos pa! Buti sana kung may malapit sa amin ng internet shop, eh wala! As in I have to travel 30 minutes one way to go to town just to be able to use a computer with net connection.
Ang nakaka-asar pa, nung finally naka-contact ako sa PLDT kahapon, ang sagot sa kin "OK mam, gagawan po natin ng report yan." Pero nung tinanong ko kelan exactly maaayos, ang sagot depende daw sa lineman. Eh buong umaga na akong naghintay kanina ng mag-aayos, wala pa rin! Within 24 hours daw, che!
Sa inis ko, dahil kinailangan ko na namang mag-send ng important work emails, bago ako dumiretso sa internet shop, puntahan ko nga PLDT office directly. Nagreklamo na ako sa customer service nila. Ang sagot? "Mam, may report na daw ito ah." Kako nga, eh meron na pala bakit hindi nyo gawin? Sabi ko pa "Ang galing-galing ninyong magtawag sa min na magbayad ng bill kahit wala pang due date tapos pag kami ang nangailangan ng services nyo, ang bagal nyo kumilos!" Biro nyo naman, never pa kaming naputulan ng telepono ever, tapos monthly kukulitin kang magbayad agad! Ang masama pa, twice na nangyaring kakabayad ko lang dun sa office nila, the next day may tatawag pa para mag-remind na magbayad. Argh, injustice!!!
Buti na lang sobrang reliable nitong mp3/flash disk ko. Sa bahay ko na ginagawa ang mga articles ko para pagdating sa computer shop, ise-send ko na lang, di ko na kailangang mag-type. Pero still, ang gastos pa rin, waaah!
Bukas pag di pa rin kami pinuntahan ng lineman, baka manigaw na ako ng customer service rep nila pagtawag ko ulit sa kanila. Hay nako, kabilang dulo pa naman ng baryo namin ang bahay ng pinsan ko!
Tuesday, August 30, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ang puso, mo... joke lang. sana maayos na agad phone line nyo.
hehehe taray ba? kung di ka kasi maninindak minsan, they take you for granted, eh i don't believe that i deserve to be treated that way kasi good customers kami. ayun after 45 years, este 6 days, inayos din nila kaninang umaga (lang!)
Post a Comment