Oportunista!
Inis na inis akoooo! Eto ang kwento ….
Last Saturday, pagkatapos ng violin lesson ni Deden sa UP Diliman, dumaan kami ng SM North para bumili ng sneakers nina Leland at Josh kasi bumigay na last week yung kay Joshua while yung kay Leland eh naghihingalo na. Bakit kasi ang bilis mawasak sa mga malilikot na bata ang sapatos!
Anyways, happy pa naman ako after buying the shoes kasi namigay ng libreng umbrellas ang SM for Advantage card users. White yung pinili ko at sabi pa ni Deden, “Wow ang ganda ng payong mo!”
Matagal-tagal na akong di nakakasakay ng bus galing SM North. Nag-abang kami ng pa-Alabang na aircon bus dahil dun kami magla-lunch sa bahay ng sister ko. Pagkasakay namin, lumapit yung kundoktora. Sabi ko “Alabang”. Tanong nya “Ilan?” Eh di sagot ko “Isa,” kasi naman sa liit ni Deden eh pwedeng-pwede pang kalungin unlike kung sina kuya ang kasama ko, ibinabayad ko talaga ng pasahe ang mga yun. Sabi nung ale P72 daw. So nagbayad ako, all the while wondering parang ang mahal naman ata kasi ang alam ko, Alabang to Kamias eh P35 lang.
Tinext ko si hubby para tanungin kung alam ba nya magkano talaga ang pasahe. Sabi nya masyadong mahal ang ibinayad ko dahil Cubao-Alabang P32 lang. Baka daw pati si Deden eh kinuhanan ng bayad. So pagdaan ulit nung kundoktora, tinanong ko sya “Ale, magkano ho ang galing SM North pa-Alabang?” Sabi niya “P36 isa.” Tumaas ang kilay ko, “Eh bakit dalawa ang siningil nyo sa akin?” Susmarya, sinigawan ako! “Aba, may bayad na yan! Alam ko dahil inspector din ako!” Kahit gigil na sa katuwiran nya, kalmado pa rin akong nagsalita “Eh di sana ho ang kinuha n’yong bayad pang-estudyante man lang.” Sigaw ulit sya “Walang pasok ngayon! Nagtitiket lang ako ng pang-estudyante pag may pasok!” Sabay lakad palayo. Makikinig kaya sa akin yun kung sinabi kong galing sa klase ang anak ko? I doubt. Saka sino bang herodes sa gobyerno ang nag-decide na kapag weekends eh hindi applicable ang student fares??? Baket, nagbabago ba ang status ng bata kapag Sabado at Linggo??? Kaasar, ang bulok ng nakaisip nun!!!
Hindi na ako umimik. Ayoko din namang pahabain ang usapan na mukhang wala namang patutunguhan. Pano ka ba naman makikipagtalo sa isang taong mukhang walang rason? Eh sa mga sagot pa lang sa akin, defensive na ang tono nya. Ang sa ‘kin kasi, sana hindi na nya ako tinanong kung ilan ang ibabayad ko kung nag-decide na pala syang ticketan si Deden. O kaya naman, nung sinabi kong isa nung una pa lang, sana pinaliwanag nya sa ‘king may bayad na ang ganun kaliit na kinder. Kahit alam kong unreasonable, hindi na ako makikipag-argue sa kanya.
Ano nga ba talaga ang patakaran ng LTFRB tungkol sa bayad sa bata? Kasi first time ko talaga itong sumakay ng bus na siningilan ng bayad si Deden. Lahat naman ng nasasakyan ko, lalo na kapag provincial busses, magagalang pa ang kundoktor na magtanong "Mam, ibabayad ho ba yung bata o kakalungin?" At least they inform you na may choice ka. Oo alam kong mahirap ang buhay kundoktor – maghapong nakatayo, konti ang kita, nakakapagod ang trabaho – pero enough reason ba yun para mang-onse ng kapwa tao? Asan na ba ngayon yung tinatawag na honesty at integrity sa kahit anong trabaho meron ka? At ako, mayaman ba ako para mamigay ng pasaheng hindi naman dapat? Kaya nga ako nagbu-bus kasi wala kaming pambili ng kotse! Tinext sa kin ng asawa ko “Mom, let it go, ipasa-Diyos mo na lang.”
Eh bago ako bumaba, may isang nanay na may kasamang dalawang maliit na anak (siguro aged 5 and 6 din lang) ang umusod sa upuan sa likuran ko. Hindi ko napigilang tanungin sya kung siningilan din ba ang mga anak nya. Oo daw at kanina ay nakipagtalo din sya dun sa ale. Kita ko sa mukha nung nanay ang inis sa pakiramdam na niloko sya, gaya ng malamang ay nakasalamin sa mukha ko. Ang swapang daw nung kundoktora. Ay talaga! Sabi ko sa kanya, hayaan mo ire-report ko itong bus na ito sa LTFRB. Ewan kung may gagawin silang aksyon pero sana naman meron. At least I would have done my part bilang mamamayan na gusto lang maituwid ang isa sa mga bulok na sistema sa Pilipinas. Gagawa ako ng formal complaint talaga at ifa-fax ko sa LTFRB. Baket kase wala silang email address na nakalagay dun sa website?! Hay, ang lo-tech!
Ang bus company ay RRCG, plate number TWR 314. May sticker na pulang pangalan na “Alex” dun sa parang sun shield nung driver. Ang kundoktorang sinasabi ko eh parang matandang tomboyin kung kumilos at maiksi ang buhok. Siguro late forties or early fifties na sya. May mga nunal sya sa taas at baba ng labi sa kanang side ng mukha nya. May suot syang military beret at ang relo nya eh Seiko na brown ang harapan. Naka-“Sketchers” na sapatos. Yung byaheng sinakyan ko eh mula 12:00nn hanggang 1:30pm from SM North to Alabang, July 30, 2005.
I’m soooo fed up with RRCG busses. Hinding-hindi na talaga ako sasakay sa kanila! Twice, nakasakay ako sa bus nila na nag-cutting trip. Ang signboard eh Fairview galing Metropolis sa Alabang pero pagdating sa bandang Cubao eh pinalipat kaming mga pa-Philcoa ng bus kasi biglang magmu-Monumento na sila. Pati Nanay ko na binigyan ko ng instructions na siguraduhing Fairview ang byahe ng bus bago sya sumakay, nakaranas ding ibaba sa gitna ng EDSA dahil nag-cutting trip na naman. Ang hirap-hirap pa naman na may bitbit kang bata kapag ganun. Sobrang inconvenient talaga!
Ngayon, masisisi nyo ba ako kung bigla kong maiisip na hindi kaya RRCG bus ang pinasabog dati noon sa may Ayala Ave. eh dahil marami nang asar sa kanila???
Monday, August 01, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment