Monday, August 15, 2005

Senseless

Nasa SM Centerpoint ako kahapon. May ininterview ako para sa isang article ko. Dun kami naupo nung resource person ko sa isang corner table sa Chowking para less ang distractions.

Tini-tape ko ang conversation namin at pareho kaming engrossed sa conversation nang biglang may lumapit na teenager, maayos naman ang bihis pero biglang may envelope na inilagay sa table. Una kong naisip baka nanghihingi ng donasyon para sa may sakit na kamag-anak. Kasi naman ilang beses na ba akong nalapitan sa mga fast food stores ng mga nanghihingi ng tulong for medicines or hospitalization costs. Once, may isang lola pa na hirap na hirap maglakad ang may dalang reseta ng gamot para sa diabetes at nanghihingi ng pera dahil kailangan daw nyang uminom noon at wala syang pambili. Sometimes, hindi mo maiiwasang mag-isip na sa dami ng mga scams na kumakalat, pwedeng modus operandi na ang mga ganito. Pero looking at that old woman, nakakaawa talaga.

Eh yung bata naman kahapon, naloka ako ng biglang magsalita ng "Donation lang po kasi candidate ako sa beauty contest." Ano daw?! Nagulantang ako. Pati ba naman yun ipinag-iikot na rin ng hingi sa mga malls??? I had to turn her down, "Iha, may importante kaming pinag-uusapan ok?" Naku nangulit-ngulit pa rin pero I just shook my head and she went on to the next table.

Forgive me sa mga masasagasaan sa sasabihin ko. Pero noon pa man hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-gets ang principle behind beauty contests na paramihan ng tickets ang candidates para manalo. Baket? Baket tatawaging beauty contest kung hindi naman ganda o talino ang usapan kung hindi pera? Ang labo di ba? I find this Pinoy pakulo really senseless. Kahit pa sabihing may beneficiary ang event, I still don't buy the title nor the way they raise funds. Mas bagay pa siguro kung tatawagin nilang popularity contest di ba? Dito lang kaya sa atin may ganito?

I mean, I'm all for respecting contests and everything. Pero yung mga may sense naman. Although shempre relative ang term ng "sense". So for the sake of peace, tama na etong nailabas ko ang gusto kong sabihin, I rest my case ...

3 comments:

Anonymous said...

Hey! Hehehe wala lang...

Ako rin hindi ko ma-gets bakit "beauty contest" ang tawag... actually tinanong ko pa yan sa nanay ko dati... ang sinagot na lang nya sa akin "kasi hindi naman din maglalakas-loob sumali ang mga hindi kagandahan jan"... siguro dahil walang masagot ang nanay ko hahaha!

Ruth Floresca said...

Hi Sherwin! O di ba, kaloka! Ang labo kasi :p Saka, psst, sabihin mo kay nanay mo, ngayon hindi na lahat ng malakas ang loob eh maganda! hehehe

Anonymous said...

Oo nga hirap intindihin. Kaawa din iyong mga elementary students (especially from public schools) na nagbabahay-bahay para magbenta ng tickets para sa candidate nila sa Miss and Mr. ek-ek. Pati mga bata nagagamit. Hay! buhay.

Related Posts with Thumbnails