Make Scents!
Bilib na talaga ako sa pagiging enterprising ng mga Pinoy. Hmmm, sa Pinas lang kaya may ganito?
Nung isang linggo na lumuwas ako ng Manila para sa isang meeting, nagkita kami ni husbandry sa Festival Mall para sabay na kami umuwi. Bago pa kami nakalabas ng mall, napansin ko yung isang stall na may mga naka-display na pabango, mga flasks at graduated cylinder. Ang store name? Scents Per Cents. They claim to sell the original deals daw (sa dami kasi naman ng peke sa bansang ito, pati orig na perfumes may nabebenta nang kamukhang-kamukha ng orig ang packaging!). Naalala ko bigla yung kinukwento sa 'kin ng kaibigan kong si PJ na may nabili daw syang perfume ni JLo pero tingi lang. Naisip ko, eto na siguro yun!
So nag-usyoso lang kami ng konti. Tamang-tama, kaka-birthday lang ng brother ko at wala pa akong nabibigay na regalo. Eh nakakita ako ng Fahrenheit ng paborito nyang scent dun sa mga naka-display. At P34/ml, hindi na ganun kamahal ang 5 ml (ay, extra charge pala ng P30 yung atomizer ha) kesa kung bibili ako nung mismong bote, which by the way eh hindi ko afford! Type na type ko pa naman yung amoy ng Clinique Happy Heart pero wala na akong budget (kasi ibinili ko ng mga libro sa Booksale!) kaya sana next time na mapadaan ako dun may pambili na ako hehehe.
Nakaka-amaze lang talaga na hindi na lang mga shampoong naka-sachet ang pwedeng bilhin na tingi ngayon. Hanga ako sa nakaisip ng concept na yun talaga. Kaso ang mahal siguro ng capital kasi bago ka makapag-stock man lang ng 20-30 na perfumes plus all the accessories na kailangan, baka kulang ang 100k. Hay eto na naman ako, nangangarap ng sariling business, wala namang pang-capital :p
Tuesday, August 09, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
First time kong nakita iyang stall na iyan sa Market!Market! noong merong Mother's Day Blow-out ang GH. Okay talaga, actually 2 pa ang stall nila doon. Sa medyo kulang ng budget na makabili ng perfume pwede na rin ang tingi.
Don't lose hope, Ruth. Malay mo biglang dumating ang swerti at may biglang big business ka na. Ganun lang ang buhay, di masamang mangarap kasi libre iyon.
Post a Comment