Monday, August 22, 2005

Crybaby

Hay, ang mushy ko talaga! Kanina kasi, kaka-surf ko ng channels, nakita ko sa Cinema One yung Got to Believe nina Claudine at Rico. As usual di ko na naman nasimulan (never ko pa napanood ng buo ang film na ito!) pero pinanood ko pa rin dahil maraming scenes dun na naaaliw akong panoorin. Ako pa naman, pag may pinapanood na touching scenes, meron akong nararamdamang butterflies sa stomach ko, ewan bakit. Sobrang empathy ba? Siguro nakaka-relate lang ako lalo na dun sa mga bagay na pinagdaanan ko rin nung unang panahon. Anyways, as usual pa rin, di ko mapigilang maluha sa ibang scenes. Ngak, ang iyakin ko talaga! Pero at least dahil sa movies lang malimit.

As a thirty-something mom (aba, hindi ko na ipapangalandakan edad ko no!), it's refreshing sometimes to be able to watch flicks na ang themes eh on young love. Kahit papano, there's this sense of kinship with the characters when comparing them to what I've also been through before. Wala lang, nakakatuwa lang mag-reminisce minsan. Kaya siguro enjoy na enjoy ako ngayon dun sa bagong series sa Star World, yung One Tree Hill. There's something about that show that gets to me every time (hindi lang si Chad Michael Murray hehehe, pero in fairness ang cutie ng batang yun!).

Eto pa ang list ng movies na napapangawngaw ako tuwing mapapanood ko, yung mga endings particularly: Heart and Souls, Only You (parehong starring Robert Downey Jr.), Joy Luck Club, Shawshank Redemption (not that nakaka-relate ako sa imprisonment ha, crush ko lang si Tim Robbins :D) ... nalimutan ko yung iba, pero alam ko marami yan. May amnesia lang ako ngayon hehehe.

5 comments:

Keiichi said...

hey ruth!!

ganda ng one tree hill!! anong season ang pinapalabas sa star world?

/kei

Anonymous said...

Nakaka-relate ako diyan. Sabi nga minsan ng nakausap ko na 75-year-old woman, itsura lang daw ang tumatanda sa tao at hindi ang puso. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya laluna that time noong makausap ko siya ay nagkita ulit sila ng first boyfriend niya (biyudo't biyuda na sila). Kakilig naman talaga, di ba?

Ewan ko ba kahit ilang beses kong panoorin ang "My bestfiend's wedding" ay naiiyak ako. Laluna sa scene na nasa gondola sila. Super gusto ko rin iyong Only You, husay ni Robert Downey Jr. (kaya lang sinisira ang buhay niya, naku di na related ito, he,he,he).

Last movie na iniyakan ko ng todo ay iyong Aishte Masu starring Judy Ann Santos, Dennis Trillo and Raymart Santiago. Grabe ang love story doon, medyo unconventional but pure.

Hayyyy, sarap magmahal...

Anonymous said...

Ang huling kumurot sa puso ko na napanood ko ulit sa HBO ay ConAir. Kaiyak naman kasi yung kanta... =)

Ruth Floresca said...

Kei, season I pa lang. Ganda ng story no? :)

Mommy Lani, uy clean na po for more than 2 years si Robert Downey Jr. from drugs. Mukhang nagbagong-buhay na sya talaga which makes me happy kasi big fan ako nun. And he just got married last week kaya sana tuloy-tuloy na ang kanyang happiness :)

Lut, ayun, Con Air! Isa yan sa nakalimutan kong banggitin. Totoo, ako din laging naiiyak sa ending nyan :p

Anonymous said...

please include sleepless in seatle. pure magic ang tambalan nila tom hanks and meg ryan ata dito, i cried when i saw love affair (ms a. benning and yung guy sa dick tracy-forgot his name) again. my ex gf kasi an i saw the premier, eh nung pinalabas na sa cable we have broken up na-eh di cry naman ako nung pinatugtog na yung song and while emoting i didn't know my older sister was in the tv room-sabi nya "hoy, anong problema mo?" buwiset!! (married na ako and i just smile when i remember this. hmmm what else, ah yung autumn in new york with richard gere and winona-i really relate to the love story (not that i fell in love with a girl who is sick but my wife is younger than me). i saw this film nung gf ko palang yung wife and we happen to have a love affair with food! i always cry when winona collapsed (christmas time) and she died during her operation, tapos itong si mr. gere eh nabuksan lang ung gift ni winona tapos na christmas and alone na sya. its his watch that winona took. rent the movie nalang para maintindihan ang kwento ko.

Related Posts with Thumbnails