In My Own Small Way
Dahil sa aking recent “escapade” story sa bus (see story below), may isa akong friend na nag-comment na parang andami ko daw naman atang nararanasang misfortunes. Parang may balat ba sa pwet hehehe. Kako, hindi, reklamadora lang talaga ako :D Pwede na nga daw akong gumawa ng compilation na libro ng mga bad experiences ko sa sobrang dami.
Seriously though, I don't think nag-iisa ako sa mga misfortunes na nararanasan dahil sa mga palpak na sistema sa Pinas. I just happened to be very vocal about them. Bakit? Kasi walang masyadong nagsasalita eh. Kung hindi ko sasabihin ang mga nangyayaring reality, mas lalong walang gagawing aksyon ang mga nakaupo sa pwesto ... dahil walang nagrereklamo eh.
I know a lot of people who grumble and are also dissatisfied with a lot that's happening. Pero ano ginagawa ng karamihan? Wala, dahil daw:
1. Wala namang mangyayari kung magreklamo ka eh. Sayang lang daw oras.
2. Ipasa-Diyos na lang. Which is good counsel kung rare ang incident. Pero the moment na may nakausap akong nakaranas din nung nangyari sa akin (like yung nanay na inonse rin ng kundoktora or yung kapitbahay naming naka-more than P100 na load kaka-text dun sa nanlokong nanalo daw sya ng half a million), I decide to be the voice for all of us. Ang hirap sa Pinoy lunok lang ng lunok ng misfortunes eh. Bihira ang umaaksyon. (Eche pwera ko na yung mga militanteng grupo ha, di naman ako ganun ka-violent).
With all those things na isinulat ko noon, I can see results kasi. Like nun ngang manhole incident. Kung di ako nagpakalat ng email about the kapalpakan ng mga namumuno at DPWH ng *toot* (hindi ko na uungkatin yung pangalan ng place), hindi mapapahiya yung mayor at engineer at hindi nila gagawing takpan yung open canals in as short as three months. Eh years before ang dami na talagang naaksidente sa lugar na iyon!
Yung sa smart scam naman, there have been people who emailed me their thanks kasi muntik na rin sila (or kamag-anak nila) mabiktima kung di nila agad nabasa yun. Wala eh, sa hirap talaga ng buhay, maraming madaling mapaniwala sa easy money sa sobrang desperasyon. Eto ngang kapitbahay namin, ayun huli na ang pagsisisi.
Nung nadukutan ako ng phone, ini-report ko at pinablock sa NTC ang serial code ng phone ko. Kahit pa maraming nagsabing wala naman daw katuturan ang ginawa ko dahil ang bilis magpa-unlock sa Greenhills. Ang point ko, at least I have the satisfaction of knowing na gagastos pa sila at mai-inconvenience sa pagpunta ng Greenhills para lang ipa-open yung phone.
Ang sa ‘kin lang, any form of injustice, lalo na kapag ramdam mong agrabyado ka (hindi dahil tanga ka pero dahil wala kang ibang choices) dapat you have to take action. Pano nga kasi magbabago ang takbo ng bansa natin kung lahat ng tao eh amen na lang ng amen sa mga "kamalasang" dinadanas nila di ba? Eh hindi ako ganun. Ever since I have been a mom, naging prinsipyo ko nang ipaglaban ang rights ko. (Eh believe me, hindi ako ganun ka-proactive nung dalaga pa ako.). Dahil ayokong lumaki ang mga anak ko sa kapaligirang ganun pa rin kabulok ang sistema. Kung may magagawa ako kahit gaano kaliit, gagawin ko, for their future's sake.
Yun lang naman :)
Tuesday, August 02, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment