This is it!
The day is near …. isang tulog na lang, maga-undergo na si James namin ng gastrostomy procedure. Bale ililipat na ang feeding tube nya from the nose to his stomach. Para mas madali na for him to breathe and practice eating orally. Hopefully din, mabawasan na ang malimit nyang pag-vomit dahil wala ng tube na magti-tickle ng GI tract nya.
At dahil gagamitan din lang sya ng endoscope, we decided na ipasilip na rin sa pedia-ENT ang throat nya. Para ma-determine na rin anong cause ng ke tagal-tagal ng tunog na ginagawa nya (parang naghihilik ng gising) tuwing nag-iinhale sya.
Kagabi, galing kaming Asian Hospital para kumuha ng clearance for surgery dun sa pedia-pulmo na recommended ng pedia-neuro namin. Nagkataon kasing nag-abroad pala ang pedia-pulmo namin at matagal pa ang balik. From 6pm sa clinic nung doc, inabot kami hanggang past 9pm dahil sa mga tests. Tapos kinabukasan pa makukuha ang results kaya babalik pa kami mamya dun.
Nanay ko! Ang daming pinagawang tests kay James. Bukod sa xray, meron pang mga CBC, platelet at bleeding count. Ako ang nanginginig ang tuhod nung kinukuhanan sya ng dugo, ack! Tapos meron pang test na ABG (Arterial Blood Gas) na pagkamahal pala! Ang nakakaiyak, mahirap palang kunan ng dugo yun dahil artery ang kailangang tusukan ng needle. Kaya ako nagtataka bakit hindi ginamitan ng tourniquet, yun pala kasi veins daw ang lalabas kapag may tali. Naka-apat na tusok sa anak ko bago naka-kuha ng ½ cc ng dugo, waah!
Ang compensation naman naming mag-asawa, friendly sa bata ang mga staff sa Asian. Mga naka-ngiti palagi and magiliw makipag-usap sa patient, pati yung secretary nung pulmo na pinuntahan namin. Sabi ko nga sa asawa ko “Samantalang yung secretary nina Dra. ____ (yung iba naming doctor sa ibang hospital), ang taray-taray palagi!” Sagot ng aking ever-practical husbandry, “Mommy, if you’re paid well, you can afford to smile and be cheerful more. Malaking magpasweldo dito ano!” hehehe.
Anyway, eto at alas-singko na ng umaga, hindi na ako nakatulog. Kinailangang tapusin ang mga article deadlines ko bago ako mawala sa harap ng computer ng tatlong araw. Papa-admit na kasi kami mamyang hapon sa Chinese Gen dahil bukas na ang procedure. Buti na lang andito nanay ko para bantayan ang tatlo ko pang tsikiting at turuan sa mga assignments habang wala ako.
Sa mga friends and relatives naming makakabasa nito, please do pray for James’ safety during the operation. Pray also for strength sa aming mag-asawa kasi sa totoo lang, ako ang ninenerbyos ng todo. Sana din maging swift ang recovery niya para makauwi kami agad.
Thank you sa lahat ng nag-email sa amin ng encouraging words these past few days. We really do appreciate them.
Wednesday, June 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment