Friday, June 03, 2005

Bawal ang TV kapag kumikidlat!

Nasa Manila ako nung Wednesday kaya wala ako sa bahay nang umulan ng malakas at may kasama daw kulog at kidlat. Kwento ng nanay ko, natutulog sila nung hapon ng biglang may malakas na putok silang narinig. Para daw bombang sumabog. Later, nalaman nilang merong isang ale na malayo ng konti ang bahay sa amin, eh nagkaron ng minor burns at muntik pang masunugan. Kasi naman, ang lakas na ng kidlat, sige pa rin ang nood ng TV. Unfortunately, tinamaan ng kidlat ang lanzones tree sa tabi ng bahay nila at natumba sa wire ng poste. Ayun dire-diretso ang electric current sa antenna ata ng bahay down to the TV set at nagliparan daw ang sparks sa buong bahay.

Iiks, ngayon talaga, convinced na akong dapat hindi nanonood talaga ng TV o gumagamit ng ibang appliances kapag ganun ang panahon! Too bad pa, since nga wala ako sa bahay, hindi ko na-disconnect ang phone line sa modem ng computer ko. Ayun, kinabukasan, di na ako maka-internet dahil sira na sya. Waaah! Gumastos tuloy ako ng P700 kanina para lang pakabitan ng bagong modem ang PC at magbayad ng service fee sa technician.

Hay buhay, kung kelan ang daming gastos dahil pasukan na naman, may extra pang aberya na darating gaya nito. Pero sabi nga ng positive-thinker kong asawa, ganun talaga, masisira at masisira ang isang bagay. Hindi mo nga lang alam kelan, kaya you have to be prepared na lang palagi for any emergencies.

Tag-ulan na naman. Ingat kayo kapag umuulan na may kulog at kidlat ha. Matuto na kayo sa experience nitong kababaryo namin. Although duda ko, kahit nasa ospital yun, baka nanonood pa rin sya ng TV doon :P

No comments:

Related Posts with Thumbnails