Independence
Nag-start na ang classes ng mga anak ko last week pa. Sanay na sanay ng mag-jeep mag-isa ang dalawa kong elementary students. Etong si bunso lang ang inalala ko dahil gusto ko syang masanay na ring mag-commute mag-isa. Anyway, kabilang bayan lang ang school nya at kumontrata na ako ng tricycle driver as school service.
First four days, sinusundo ko pa si Deden. Nung Friday, binilinan kong mag-isa na lang sya sasakay kay Mang Freddie kapag uwian na. Basta kako, tandaan nya yung mama na may eye glasses. Pag-uwi dito, sus magkabilang tenga ang ngiti! May halong yabang na ang pagmamalaki niyang “Mommy! Kaya ko na mag-isa!” Nung nagkita sila ng nanay ko, yun agad ang ikinuwento niya, “Mama, ang brave ko na, kayang-kaya ko na mag-tricycle na ako lang!”
Hapon, isinama ko si Deden sa grocery. Habang nakasakay sa jeep, nagkukwentuhan kami tungkol sa school nya at pagiging brave nya sa tricycle. Mamaya-maya tumahimik ang bata. Pinagmamasdan ko habang nakatingin sya sa malayo. Biglang ngumiti, siguro proud na proud talaga sa sarili nya hehehe. Nang tanungin ko ng “O bakit ka naka-smile?” Ang sagot ba naman, “Hehehe, kasi si Spongebob nakakatawa talaga!” Ngak, nire-rehash lang naman pala sa mind nya yung movie na napanood nya nung isang araw! Kaloka talaga ang mga hirit ng batang ito.
Tuesday, June 14, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment