Making a Difference
Naglalakad ako galing MRT station sa Ortigas papuntang Galeria nung Miyerkules. May nakasalubong akong isang dalagang naglalakad na may hawak na plastic cup na parang slurpee ang laman. Magkahalong gulat, inis at awa ang naramdaman ko nang makita kong pwersahang inagawan siya ng isang batang lansangan ng kanyang iniinom. Feeling ko naka-witness ako ng holdapan sa totoo lang!
Sobrang bilis ng pangyayari. Napaka-daring nung bata! Pero naisip ko, nakakaawa naman na nagre-resort na sila ng ganun, harapang pang-aagaw ng pagkain sa passers-by dahil sa gutom :( Nakakalungkot na merong mga paslit na Pilipino na ganun ang pamumuhay sa araw-araw … nagugutom, madudungis, kanya-kanyang gawa ng paraan para magkalaman lang ang kumakalam na tiyan.
Naisip ko tuloy, kung meron mang efforts na ginagawa ang gobyerno natin para sa kanila, sapat ba yun? Malimit tayong magreklamo tungkol sa gobyerno pero dapat din siguro nating unawain na hindi nila kayang gawin lahat sa mabilis na panahon. Tayong mga karaniwang mamamayan, ano ang pwede nating itulong? Ika nga ng isang kasabihan, start small. Kung ano lang ang kaya mo kahit maliit, kahit konti. Isang suggestion ko … mag-sponsor kayo ng bata thru World Vision!
Alam nyo bang sa halagang P450 kada buwan o P15 bawat araw (mas mahal pa ang slurpee!), mabibigyan nyo na ng chance ang isang bata na makapag-aral, makatanggap ng health benefits at maturuan ng Christian values? Dagdag pa, ilang percent ng donation nyo ay mapupunta sa community ng bata kung saan tutulungan sila ng World Vision na magkaroon ng livelihood projects kaya pati mga magulang ay natutulungang magkaroon ng hanapbuhay.
Proud nga ako sa sponsored child ko kasi naging honor student sya sa preschool class niya two years ago. Ngayong pagsukan, grade two na siya. We communicate thru letters coursed via World Vision at pinapadalhan din ako ng annual progress report nya. Nakakatuwang mabasa ang mga pagbabago sa buhay ng batang yun. Maging sa pictures, naaaliw ako kapag nakikita ko ang paglaki niya. Para na rin akong may anak na babae :) I’m sure may impact sa buhay at pananaw ng mga bata (at ng kanilang mga pamilya) na tinutulungan ng World Vision ang malamang palaging may pag-asa dahil may mga tao pa ring marunong magmalasakit at handang tumulong. Let’s all make a difference sa ganitong paraan. Sabi nga sa isang quote ng WV “You may not be able to change the world, but you can change the world for one child.” Tara, tulong tayo :)
Meron silang mga booths ngayon sa SM Megamall until June 8, SM City until August 31, Market Market until June 15 and Festival Mall from June 15-31. Pakibisita naman sila to know more about child sponsorship.
Pasukan na naman kasi, at siguradong naka-enroll na ang ating mga anak sa kani-kanilang eskwelahan – kumpleto na ang mga gamit, uniforms atbp. Sana mabigyan din natin ng puwang para makapag-aral ang mga batang mahihirap na gustong-gustong matuto pero walang paraan para makapasok sa school. Please extend your gift of hope to them.
Para sa mga tanong ninyo (I’m sure marami kayong gusto pang malaman!) tawag lang kayo sa WV hotline 372-7777, email wv_phil@wvi.org o bisitahin ang website nila sa www.wvi.org .
Maraming salamat! :)
Friday, June 03, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment