Wednesday, May 25, 2005

Desisyon

Six and a half pa lang ang bunso ko. Tapos na sya ng nursery, kinder I at II. Dapat grade one na sya pagpasok. Yun eh according sa DECS na pinayagan nang mag-enroll sa grade one ang mga six years old pa lang na mga bata.

Pero dahil may experience na ako sa panganay ko na pumasok ng first grade ng six and a half, at nahirapan sya ng todo mag-adjust, napag-pasyahan namin ng asawa ko na i-enroll na lang ulit si Deden sa prep, sa iba namang school. Si Leland kasi noon, parang na-overwhelm sa dami ng isinusulat at assignments kaya kahit honor student siya nung kinder, nahirapan syang humabol sa iba nyang classmates pagpasok ng elementary. Mukha pa namang malaro pa talaga itong huling maliit naming ito. Madali syang magreklamo na pagod na sa mga assignments. Eh wala pa ngang kalahating araw ang klase ng kinder!

Marami na akong nakausap na teachers. Lahat sila agree na late mag-mature ang mga boys kesa sa girls. Kaya ideal nga daw na papasukin ng grade one nang seven years old talaga.

Kahapon, in-enroll ko na si Deden. Since mas malapit na itong bagong school nya, sabi ko magta-tricycle na lang sya mag-isa, hindi na hatid-sundo ni Ate kasi hindi na kailangan mag-jeep. Nag-worry ng todo si bata! Hanggang kagabi paulit-ulit sya sa mga sinasabi. Kesyo daw baka mawala sya, hindi daw nya kaya, baka hindi daw nya makilala yung driver etc. etc. I had to assure him na sasamahan muna siya hanggang masanay. Hay, super baby pa talaga! Samantalang si Josh noon, at five years old, kaya ng mag-isa sa tricycle. Kilala kasi namin yung driver kaya kampanteng in good hands ang bata. Sana lang mawala na ang fears ni Deden once ma-realize niyang mabait itong kokontratahin kong driver niya.

Iba-iba talaga ang bata. As a parent, instinctively alam kong mas kailangan ni Deden ng extra time para mag-preschool muna ulit kesa isabak ko siya sa grade one agad. After all, hindi naman ganun ka-importante yung maging advance ang anak ko kung mahihirapan naman siya ng todo. Still, ang mahirap maging magulang!

No comments:

Related Posts with Thumbnails